Chapter 18.2-E.E

33.6K 605 29
                                    

HAIBARA'S POV

Pinipilit kong hatakin ang kwintas na 'to ngunit hindi ko 'to matanggal. This son of a bitch! For the love of!!!! Arghh! Nang mapagod na ako ay binitawan ko na 'to.


"Start on the Isolated part of the school and use the necklace I gave to you"

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko. Mind game. Tumayo na ako ng tuwid at tsaka lumabas ng Rooftop. Ang isolated lang naman na parte ng school na 'to ay Iron Ruins sa likod ng school. Wala masyadong tao duon dahil maraming natatakot doon dahil creepy daw.Tss. If I know, they're just a bunch of cowards that can't overcome their fears.  What a bunch of morons.

Sa kaka-muni-muni ko at pagku-kuro-kuro ay hindi ko namalayan na andito na pala ako sa destinasyon ko. Luminga ako kung may tao rito ngunit wala naman. Ni-anino wala at ni-bakas ng isang presensya wala rin. Mas maganda kung ako lang mag-isa.

"Go to the east, Don't follow the yiest, just follow the ropes with knots until it get to the least"

Luminga ako sa buong lugar. Pumunta ako sa silangang parte at wala akong nakikitang tali. Kahit isa wala! Fuck saan pala 'yon?! Inilibot ko ang aking mga mata sa buong lugar ngunit wala talaga. Nasaan ba 'yon?! Napasabunot ako sa ulo ko. Chikusho!

Padabog akong umalis sa Iron Ruins na 'yon. Kung wala doon. Saan? Nag-isip pa ako kung saan pwede. Siguro duon sa abondoned Warehouse  malapit sa HQ namin? Pumunta ako roon. Pwede rin siyang isolated pero nung pumunta ako sa silangang parte. Wala rin. I frown. Asar! Nasaan ba kasi yun?!

Halos libutin ko na ang buong eskwelahan! Wala naman ang hinahanap  ko rito. Nang mapagod ako ay umupo ako sa isang bench malapit sa Library at ininom ang bottled water na dala-dala ko kanina pa. Habang umiinom ako ay may nag-reflect na object sa bote nito. Sinundan ko ng tingin ang object na yun. Ibinaba ko na ang bottled water at sinara 'to.

Sa tabi ng Library ay may isang Room na walang tao at matagal nang abandonado. Lumapit ako roon. Maraming tao rito pero hindi nila ako napapansin. Which  I find good. Ngumisi ako. Eto na nga yun dahil may nakasulat na "Isolated, Don't Enter" . Kung hindi pwedeng pumasok nasaan ang hinahanap ko? May naalala ako. Itong kwintas ko na 'to ay may pendant na susi kaya sinubukan ko 'to para buksan ang pinto.

Bingo! Narinig ko ang 'click' which means.....nabuksan ko. Naramdaman ko nalang ang mga matang nakatingin saakin.

"Hala! Diba bawal daw pumasok diyan?!"

"Waah! Nakakatakot! Ba't siya papasok?! Creepy kaya"

At marami pang bulong-bulongan na naririnig ko pero hindi ko yun inalintana at tsaka pumasok ako. Pumunta ako sa silangang parte at duon ko nakita ang hinahanap ko. Ang tali na may buhol sa dulo. Ito na 'yon. Sinundan ko ang tali hanggang sa dulo at duon ko nakita ang isang vintage na baul. Dalawa ang susi ng pendant na suot ko ngayon. Isang maliiit pa na kasya dito sa maliit na vintage na baul na 'to.

Inilagay ko na ang susi ko sa Key Knob at tsaka ito pinihit. Bubuksan ko na dapat 'to ng may naramdaman akong presensya sa likod ko. Kaya itinago ko sa likod ko ang baul. I turn around and there I see the 'Dean' frowning at me. She raise her eyebrow on me. 

"What are you doing in here? Ms.Fujiwara?" nakataas kilay na tanong niya saakin. Inismiran ko lang siya at nilagpasan siya. Palabas na dapat ako ng bigla niyang kunin ang vintage na baul ko sa aking kamay.

"This is a school property,Ms.Fujiwara" saad niya at tsaka lumabas. Leaving me dumfounded. I clenched my fists. You'll regret this! Hinintay ko siyang makalayo tsaka ako lumabas. Dumiretso ako sa HQ. Inalis ko ang aking Nerdy Glasses at nagsuot ng kaswal na damit at hindi uniporme. Nilugay ko ang aking mahabang buhok. Kung 'to lang ang tangi kong magagawa para mabawi ang baul na 'yon,gagawin ko dahil duon nakasalalay ang buhay ko.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon