Chapter 15.3 - Daddy Swap

43.3K 618 25
                                    

CONAN'S POV

Pagkatapos naming mag-date ni Ai-kun kahapon dahil nga nagising na siya ay siya namang pagsalubong sa akin ng pinsan ko na si Alexander na may masamang balita. Medyo magulo ang kulay brown niyang buhok at parang naguguluhan ang kulay itim niyang mata. Naniningkit din ito na parang may malalim na iniisip. Tumabi ako sa Desk niya at kinalabit siya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at lumingon ulit sa White Board. Kumunot naman agad ang noo ko. Ano namang tinitignan niya roon? E wala nga ni isang nakasulat doon e.

"Wala. May iniisip lang ako." saad niya. Napatagilid naman ako ng ulo ko.

"At ano naman 'yon? Babae ba?" diretsuhan kong tanong. Tumingin naman siya sa akin at sumignhal. Humalumbaba siya at may hinugot mula sa Uniform niya.

"Basahin mo 'yan." saad niya at inabot sa akin ang isang piraso ng papel. Binuksan ko naman 'yon at binasa ang nasa loob.

Dear Alexander,

I never meant to give you to someone else. I always wanted you to be raised in a normal life, make friends in school, have a supporting family and all. Please, forgive me if you never knew what I really am to you. I'm a coward. I don't have enough confidence to protect you. If you're reading this letter, I might as well as good as dead. Say thanks to Clyde Vilalfuerte for taking care of you. I never told him I'm sorry for what I've done but now that Death is already chasing me, I realized that I wasted my existence here in the world. Someone killed us. I hope you'll live your life to the fullest every each day. Take a risk. Chase your dreams but don't let greedy thoughts to consume your sanity. I will always guide you, my son. We will always guide you.

"Dying with matching bathing with your own blood." decode this riddle if you want to know who took our lives.

Sincerely Yours,

U.E & E.E

"Ano 'to? Hindi ba't si Tito Clyde ang tatay mo?" tanong ko. He shrugged his shoulders.

"Who knows?" saad niya. Napatingin kami sa pinto nang may pumasok na lalaki roon. Itim na buhok, medyo matalim na itim na mga mata at naka-tuxedo. Ngumiti ako.

"Tito Satoshi." banggit ko sa pangalan ng tatay ng Girlfriend ko. Tumingin naman si Tito sa gawi ko at parang akong papatayin nito sa tingin niya palang. Kumunot naman ang noo ko at akmang tatanungin siya nang unahan niya na ako.

"Conan, I need to talk to you.." saad niya at tinignan ang mga gulantang na mukha ng mga kaklase ko.

"Privately." dagdag niya at lumabas na nang pinto. Sinulyapan ko naman sina Ai-kun bago ako umalis para sana makakuha ng sagot kung bakit ako kakausapin ni Tito Satoshi. Subalit, kahit sila ay wala ring alam sa mga nangyayari.

Tahimik lang akong sumunod kay Tito Satoshi. Hindi niya ako kinikibo o nililingon. Ano kayang nasa isip niya ngayon? At ano kaya ang sasabihin niya sa akin at kailangan pa na kami lang ang magkakausap? 

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong umilaw. Hindi ko alam pero pag-unlock ko ay nasa Contact na ako ni Dad. Bakit kaya? Bakit parang iba ang kutob ko sa sasabihin ni Tito Satoshi? May nangyari bang hindi maganda? May kinalaman ba 'yon sa Dad ko?

"Don't space out." saad niya at binuksan ang pinto ng Dean's Office, ni hindi niya manlang ako tinapunan ng lingon. Huh? Ang alam ko mabuti ang relasyon namin ng tatay ni Ai-kun. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko. Hindi kaya ipaglalayo niya na kami ni Ai-kun dahil hindi pa sapat ang pinakita kong suporta sa pamilya nila? O kaya dahil hindi ako ganon kataas sa Academics? Sana kung anumang sasabihin niya, sana naman hindi kami ipaghihiwalay ni Ai-kun.

