Chapter 5.2 - Battle (Part 2)

86K 1.3K 57
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Now, let the battle begin!" saad ng MC kaya na naging senyales para magtapat-tapat na ang magkakalaban sa gitna ng Arena. It's a coincidence that both gangs have the same number of group members kaya lahat sila may katapat. 

This is the line up of their battle. 

Daredevil Princess (Haibara Ai Hyde) versus  Dark Knight (Conan Edogawa)

Despicable Ash (Natasha Wailey) versus Vodka (Jarvey Lim)

Kir (Yui Frenzwich) versus Hiei  (Akai Shuichi)

Chianti (Miwa Fritz) - Korn (Chris Vineyard)

Vermouth (Grae Ford)  versus Shinigami (Mitsuhiko Yushida)

Gin-Crasher (Ginea Athena Wailey) versus Gin (Nathaniel Lim)

Seryoso silang nagtitigan sa isa't-isa at halatang kinikilatis ang magiging kalaban nila. Ang Cephrins Gang ay walang mga maskara na suotdahilan para makilala agad nina Haibara na sila talaga nag Cephrins na nambulabog sa buhay nila.

''Ano magtitigan nalang ba tayo dito?" nakangising saad ni Dark Knight. Pagkasabi niya no'n ay agaran siyang lumapit kay Daredevil Princess. Nanatiling nakatitig lamang sa kanya si Daredevil Princess gamit ang matitingkad nitong pulang mga mata na tila ay walang pakielam sa nagyayari at makikita mo rito na blangko lamang ang ekspresyon ng mukha  niya. Ngunit sa loob-loob ng dalaga ay para itong bulkan na sasabog dahil sa pagkasabik. 

Matagal-tagal din kasi siyang tigang....sa pakikipaglaban.

Nang makalapit na si Dark Knight kay Daredevil Princess ay agaran niya itong dinambahan ng suntok. Pagdating sa G-Point at sa buong Gangster World, hindi uso ang mga gentleman. Lalo na pag nasa gitna sila ng laban. Wala namang pinagkaiba sa tunay na mundo ang pagkawalan ng gentleman ng mga ito.

Imbes na tumama sa mukha ni Daredevil Princess ang kamao ni Dark Knight, sinalubong niya ito ng kaniyang palad at agarang ipinilipit. Habang hawak pa ang pulso ni Dark Knight ay agad gumilid si Daredevil Princess at inabot ang batok nito. Sa isang iglap ay nakasubsob na ang mukha ni Dark Knight sa sahig.

''Not so fast dude.'' saad ni Daredevil Princess gamit ang nang-aasar na tono. Agad namang tumayo si Dark Knight na parang walang nangyari. Pinahiran niya ang dugong umaagos sa gilid ng bibig niya gamit ang likod ng kaliwang kamay niya.

"You got me in there." Nakangising saad ni Conan.

Sa kabilang banda ay pinauulanan na ni Despicable Ash ang kaniyang kalaban na si Vodka ng suntok pero wala paring bumabagsak sa kanila. Competitive parehas. Walang nagpapatalo. Tila ba sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo at may lihim silang kasunduan na hanggang kamatayan ang kanilang labanan.

Si Kir naman, pa-easy easy lang habang nakiki[aglaban sa mga atake ni Hiei. Nakasuot pa ito ng headphones at nakikinig ng musika. Ang galaw niya rin ay mabilis at parang hangin lang siya sa harap ng kaniyang kalaban.

''Iyan lang ba ang kaya mo kaya puro iwas ka na lang?''nakangisinghamon ni Hiei kay Kir. Naiyukom ni Kir ang kanyang kamao at sinuntok sa tiyan si Hiei kaya siya'y tumilapon sa sahig.

''Tss.'' singhal ni Kir. Agarang tumayo muli si Hiei at pinahid ang dugo sa na dumadaloy mula sa kaniyang bunganga.

"Interesting."  saad ni Hiei at nakipaglaban kay Kir. Sa pagkakataong ito ay tumutugon na sa mga atake si Kir.

Gaya ni Kir, si Chianti ay pa-easy-easy lang din sa pakikipaglaban at tila nasayaw pa dahil nasabay lamang ito sa musika sa kanyang beats sa loob ng arena habang nakikipaglaban kay Korn.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon