Chapter 4.2 - Nathalie's Butlers

72.6K 1.3K 29
                                    

HAIBARA

"Hindi na ako magtataka." saad ko at pinalibutan siya.

"What are you looking at? Chinecheck out mo ba ang vital statistics ko?" tanong niya nang may mapaglarong ngiti sa labi. Umirap ako.

"Your muscles are stiff but as soft as marshmallows. Siguro may muscles ka ngang nabuo kaka-Gym mo pero what's the sense of having them without using them?" untag ko. Nangunot naman ang noo niya habang napatango naman agad ang mga kasamahan ko.

"What do you mean~ Yeah yeah~" kanta niya. Napailing ako at tumigil sa harapan niya.

"Sa madaling salita, mahina ka. Kailangan nating palakasin ang stamina mo at endurance. Siguro pati narin ang balance at agility. Since lalaki ka naman, mas lalong papalakasin pa natin ang power ng katawan mo. You cannot be a leader if you cannot even protect yourself." saad ko. Napalunok naman agad siya. Siguro nahuhulaan niya na ang gusto kong ipahiwatig.

"I-ibigsabihin, m-marahas na training ang mararanasan ko sayo, tama?" tanong niya. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis at tumango. Nalukot naman ang mukha niya at parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ugh. Naalala ko tuloy ang training sa atin ni Hannah dati."

"Oo nga e. Halos sumuko na katawan ko."

"Isama mo pa 'yung wala niyang awang pagpapagawa ng mga pinapagawa niya."

Mas lalong nabahiran ng takot ang mukha ni Kuya sa mga komento ng ka-gangmates ko. Ngumisi ako. Walang katotohanan ang mga pinagsasabi nila pero epektibo para matakot si Kuya. 

"Haibara, 'wag mo naman akong pahirapan." pagmamakaawa niya at akmang lalapitan na naman ako nang hinarang ko agad ang palad ko sa kaniya. I touched the bridge of my glasses and smirked. Kina-career ko na talaga ang Nerdy Glasses na 'to.

"Ikaw na nga lang ang lumapit para magpa-training tapos choosy ka pa?" saad ko. Bumusangot naman siya agad. Luminga ako sa paligid at tinignan kung may mga estudyanteng umaaligid. Kahit hindi ko man sabihin kay Kuya, head-turner ang isang 'to. Maganda lahi namin e.

"Tara na muna sa built-in Head Quarters namin dito sa Hyde University. Magwa-warm up na tayo." saad ko at nauna nang lumabas. 

"Shu, mag-ingat ka ha." saad ni Ash habang tinatapik-tapik ang likod ni Kuya. Mahinang tumango naman si Kuya.

"Ipagdadasal ka nalang namin, Shuichi-nii-chan!" masiglang sabat ni Grae. 

"Goodluck." komento ni Yui at ngumiti nang katakot-takot kay Kuya. Hindi naman mapigilang kilabutan ni Kuya. Kitang-kita ko kung paano tumaas ang balahibo niya sa braso niya.

"S-s-s-s-s-salamat." utal niyang tugon kay Yui at lumingon kay Gin. Inaasahan niya atang may sasabihin itong makakasimpatya sa kaniya pero wala itong sinabi. Lumingon sa kaniya si Gin at itinaas ang Phone niya. May ipinakita siya kay Kuya na litrato. 

"Kung hindi kakayanin ng katawan mo, matutulad ka kay Midoriya ng Boku no Hero Academia. Palaging nagkakabali ang mga buto sa tuwing gagamitin niya ang kapangyarihan niya." pagpapaliwanag ni Gin. My brother's eyes widened and swallowed an imaginary lump on his throat. Lumingon siya sa akin at may akmang sasabihin nang hindi ko na siya nilingon at tumigil sa isang Human Sinkhole sa likod ng University.

"Papasok tayo riyan?" tanong ni Kuya. Tumango naman ako agad.

"Oo. Dito ko pinalagay ang HQ namin dahil walang ninuman ang magtatangkang pumasok sa siang septic tank." saad ko at inalis na ang takip ng human sinkhole. Lumaki agad ang ngisi ko nang makita ko ang maninipis na bakal na hagdanan pababa. Ako na ang nauna at sumunod naman agad sila.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now