Chapter 5.3 - Villafuerte

71.6K 1.2K 32
                                    

HAIBARA

"Tara na." saad ko at umikot ulit kami para makapunta sa Entrance ng School na ito. Another Day again. Parang ayoko na atang pumasok kung magpapanggap din naman pala kaming mahina.

Pagkatapak namin sa Entrance ay nagsimula na naman ang bulung-bulungan. Naiyukom ko ang mga kamao ko. Fuck this! Lumunok ako at tumikhim.

"Remember what Dad told us. Indirectly man 'yon, kailangan nating magmukhang mahina. Drop your cold attitudes." bulong ko sa kanila at sinimulan nang maglakad dito sa pasilyo.

"Ih. Bakit Ikaw Ate Haibara ay cold pa rin?" bulong naman pabalik ni Grae. Napatigil ako.

"O-okay." saad ko at nautal dahil sa pag-iwas sa hindi malamig na tono. Ugh! Ayoko nito. 

"Hannah, isipin mo nalang 'yung lalaki sa Music Room para humarot ka nalang at hindi maging yelo." pang-aasar sa akin ni Ash. Sinamaan ko siya agad ng tingin kaya nag-peace sign nalang siya. Lumingon ako kay Gin at pilit siyang nginitian.

'"Anong oras na Gin?" tanong ko sa kaniya. Tumalima naman siya at tumingin sa wristwatch niya.

"Wow! Ichi, nag-iimprove ka na!" bulalas ni Miwa. Napalingon ako sa kaniya at nginitian siya ng tipid. Namangha siya.

"Gusto mo mamatay?" saad ko habang nakangiti. Nawala ang ngiti niya at napangiwi sabay iling.

Napadako ang paningin ko nang magsalita ulit si Gin.

"It's already 7:50 am. Tara na. Dapat kasi hindi tayo mahuhuli sa klase."

Aish! Ang boring na talaga. Nakasandal ako sa upuan at nagpapanggap na nakikinig. Ayoko na maging nerd!  Nakaka-irita. Napukaw ang atensyon ko nang biglaang pumunta si Ms.Cynthia doon sa may pintuan at may kinausap. Sino naman kaya 'yun?

Pumunta ulit si Ms.Cynthia sa harapan at tsaka pumalakpak ng tatlong beses.

"Class, may transferee." saad ni Ms.Cynthia at lumingon sa bandang pintuan.

"Please enter, Mr.Villafuerte." saad niya. Villafuerte? Hindi kaya--

Nagulat ako mentally dahil sa nakita ko. Ang lalaking iyon. 

"Hi! I'm Alexander Villafuerte. Nice to meet you!" 

Anong ginagawa niya rito? Naiyukom ko ang aking mga kamao ko.

*****

ASH

Alexander Villafuerte. Shit! Anong ginagawa niya rito?! Bakit? Kung hindi ako nagkakamali, siya ang anak ni Clyde Villafuerte na pinatay namin dati dahil sa isang misyon.

Andito kami ngayon sa teritoryo  ng target namin at nag-aabang. Ang pangalan niya ay Mr.Clyde Villafuerte. Siya ay isang Drug dealer at inutos ng Black Organization na patayin siya at ang time limit ay hanggang bukas ng madaling araw kaya kumikilos na kaming ngayong gabi.


Ang oras palang naman ay 11:00pm. Andito ako sa isang puno at nagmamasid habang si Blood Queen (Haibara) ay katabi ko tapos si Raven Princess(Miwa)at Silent Killer (Yui) ay naging decoy.

Kumbaga, magpapanggap silang bibili ng drugs at meron din silang dalang briefcase na may lamang mga pekeng pera na kayang idaya ang isang tao. Si Black Thunder (Grae) at Poison Tricker (Gin) ay magkasama.

Habang hinaha-hack ni Poison Tricker 'yung security cameras para maging malinis ang trabaho namin ngayong gabi, si Black Thunder naman ang magbibigay ng signal saamin kasi siya ang may contact sa mga security cameras gamit ang neon cellphone niya.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now