Chapter 10.3 - Sweet moments and suspiscions.

57K 912 45
                                    

Ai-chan's Note: 

#TeamHaiCo #TeamNatarvey #TeamYuiKai #TeamMiwaRis #TeamGraeHiko #TeamGiNathe #JaLexander

Loveteams! XD Enjoy Reading, Daredevils!

____

HAIBARA'S POV

Pagkarating namin dito sa school ay bigla niya na akong hinila. Lahat ng mata ay nasa amin. Paano ba naman kasi, ang dating laging away ng away, ngayon naman ay naka-holding hands habang natakbo. Oh diba? Musta naman 'yun? 

Nagising ako sa reyalidad ng winasiwas niya ang kaniyang kamay sa mukha ko


"Oh! Bakit ka naman nagspa-space out?"  tanong niya. Umupo na ako sa upuan dito sa isang table sa Cafeteria. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"Wala 'yun. Order ka na, bili!" tugon ko at kinumpas ang aking kamay nang pang-'shoo' na parang tinataboy ko siya.

"Tss! Okay! Basta mamaya may sasabihin ako sa'yo." singhal niya. Halos mapabungisngis ako sa tinuran niya. Si Cy-kun oh!


"Kung hindi lang kita mahal e." bulong niya pero sapat na para marinig ko. The feeling is mutual Cy-kun.  Nang umalis siya ay dumating bigla sina Ash kaya bumalik na ako sa dating ako na nasisilayan nila. Akala namin tapos na ang Luch Time, 'yun pala, nagsisimula palang.

"Ano 'yun?" pambungad sa akin si Miwa pagkalapit niya. Napailing ako. Uulanin na naman ba nila ako ng tanong at pang-aasar?

"Yie! Si Hannah, lumalovelife na!" si Ash po 'yan mg kababayan! Napairap ako.

"Gusto niyo talaga malaman?" tanong ko. Bigla namang lumiwanag ang mag mukha nila. Lalong-lalo na si Gin at Grae pero si Yui, nakatingin lang sa akin gamit ang sulok ng kaniyang mata. Wow! Interesado siya?!

Huminga ako nang malalim. Tumahimik sila at hinihintay ang sasabihin ko.

"Siya 'yung kababata ko na sinasabi ko sa inyo dati pa." mahinang saad ko. Bigla namang lumaki ang mga mata nila.

"Wait a minute! Siya talaga?! Whoah!" 'di makapaniwalang tanong ni Grae.

Tumango nalang ako. 


"Wow! May lovelife na si Leader!" bulalas ni Jane at nakipag-apiran pa kay Ash.

Sabay-sabay kamign napatingin sa iisang direksyon nang may biglang nagsalita.

"Heto na ang pagkain!" bulalas ni Cy-kun at nilapag ang pagkain sa mesa.

"Ittadakimasu! (Let's eat.)" bulalas ko at nilantakan ang pagkain kong tocino ang ulam.

"Totoo ba ito?" mangiyakngiyak na sambit ni Gin. Dinaluhan naman siya ni Ash.

"Maging masaya nalang tayo sa kanila."

"Guys...." bulong ni Jane at nagkumpulan sila. Kumunot ang noo ko. May naamoy akong hindi maganda rito. Lumaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ko sa susunod na nangyari. Bigla kasi nilang pinagdiskitahan ang nananahimik na si Yui at dinambahan pa siya. Haha! Lagot kayo!

"What the hell?!" hirap na saad ni Yui at sapilitang itinatayo ang sarili ngunit hindi niya magawa dahil maraming nakadamba sa kaniya. 

Daredevil GangstersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang