4th Duty

7.3K 141 3
                                    

Ilang araw na pabalik balik si Steffi sa OPD. Kahit na pang hapon ang pasok niya, maaga pa rin siya pumapasok. Umaasa na makikita niya si Doc Robi sa ospital.

Isang beses na AM ang pasok niya ni Steffi, naabutan niya si Doc Robi sa OPD. Wala pa masyadong tao noon, tatawagin niya sana pero napansin niyang naka headphones to.

Ng mga sumunod na araw pabalik balik naman siya sa tindahan malapit sa OPD. Para may dahilan siya para makadaan ng OPD. Natatanaw niya si Doc Robi sa malayo, masaya na siya ng ganoon lang.

"Wala na akong peraaaaaa!!!" Reklamo ni Steffi kay Kit at Siv.

"Bakit? Anong araw pa lang ha." Sabi ni Siv.

"Eh kasi bili ako ng bili eh." Paliwanag ni Steffi.

"Sinong may kasalanan?" Pagsusungit ni Kit.

"Ehhh! Para to sa pag-ibig!!" Sabi ni Steffi, natawa naman si Siv at Kit. Simula noon nagbaon na lang si Steffi.

Bandang hapon, pinag-break ni Nurse Rina si Steffi sa pagrarounds. 4:30 na ng tignan ni Steffi yung oras.

Sinubukan niyang bumaba at dumaan sa OPD one last time bago ito magsara. Ng dumaan siya wala na masyadong tao.

Naglakad siya paikot, sinilip niya sa mga room kung saan makikita si Doc Robi. Nawalan na siya ng pag-asa.

Similip siya sa isang room. Nagulat siya ng biglang bumukas yung pinto.

Mas nagulat siya nang si Doc Robi ang humarap sa kanya.

"H..Hi po... Doc." Utal na bati ni Steffi.

Tumingin si Doc Robi sa paligid.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Doc Robi kay Steffi.

"Uhh... Kasi ano po..." Hindi makaisip si Steffi ng magandang dahilan.

"Wala nang pasyente, hindi ba dapat nasa taas ka?" Sita ni Doc Robi sa kanya.

"Uhm, pinagbreak po muna ako ni Nurse Rina." Paliwanag niya.

"Ah..okay." Sabi ni Doc Robi at nagsimula nang maglakad palayo.

Ang suplado nga niya ang tanging nasa isip ni Steffi nang makita niya ng maglakad palayo si Doc Robi. Pero hindi sapat na dahilan yun para mag give up siya!

"Doc!" Tawag niya 5 meters away. Tumigil at lumingon naman si Doc Robi sa kanya.

"Mahilig kayo sa dessert?" Tanong ni Steffi.

"Okay lang." Sagot ni Doc Robi. Tumakbo naman palapit si Steffi kay Doc Robi nang may malaking ngiti.

"Babalik ako dito, Doc! Dadalhin ko yung brownies na ginawa ko." Masayang sabi ni Steffi.

Bago pa makasagot si Doc Robi nakalayo na si Steffi para umakyat sa 3rd floor.

Hindi alam ni Steffi kung paano siya nakaakyat ng ganoon kabilis, pero nagawa niya. Agad agad din siyang bumalik sa OPD pero pagbalik niya nakasara na yung pasukan.

Wala siyang magawa. Pero hindi siya pwedeng umalis na lang kasi sinabi niya na babalik siya.

"Ma'am, yung harap lang po yung naka-lock. Yung sa likod po bukas." Sabi ng janitor kay Steffi nang makita siyang nakatulala sa may entrance.

"Thank you, Kuya!" Sabi ni Steffi at nagmadaling tumakbo.

Nagmadali naman siyang pumunta sa likuran para doon dumaan. Pagpasok niya sa loob wala na talagang tao.

Siya lang ang laman ng lobby.

Nasilip ni Doc Robi si Steffi sa lobby mula sa loob ng room kung saan nandoon ang mga tinuturuan niya na med clerks.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now