Chapter 14.1 - Haibara's Accident.

42.1K 663 63
                                    

Click the external link para makapag-enroll kayo sa Lucifer's Academy!

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

CONAN'S POV

Andito ako sa kwarto ko at nagmumuni-muni. Galit ako sa lahat, galit ako sa sarili ko, galit ako sa Dad ko and mostly kay Ai-kun. Hindi pa lubos na nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Nathe pero alam ko na siya, siya ang pumatay sa Tito ko at, at pakiramdam ko niloko niya lang ako at pinalano niya na lahat ng ito para mapamahal ako sa kaniya. Kahit kababata ko siya, nagawa niya akong pagtaksilan. Niloko niya ako. Niloko, 'di ko lubos na maisip na ang taong pumatay sa Tito ko ay ang taong pinakamamahal ko. Pakiramdam ko tuloy, kaya niya ako pinamahal ngayon sa kaniya ay dahil para mabawasan ang galit ko sa kaniya pero hindi. Mali siya. Mas lalo lang lumala ang galit ko sa kaniya.

Naloko ako dahil nagpakatanga ako. Siguro ngayon, kung makikita niya ako, tatawanan niya ako. Hindi ko alam! Para kasing naglaho bigla 'yung Ai-kun na kasama ko dati. 'Yung nararamdaman ko dati, nawala.

Sisiguraduhin ko, magbabayad siya.

*****

Ang dilim. Wala akong makita pero naglalakad parin ako. Nasaan na ba ako? Mmaya-maya lang, may nakita akong liwanag 'di kalayuan kaya tumakbo ako patungo duon pero habang tumatagal, lumalayo it kaya tumigil muna ako.

Ngunit nagulat ako nang unti-unting lumalapit sa akin ang liwanag kaya nasilaw ako at napapikit ang mga mata ko. Nang mawala na ang silaw sa mga mata ko ay dinilat ko na ito at nasa puting lugar naman ako. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid ngunit damuhan at langit lamang ang nakikita ko. Teka, nasa panaginip ako. Oo, kasi 'di manlang ako napagod nung tumakbo ako kanina, panaginip lang ito kaya sana magising na ako. Ano ba naman kasi ang kailangan kogn gawin dito?

"Conan." Napalingon ako sa kaliwa kong direksyon nang napagtanto ko na duon nagmula ang tunog. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. A-ang Tito Clyde ko. 

Hindi na akong nagdalawang-isip na tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit na para bang wala nang bukas at yumakap din siya pabalik. Ang saya ko ngayon, ang saya-saya. Panaginip nga ito pero para bang ayoko ng gumising at dito nalang ako, pakiramdam ko, napakaginahawa at napakayapayapa rito kasama ni Tito.

Bumitaw na kami sa isa't isa at ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako  pabalik sa kaniya.

"Bakit Tito?" tanong ko. Napangiwi ako nang biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Conan, makinig kang mabuti. Ang pumatay sa akin ay si—" naputol siya nang nagsisimula na siyang maglaho.

"Teka! Teka! Ituloy niyo muna ang sasabihin niyo!" saad ko ngunit tinugon lamang nya ako ng isang makahulugang ngiti at naglaho na sa aking harapan.

"Kailangan ko nang magpaalam, anak."

"Tito!" napabalikwas ako ng bangon habang tumutulo ang mga malalamig na butil ng pawis sa aking noo. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang aking hininga. A-anong ibigsabihin nu'n? Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang panaginip ko. Sugatan pa ang puso ko dahil ka Ai-kun kaya dapat huwag muna akong magdagdag pa ng makakasakit sa akin.

Pagtapos ko ay dumiretso na sa kotse ko na nakahanda na sa labas. Sumakay na ako rito at pumunta na sa Hyde's University. Pagkaparado ko ng kotse ko ay dumiretso agad ako sa Garden. May mga piling lugar lang dito si Ai-kun, ang garden, ang cafeteria at ang mga eskinita.

 Nang nakarating na ako sa Garden ay nahagip ng mata ko ang natutulog na nakasandal sa puno na si Ai-kun. Tahimik akong pumunta sa kaniya ngunit nang medyo malapit na ako ay iminulat niya ang mga mata niya tsaka tumayo at tumingin sa direksyon ko. Tumingin siya sa'kin kaya tinignan ko rin siya sa kaniyang mga mata at nagsukatan kami ng tingin. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now