Chapter 19.3 - Unexpected Visitors

32.6K 629 33
                                    

Ai-chan's NOTE: Dedicated kay Oka-san! ^_^, thanks sa FanArt Oka-san! Ginamit ko pala 'yun sa Trailer XD

Daredevils! Pwede niyo po bang i-rate yung Trailer na ginawa ko? 1-10, Libre lait. Ayaw ko naman po kasing masayang ang effort ko diyan :3

Sorry for the late UD again! Enjoy Reading! ^_^

----------------------------------------------------------------------------

ROBIN'S POV

Sinalo ko si Haibara bago pa siya bumagsak sa sahig. Tss. Eto ba yung tinatawag nilang malakas?

Hindi niya nga ako naiwasan o naramdaman manlang kanina. Luminga ako sa paligid.

Mamaya baka may makakita saamin edi lagot ako kay Ma'am

Binuhat ko siya nang parang bigas sa aking balikat at naglakad padiresto dito sa Alley.

Sa pinakaduluhan ko kasi inilagay ang kotse ko para hindi na ako mag-aatubili pang  dumaan sa mataong lugar o sa pasilyo.

Nang makarating na ako sa pinakadulo ay binuksan o kaagad ang kotse ko at marahang inilapag si Haibara sa backseat.

Sabi kasi ni Ma'am, I should get her unharm. Sinimulan ko nang ipaandar ang kotse ko papalayo.

Nang makarating na ako sa aking destino ay bumaba na kaaagad ako ng kotse.

Andito ako sa isang lumang warehouse na pagdadaungan ng training ni Haibara pero marahil ay inaakala niya na Kidnap ang nangyari sa kaniya,Well,That's much better.

Binuksan ko na nag backseat ng kotse ko at tsaka ko siya binuhat muli ng parang bigas.

Ang gaan ng babaeng 'to,tss. Pumasok na ako sa loob habang buhat parin siya.

Duon ko nakita si Ma'am na may kasamang mga binayang tauhan upang magpanggap

Lumapit ako kay Ma'am at tsaka yumuko. Kinuha niya na si Haibara saakin at tsaka iginapos sa isang upuan.

Ibinaling ko ang ulo ko kay Ma'am at tsaka yumuko. She pats my head then give me the money of my work.

"Thanks for the hard work, Robin-chan" sambit niya saakin kaya't inangat ko ang aking paningin.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kaniya. 

"Aalis na po ako,Ma'am" magalang untag ko sa kaniya at sinimulan na ang paglalakad palayo.

Napangiti ako ng napaka lapad. Sabi ko nga diba? "Pasensya,Trabaho lang"

---------------------------------------------------

HAIBARA'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa tubig na itinapon saakin kaya napilitan aong imulat kaagad ako ang aking mga mata?

Teka, Anong oras na ba? At Nasaan ako? Sinubukan kong igalaw ang paa at kamay ko pero nakagapos ako.

Wala naman akong Blindfold at tsaka harang sa bibig kaya malaya akong makakakita at makakapagsalita.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Hindi lang ako ang naandito. Marami sila.

Hindi kalaunan ay lumabas na ang mga taong 'yon sa dilim upang magpakita saakin.

Sila ay mga lalaki na may mga tattoo sa katawan at may mga hawak na patalim.

Teka, Naalala ko na, Si Robin, yung maid namin ay yung lapastangan na nagdala saakin rito.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now