Chapter 17.1-Mother?!

40.4K 600 15
                                    

SATOSHI

"P-paano nangyari ito? Paanong may kakambal si Conan?" bulalas ko. Maging sina Ash ay natahimik at nanatiling nakikinig lang sa munting rebelasyon na sinasabi ni Co--Shinichi.

"Kambal ang anak ni Clyde Villafuerte at ni Christa. Parehas silang kasama sa Royal House kung saan ka namumuno. Dahil naging matalik mong kaibigan si Clyde---este si Hiroshi Takeno, tinangka mo siyang patayin para makuha ang nanay ko, hindi ba?!" bulalas niya. 

"Hiroshi Takeno? Hindi ba't isa 'yong mayaman na negosyante na namatay dahil sa isang aksidente?" singit naman ni Ginea sa tabi ko. Napailing-iling si Shinichi.

"Hind siya namatay. Tinulungan siya ni Uchiyama Edogawa para makabangon at nabuhay muli sa pangalan na Clyde Villafuerte. Kinupkop niya ako at si Conan kapalit ni Alexander." saad nito. 

"Si Alexander ay namuhay nang normal habang kayong dalawa ay namulat sa bayolenteng mundo. Hindi ba't pinaikot at ginamit lang kayo ni Uchi?!" bulalas ko. Tumawa nang malakas si Shinichi.

"Nagkakamali ka. Hindi niya kami ginamit. Maswerte kami. Maswerte! Hindi niya kami pinabayaan. Hindi niya hinayaa--"

"Pero bakit hindi ka kilala ni Conan?" singit ko. Lumandas ang lungkot sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ng kakambal niya.

"Hindi niya alam na dalawa kaming inaalagan ni Uchiyama. Pinalaki siya nang may alam sa ganitong mundo pero nabuhay parin siya nang normal at nakakapag-aral. Wala rin akong pakielam doon dahil isa lang ang nasa isipan ko. 'Yon ay ang kitilin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang mortal na kaaway ni Uchiyama." saad niya. Hindi ko mapigilang maawa sa batang nasa harapan ko ngayon. Lumaki siya sa kasinungalingan. Lumaki siya na may puso na puno sa galit at poot. Pinalaki siya para gawing armas ni Uchiyama laban sa akin. 

"Shinichi, mali ang iniisip mo. Pinlano ni Uchiyama ang lahat ng ito. Ginagamit ka lang niya." saad ko. Marahas siyang umiling at pumikit nang mariin, tila ba'y nagdedebate siya sa kaniyang isipan.

"Huwag mong lasunin ang utak ko! Kalaban ka! Kalaban ka! Inutusan mo ang anak mo na patayin ang tatay ko." singhal niya. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at mahinahong tinapik ang pisngi niya.

"Shinichi, ni minsan ba ay nakausap mo ang totoong nanay mo tungkol dito?" tanong ko. Huminahon naman agad siya at napatingin sa paa niya.

"H-hindi." tugon niya. Nilabas ko ang Cellphone ko at may tinawagan. Ilang segundo pa ay sinagot ng nasa kabilang linya ang tawag.

"Christa?" saad ko. Lumaki agad ang mga mata ni Shinichi dahil sa narinig niya. Tila siya'y nagtataka kung bakit kausap ko ang nanay niya sa telepono. Ni-loudspeaker ko ito.

"Christa, kamusta na ang lagay ni Clyde?" tanong ko. Nakarinig ako ng ilang kaluskos bago tumugon.

"Okay naman siya. Salamat sa pangangamusta." saad nito. Nilipat ko ang cellphone sa direksyon ni Shinichi.

"May kakausap nga pala sa'yo Christa." saad ko at hinayaan na si Shinichi ang kumausap dito.

"M-mama?" saad nito.

"Sino 'to?"

"Si Shinichi po ito."

"A-ano? Pero sabi ni Uchiyama, patay ka na!"

"Hindi po. Buhay po ako! Ba't naman po sasabihin ni Uchiyama ang mga bagay na 'yon? Bakit naman po siya magsisinungaling sa inyo? Mabait po siya hindi ba? Tinulunga niya po tayo!"

Halatang naguguluhan na ang mukha ni Shinichi dahil sa naririnig niya mula sa nanay niya. Maluha-luha narin ito.

"Shinichi anak, nagkakamali ka." saad ni Christa. Napasinghap naman si Shinichi.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now