Chapter 16.2 - Abduction

38.6K 577 19
                                    

 I dedicate this chapter to Ate Jade. Hello! Hindi ko sure kung makikita mo 'to pero gusto kong magpasalamat dahil nagbahagi ka ng mga napakaganda mong kwento :) 

*****

HAIBARA

Pagdating namin sa Hyde's Condo na paggaganapan ng pagpapakilala ko ay agad kaming dinumog ng mga Reporters na nag-aabang sa pagdating namin. I am almost blinded by lights but I managed it.

"Are you feeling nervous?"

"Bakit ngayon ka ang nagpakilala bilang isang Hyde?"

"Kamusta ang lovelife niyo?"

Napairap nalang ako sa mga naririnig kong tanong. 'Yung iba masyadong personal. Nakakairita. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Cy-kun sa bewang ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Don't get agitated. Parte lang 'yan ng trabaho nila." saad niya at pumasok na kami sa Loob. Dumiretso agad kami sa Function Room kahit habol-habol parin kami ng Reporters. Hinaharangan sila ng mga Butlers pero makukulit talaga ang Media at patuloy parin. 

Huminga ako nang malalim. Cy-kun is right. Dapat huminahon muna ako. Dapat hindi ko muna idala ang lahat sa init ng ulo ko. 

Umupo na agad kami ni Cy-kun sa tabi nina Dad pagkapasok namin. Nagkaroon ng konting Introduction ang MC. Opening Remarks ni Dad bilang may-ari ng Condominium at briefing sa kung ano ba talaga ang meron sa Press Conference na pinatawag ni Dad. 

"Now everyone, I will introduce my youngest daughter, Haibara Ai Hyde!" anunsyo ni Dad kaya tumayo na ako. Maglalakad na dapat ako nang biglang hawakan ni Cy-kun ang kamay ko. Pinisil niya 'yon. Ngumiti ako.

"I'll be okay." saad ko at pumunta na sa harapan. Samu't saring Camera ang bumungad sa akin kahit nakaakyat na ako sa Stage. Nagpeke nalang ako ng ngiti at kumaway-kaway para magmukha akong friendly sa harap ng Camera. 

Isa ito sa mga ginagawa ng artisa. They need to live with the fact that they should be the models of their current era. Kung anong character ang ibinigay sa kanila, dapat ganon din sila umakto. Kahit na hindi sila matakaw, kailangan nilang magpanggap na matakaw sa Camera para mas lalo pang sumikat. I really pity them for being blinded because of figures pero wala akong magagawa. That's how showbiz works.

"She's my successor of Hyde Companies. Now," saad ni Dad at inabot ang isang basong may lamang alak.

"Mabuhay ang bagong tagapagmana!" sigaw ni Dad, ang mga reporters, staffs at crew ay itinaas rin ang kanila-kanilang Cup of Wine at sumigaw ng-------

"MABUHAY!!"

Pero sa hindi malamang dahilan ay may narinig akong...

"MAPATAY!"

Napalingon ako agad sa paligid nang marinig ko 'yon. Hindi ganun karami ang mga tao rito kay narinig ko agad 'yon. Pero bakit parang walang nag-react? Hindi kaya napa-paranoid lang ako? Umiling ako at ininom narin ang alak ko. 

Napuno ngpalakpakan ang buong paligid at halos lahat sila ay nakangiti at masaya para sa akin. I almost rolled my eyes because of the sight but I chose to smile. Syempre, kailangan nilang magkunwari na masaya para sa akin dahil may connections ang pamilya namin sa kanila. If only I know, ang mga ngiting 'yon ay simbolo na meron na silang makikitang loophole para mapabagsak ang kumpanya namin at angkinin ang lahat ng shares ng kumpunya. I smirked because of the thought. As if that would happen.

Bumaba na ako ng stage at nag-stay doon si Dad. Nagkaroon pa siya ng konting speech at natapos narin naman agad. Nagpaalam agad sa akin ang mga magulang ko na mananatili pa raw sila roon para makausap ang iba pang negotiators kaya pinauna na nila kami. Nakipagbeso muna ako sa kanila habang si Cy-kun naman ay nakipagkamay.


"Tara na?" saad ni Cy-kun sabay alok ang kamay niya. Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay niya.

"Tara." saad ko at akmang lalakad na palayo nang bigla akong hatakin ni Dad at halikan sa ulo. 

"Da--"

"Be careful." pagpuputol niya sa akin at bumitaw na. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya pero ngumiti nalang siya sa akin at kumaway bilang pamamaalam. Tumango na lamang ako at sumama kay Cy-kun paalis. Lumabas na kaagad kami ng Condo pagkatapos no'n. 

Pagkalabas namin ay nagtataka ako, para kasing may nag-iba sa Limousine na sasakyan namin. Napatigil ako at kinilatis 'yon. Bakit parang nag-iba ang desenyo nito? Sa pagkakatanda ko, kanina walang bungo na tatak ang Wind Shield ng Limousine kanina.

"Haibara, okay ka lang ba?" tanong sa akinni Cy-kun. Lumingon nalang ako sa kaniya at ngumiti nang napakatamis.

"Yes, I'm fine." saad ko. God, napaparanoid na ng ata ako.

"Pasok ka na." malambing na saad ni Cy-kun at kinuha ang kamay ko. Iginaya niya ako sa loob at tumabi agad siya sa akin. Sinara niya ang pinto at sinenyasan niya na ang Driver na magmaneho na.

Pinagmasdan ko ang paligid. I feel something different. I feel uneasy. Bakit kaya? 

Tinignan ko ang Driver at wala namang nagbag----Wait, bakit babae na ito ngayon? I saw a smirked from that woman lips as she points a gun between us. Wala pa kasi kami sa highway kaya malaya pa siyang maapagmaneho na walang inaalalang pwedeng mabangga.

"Ai-kun, huwag kang gagalaw." saad ni Cy-kun nang akmang aagawin ko na 'yung baril. Tumango ako at sinamaan ng tingin ang driver.

"Who are you?" tanong ko rito pero mas lalo pang lumapad ang ngisi nito. Nakatakip ang mukh niya ng Cap at ang suot niya naman ay Blue Shirt at Blue pants na tinernuhan ng itim na sa combat shoes. This girl....is she a spy?

"What? Why don't you ask your sweetiepie? Saling pusa lang ako rito." saad niya. Kumunot naman ang noo ko narinig ko. Ano raw? Sweetiepie? Saling-pusa?

Hindi kaya----

Naputol ang pag-iisip ko nang naramdaman ko ang isang matalim na bagay na tumutusok sa leeg ko. Nanlalabo agad ang paningin ko pero tinginan ko parin ang tumusok sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at lumuha. Please, everyone but not him. Huwag siya, please. Bakit siya pa? Of all the people....

"C-cy-kun, why?"

****

Ai-chan's Note: Hmm, sino sa tingin niyo ang may pakana ng lahat ng 'yon? Sino na naman kaya ito? Dapat mahaba 'tong update pero dahil biglang nagsara ang Chrome at hindi na-save lahat ng sinulat ko, nabadtrip ako at mas pinili nalang na iklian. Hays. 

Ano ang masasabi niyo? Bakit kaya 'yon ginagawa ni Cy-kun?

Thankyou for reading! 

PS: Matagal na naman ata ang UD ko,Sorry Daredevils

PLUG:

https://www.facebook.com/animeaddict04 (Facebook Account)

https://twitter.com/chrstnmrvc (Twitter Account)

NEW STORY: Cloak And Dagger

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now