25th Duty

4.9K 100 2
                                    

Naabutan ni Steffi na nagkukumpulan ang mga nurse sa Nurse's station ng surgery ward.

"Totoo ba yan?!" Rinig niyang sabi ni Nurse Yumi.

"Oo nga! Sabi nung cleaner men kanina. Ang putla nga niya eh." Sagot ni Nurse Carol.

"Ano po ang totoo??" Pagtataka ni Steffi ng makalapit siya sa mga nurse na nag-uusap usap.

"Nakakita daw kasi ng multo yung cleaner men kagabi! Una narinig daw niya na umiiyak sa hallway, tapos hinanap niya tapos nakakita siya ng babaeng nakaputi!" Sabi ni Nurse Thea.

"Baka naman pasyente po yun." Sabi ni Nate.

"Color blue ang patient's gown natin eh. Sabi niya mahaba daw ang buhok na nakaputi at nakakatakot daw talaga ang itchura." Dagdag pa ni Nurse Carol.

"Hala nakakatakot naman mag-isa sa gabi. Night duty pa naman kami ni Steffi ngayon." Sabi ni Nurse Thea.

"Hay nako, tigilan niyo nga yan. Nagtatakutan lang kayo eh. Pauso lang yan para wag pakalat-kalat mga tao dito." Sabi ni Nurse Rina.

.
.
.
.
.

Naglalakad si Steffi sa hallway pabalik sa Nurse's Station. Night duty siya ngayon, kaya wala na masyadong tao sa paligid.

Mag-isa lang siyang nag-rounds ngayon dahil si Nurse Thea ang naiwan sa station.

Nagha-hum siya habang naglalakad.

Natigilan siya ng biglang may marinig siyang umiiyak. Lumingon siya sa paligid pero wala namang tao.

Pinakinggan niya mabuti. Narinig niya banda sa bandang Fire Exit.

Ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Pero nilakasan niya ang loob niya at tinignan kung saan at sino ang umiiyak.

Lumalakas ang iyak habang dahan-dahan siyang papalapit sa pintuan ng fire exit.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan...

Natagpuan niya ang isang babae na nakaputing uniform. Nakatakip ang mahabang buhok nito sa mukha.

Sa babae nga nanggagaling ang pag-iyak.

Ang lakas pa din ng tibok ng puso ni Steffi, pero lakas loob niyang kinausap ang babae.

"Miss...okay ka lang??" Tanong ni Steffi na may nananginginig na boses.

Tumigil sa pag-iyak ang babae at dahan-dahan na iniangat ang ulo para harapin si Steffi.

Feeling ni Steffi ay sasabog ang puso niya sa kaba habang palingon sa kanya ang babae....

"Steffi??"

.
.
.

"Chienna! Ikaw pala yan!" Sabi ni Steffi at nakahinga ng maluwag.

"Bakit parang nakakita ka naman ng multo diyan." Sabi ni Chienna sa kanya habang nagpupunas ng luha.

"Ah..eh..kasi nakarinig ako ng umiiyak. Akala ko totoo yung sinasabi nilang multo dito.

"Rinig ba yung iyak ko hanggang labas?" Tanong ni Chienna kay Steffi habang humihikbi.

"Medyo..." Sagot ni Steffi.

"Sorry. Akala ko kasi walang tao na dumadaan dito." Sabi ni Chienna.

Umupo naman si Steffi sa tabi ni Chienna.

"Uh..bakit ka pala nandito? Yung mga kaibigan mo nasa baba ha." Tanong ni Steffi.

"Hindi ko sila kaibigan." Sagot ni Chienna.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now