Chapter 18.3-The Old Haibara.

38.9K 620 36
                                    

HAIBARA'S POV

Nagmamaneho na ako ngayon pauwi sa mansyon namin.

Hindi parin maalis saaking isip ang Initials na E.E.  At ang punyal na ibinigay saakin ni Tita Christa.

Nang makarating na ako sa mansyon ay pinarada ko na kaagad ang aking sasakyan.

Pagkakaba ko ay dala-dala ko ang Vintage na baul.

Pumasok na ako sa masyon at binati na naman ako ng mga Maids and Butlers. 

Nang makarating ako sa Salas ay may nakita akong isang lalaki na nakatalikod sa gawi ko.

Inilapag ko ang aking Vintage na baul sa mesa at lumapit sa naturang lalaki.

Pamilyar siya kaya't niyakap ko siya sa likod.

"Miss me?.............................Ai-kun?" bulong saakin ni Cy-kun.

Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya.

"Hmm-Mmmm" tugon ko rito at ipinikit ang mga mata ko.

Nanatili kami ng ganoong posisyon hanggang iharap niya na ako.

He cupped my face with his two hands.

"I love you,Ai-kun" malambing niyang saad.

Nagtitigan kami sa isa't isang mata hanggang palapit na nang palapit ang aming mga mukha. 

"Oh! Andito ka na---Ay! Nakakaistorbo ata ako!" tili ni Tita Christa kaya napaiwas kami ng tingin sa isa't isa. Tss, Istorbo naman oh!

Kumaripas ng takbo si Tita Christa pagkatapos. Sinira niya yung mood! Ang Romantic na kaya!

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Cy-kun ang baba ko at marahang iniharap sa kaniya.

"Ngayon, pwede na nating ituloy ang naudlot kanina" nakangiting saad niya.

Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.

Katulad nung nauna ay inilapit na naman ang mga mukha sa isa't isa hanggang..............

............

............

...........

.................

Naglapat ang aming mga labi.

I wrapped my arms around his nape and he wrapped his arms on my waist.

Lumipas ang ilang minuto at kumalas na kami sa halik ngunit ganoon parin ang pwesto namin.

Ngumiti kami sa isa't isa at nagyakapan.

"Hindi parin kayo tapos?!" sigaw na naman ni Tita Christa kaya napabitaw kami sa isa't isa. Ayan na naman, inistorbo niya na naman kami. pero Okay lang dahil may itatanong ako sa kaniya.

"Cy-kun, sandali lang ha" bulong ko kay Cy-kun at pumunta kay Tita Christa.

Kinuha ko ang Vintage na baul sa mesa. Iniharap ko 'to sa kaniya.

"Oh! Nagtagumpay ka pala! As expected" nakangiti niyang saad at tsaka akmang kukunin ang Vintage na baul na nasa kamay ko ngunit inilayo ko 'to sa kaniya kaya kumunot ang noo niya ng bahagya.

"Bakit may punyal sa loob nito at may initials na E.E?" seryoso kong tanong sa kaniya. Nawala ang mga ngiti niyang pang-inosente at napalitan ng ngiting pawang nang-aasar.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon