Chapter 12.1 - Initiation.

53.5K 783 49
                                    

Ai-chan's Note: 

#HaiCo #YuKai #DaredevilGangsters

Enjoy Reading!

______


HAIBARA'S POV

Tests eh? Sounds interesting for a game. Nakahalumbaba ako ngayon at sinusundan lang ng tingin ang teacher namin sa Science na si Mailyn or known as Lyn dito sa Campus. Ang boring ng pagtuturo niya o dahil sa alam ko na kung ano 'yun? Either of them, boring talaga.

Napatingin siya sa akin habang nagdi-discuss pero hindi ako kumibo at tinitigan lang din siya.

''Ms.Fujiwara,  please answer this equation.''saad niya at tinuro ang board. Hindi niya ata ako kilala kaya kaya niya akong tratuhin ng ganito.  Siguro baguhang teacher palang ito at walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan.

"Girl, look! Sasagutan ng nerd na 'yan ang equation!"    Tapos?

"Hah! Pustahan 'di niya 'yan masasagutan. Puro kasipsipan at kalandian lang naman ata alam niyan!" Oh talaga? Baka sarili mo 'yung sinasabihin mo niyan.

"Hindi ba't siya 'yung cool na nerd na tumalo kay Conan?"  Ano naman ngayon kung ako 'yun?

Tss, para silang mga bubuyog. Tumayo nalang ako ng ayos at kinuha kay Ma'am Lyn ang chalk. Binasa ko ang problem. 

If an object travels 65km/hr, what is the speed of the object? Convert it to m/sec.


Sinulat ko na ang solution. 

65km/hr x 1000m/1km x 1hr/3600sec =18.06m/sec

 Tss, ang dali lang naman pala. Halatang nagulat si Ma'am Lyn pero nilagpasan ko lang siya. Tahimk ang buong slid at ni isang bulong ay wala kang maririnig. Nginisian nalang ako ng mga ka-gangmates ko dahil sa nagawa ko.

"Good job." Ash mouthed. Nginitian ko nalang siya at umupo sa upuan ko.

___

LYN'S POV

Gulat na gulat ako. Sa totoo lang, sinusubukan ko lang siya kung pwede niyang magawa ang mga ibibigay kong tests. Kung baga, patikim palang ito.  Hindi ko alam ang sagot dito pag wala akong calculator pero siya, walang hirap niyang nasagutan ito. 'Di ako makapaniwala!

Nang makaupo siya ulit ay pinatayo ko ulit siya at sinenyasang lumapit sa akin. Nang makalapit na siya ay may inilabas ako na 5 pages na exam.

"Answer this 35o items na exam sa 3rd year na vacant room dahil—" naputol ako nang iharang niya ang palad niya sa harapan ng mukha ko.

"Oo na." saad niya at umalis agad ng room. Grabe! Ang bastos niya! Napasulyap ako sa wristwatch ko at malapit na ang dismissal ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagdi-discuss. 40 minutes nalang ang natitira.

"So, back to our lesson..." nag-discuss nalang ulit ako ng nile-lesson ko ngayon na about sa conversion. Matatamlay ang estudyante ko at parang ni-isa sa kanila ay puros hindi nakikinig. Napailing ako sa aking isipan. Mga kabataan nga naman ngayon, walang pakielam sa mga buhay nila.

Nang matapos ko ang discussion ay  binigyan ko sila ng seatworks at umupo sa table ko. Binuksan ko ang netbook ko at pinagpatuloy ang Lesson Plan para bukas.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now