"Sit down." utos niya kaya umupo agad ako sa upuan na nasa tapat ng Table niya. Pinagmasdan ko lang siyang huminga nang malalim at tumingin sa akin.

"Your father, Uchiyama Edogawa--"

"Na-contact niyo po ba siya? Hindi na po kasi niya ako tinatawagan o mine-message manlang." singit ko. Umiling naman siya sa reaksyon ko. Huh?

"He's dead." saad niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"A-ano po? Parang namali po ata ako ng dinig. Nabingi po ata ako." saad ko habang nakatulala. Hindi maganda ang pagsasama namin ni Dad pero...pero tatay ko parin siya. Paano na ako ngayon? 

"I killed him." mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sunod niyang sinabi. P-paano? Naiyukom ko ang mga kamao ko. Bakit? Bakit nila pinatay ang tatay ko? Pamilya ba talaga sila ng mga mamatay tao? Bakit ganito? 

"B-bakit niyo po nagawa iyon, Tito Satoshi?" tanong ko at binigyang diin ang Tito. I considered him as a family. Halos tatay narin ang turing ko kay Tito Satoshi kaya anong ibigsabihin nitong mga naririnig ko ngayon? Bakit niya nagawang patayin ang tatay ko ngayong wala naman itong ginagawa sa kaniya?! Nag-iisa ko nalang siyang pamilya tapos nawala pala. Saan na ako pupulutin ngayon?

"Magalit ka sa aking kung gusto mo pero pinangangalagaan ko lang ang pamilya ko." saad niya at parang wala lang sa kaniya ang ginawa niyang pagpatay sa tatay ko. Hindi ko mapigilang mangalaiti.  Anong pinagsasabi niya? Pinangangalagaan ang pamilya niya? That's bullshit! 

"Ano pong ibigsabihin niyo, Tito Satoshi? Walang ginawa sayo si Dad para patayin niyo siya. Napatawad ko na po ang anak niyo at tinanggap siya nang buong-buo kaya bakit kailangan niyo pa 'tong gawin?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas na ang table niya. Subalit, sa kabila ng ginawa ko ay hindi manlang siya natinag.

"Answer me, Tito!" bulyaw ko sa kaniya. Huminga siya nang malalim at tinitigan ako mata sa mata.

"You don't know anything, do you?" pang-aasar niya. Umupo ulit ako sa upuan at tinitigan siya nang matalim. Hindi ba niya kayang makiramdam ng sitwasyon? Bakit parang ibang Tito Satoshi itong kaharap ko?

"Can you just tell me the truth? Bakit niyo nagawang patayin ang tatay ko?" usal ko. Umiling-iling siya at ipinagdaop ang mga kamay niya sa mesa. I respect him as my girlfriend's father but this is just too much. He stole my father's life.

"He's not your Dad." saad niya na nagpatigil sa akin.

"W-what?" tanong ko. Niloloko niya lang ako hindi ba? Anong ibig niyang sabihin? Ano 'yon? Pagkatapos ng ilang taong pakikisama ko sa Dad ko ay hindi niya ako anak? Ha?

Napasabunot ako sa buhok ko at napahawak sa tuhod ko. Napatingin ako sa baba at nalunod sa pag-iisip.

"Anong ibig niyong sabihin? Kung hindi siya ang tatay ko....sino?" bulong kong saad. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Si Clyde Villafuerte...siya ang totoo mong Ama."


*******

Ai-chan's note: First of all, thank you sa pagsuporta ng story ko kahit mabagal-bagal ako mag-UD. Pero sana naman maintindihan niyo na hindi lang sa Wattpad umiikot ang buhay ko. Nag-aaral din po ako at may obligasyon sa totoong buhay. Anyways, salamat parin po sa pagbabasa! Sa pag-iintay at pagtiyatiyaga!

PLUG:

https://www.facebook.com/animeaddict04 (Facebook Account)

https://twitter.com/chrstnmrvc (Twitter Account)

NEW STORY: Cloak And Dagger

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon