9th Duty

6.4K 127 3
                                    

"Kanina pa po ako nandito. Wala pa din po si Doc Robi." Kausap ni Steffi si Nurse Gina sa phone dahil sila ang may contact kay Robi.

"Hintay ka lang diyan, baka na-traffic lang." Sabi ni Nurse Gina.l

Naghintay na lang si Steffi habang sumisilip sa may veranda. Iisa lang naman ang mall na malapit sa ospital at doon sila magkikita ni Robi.

"Uggghh! Kapag lampas 5 na uuwi na talaga ako." Sabi ni Steffi, kanina pa kasi siya naghihintay.

"Nurse Gina, wala talaga! Malapit na mag 5:30, baka hindi na ako sisiputin nun." Nag-aalalang sabi ni Steffi.

"Tingin ka lang sa paligid mo, baka nandyan na yun." Sabi ni Nurse Gina.

"Wala talaga—"

.
.
.

Natulala naman si Steffi ng makita niya si Robi na naglalakad papalapit sa kanya. Napansin din niya na may hawak siyang flowers.

"Sabi ko naman sayo darating yan eh. Have fun Steffi!" Sabi ni Nurse Gina at binaba na ang phone.

Ngayon lang din niya nakita si Robi na hindi suot ang white coat niya. Nakakapanibago para kay Steffi.

"Sorry natraffic lang ako, kanina ka pa dito?" Bati ni Robi kay Steffi ng makalapit siya.

"Akala ko hindi ka na darating!" Balik ni Steffi.

"Pwede bang hindi." Mahinang sagot ni Robi.

Nacurious naman si Robi ng may kinuha si Steffi sa bag niya.

"Ano yan??" Naguguluhang tanong ni Robi sa inaayos ni Steffi.

"Camera." Sagot niya habang inaayos niya yung GoPro niya.

"Hindi ba adventure cam yan? Bakit ayan gagamitin mo?" Tanong ni Robi ng makita niyang sinuot ni Steffi yung headband kung saan nakakabit yung GoPro.

"Kasi you're my adventure." Nakangiting sabi ni Steffi.

"Tsss...nakakatawa ka tignan. You look crazy." Iwas na tingin ni Robi kay Steffi.

"Crazy for you. *wink wink*" Pang-aasar ni Steffi kay Robi habang kumikindat.

"Baliw!" Iwas ni Robi at inabot kay Steffi yung flowers na dala niya.

Hindi makatingin si Robi, hindi naman niya alam bakit siya nahihiya kay Steffi.

Naglakad naman silang magkasabay ni Steffi, pero may distansya sa isa't isa.

Madaming tao sa mall dahil nga din sa Valentine's. Naglakad-lakad muna sila. Suot-suot pa din ni Steffi yung camera sa ulo niya.

"Bakit ba nasa ulo mo yan?" Tanong ni Robi.

"Para kapag pinanood ko to, parang ka-date ulit kita." Sagot ni Steffi.

"Bakit? Hindi na ba to mauulit?" Bulong ni Robi.

"Ha? Sorry doc, di ko narinig sinabi niyo." Nagtatakang tanong ni Steffi.

"Wala. Sabi ko mukha kang ewan sa itchura mo." Palusot niya.

"Ha?! Talaga?! Ilang oras ko pa namang pinagpilian kung anong dress ang isusuot ko!" Disappointed na sabi ni Steffi.

"H..hindi...you look really good." Sabi ni Robi at napakamot ng ulo.

Napatingin naman sa kanya si Steffi na para bang di makapaniwala sa sinabi ni Robi.

"Talaga??" Sabi ni Steffi ng may malaking ngiti sa mukha.

"Tara na, mag-dinner na lang tayo." Sabi ni Robi at naglakad na, sumunod naman si Steffi sa kanya.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now