Chapter 20.2-Kido's Past

31.3K 597 29
                                    

Ai-chan's NOTE: Sa nanunuod ng Mekakucity Actors diyan! Spoiler to! Djk XD Sorry for the late UD,Enjoy Reading! ^_^

___________________________________________

HAIBARA'S POV

"Oo, Ang dalawang trono na tinutukoy namin ay ang trono ng Queen at King" saad saakin ni Kido.

Q-queen at King?! Dad never told me about that.

"Pero bakit maraming nagtatangka sa buhay ko kahit babae ako? Hindi ba't Babae ay para sa trono ng Queen kaya bakit ako tinitira ng mga kapwa kong kalahok na lalaki?" tanong ko pabalik sa kaniya.

It does not make sense at all. Bakit ako titirahin ng mga lalaking kalahok kung hindi naman ako nila kalaban? Hindi ba?

"Ang dahilan diyan ay dahil sa disguise mo. You look like a weakling that's why they're targeting you" sa pagkakataong 'to ay si Ichinose na ang nagsalita at kasabay niya si Seto na dumating dala-dala ang pagkain namin.

Disguise? Ibigsabihin,ang pagiging nerd ko? Oh,That's explains everything.

"Pero ang isa pang dahilan.....ay ayaw nila kang maging Queen dahil nga sa disguise mo" seryoso naman na dagdag ni Seto.

Napangiwi ang labi ko.

Sa paningin nila nerd ako kaya mahina agad,at kung iisipin mo nang mabuti, Hindi nga naman tama na isang walang hiyang nerd ang mamumuno nang isang Mafia kasama ng kaniyang King.

"Pero mas malaki ang advantage mo, Walang nakakaalam kung sino ka talaga kaya rest assured" nakangiting sambit ni Kano saakin.

Tumango nalang ako.

Tama sila, dahil habang ikinukubli ko sa anyo kong 'to ang totoong ako, mas challenging ang mga susunod na pangyayari.

"Kido, sa tingin mo ba pwede na tayong kumain?" tanong bigla ni Ichinose sa gitna ng kawalan.

 Napakamot si Kido sa kaniyang batok at tsaka ngumiti ng alanganin.

Ako naman ay hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Akala ko pa naman seryoso at tahimik na uri si Ichinose pero hindi pala.

Mukha pala siyang pagkain.

"A-ah, Oo na" tugon ni Kido. 

Ring!  kasabay ng tunog ng bell na ibigsabihin ay oras na para sa Lunchtime.

Sinimulan na naming kumain para parehas lang kami nang iba na kakalabas sa klase kahit hindi naman talaga.

Maya-maya ay tumunog bigla ang Cellphone.

"Ah,sasagutin ko muna 'to" saad ko sa kanila.

Tumango sila bilang tugon. Tumango rin ako pabalik at tsaka tumayo.

Naglakad ako patungo sa labas ng Cafeteria at tsaka tumakbo patungo sa malapit na Alley na walang tao.

Nang makarating na ako ay sinagot ko na ang Cellphone ko na ilang beses na na natunog.

"Moshi-Moshi? (Hello?) " tanong ko sa kabilang linya. 

"Haibara,Anak? Kasama mo na ba sila? tanong saakin ng isang panglalaking boses. Si Dad.

"Yeah" tugon ko sa kaniya pabalik. 

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now