41st Duty

4.8K 90 5
                                    

"Bye!" Paalam ni Steffi sa mga kasama niyang nurses. Kakatapos lang nang duty niya at pauwi na siya.

"Kevin!" Sita niya kay Kevin ng kinuha ni Kevin yung bonnet niya.

"What? I just want to try it on!" Sabi ni Kevin.

Kasabay ni Steffi si Kevin umuwi since pareho sila ng daan pauwi. Isa si Kevin sa fellow nurses ni Steffi, magkasing-age lang sila ni Steffi at isang full-blooded American.

"Luluwag yan eh!" Pigil ni Steffi.

"What? I don't understand you." Mapang-asar na sabi ni Kevin.

Nag-aagawan sila sa kalsada, pero hirap na hirap makipag-agawan si Steffi dahil matangkad si Kevin.

"Kevin! Stop it!" Hila niya.

"Oh! I'm sorry!" Sabi ni Kevin ng may mabangga siya.

Natigilan naman si Steffi pagkalingon niya.

"Steffi..."

"Robi..." Di makapaniwalang sabi ni Steffi.

Pinagmasdan niya mabuti si Robi, na parang hindi taon ang lumipas. Ganun pa din ang itchura niya, si Robi pa din na nakilala niya, si Robi kung kanino siya na-in love.

"So you know each other?" Tanong ni Kevin.

"H-hi..." Nauutal na sabi ni Steffi.

"Hi. Nice seeing you here." Sabi ni Robi.

"Ah...what are you doing here in New York? Are you on vacation?" Tanong ni Steffi habang malakas ang tibok ng puso.

"I was sent here for a medical convention." Sagot ni Robi.

"Ah..ganun ba...ah! This is Kevin. Kevin, this is Robi...my..."

"Robi! I got us pretzels!" Sabi ng babaeng lumapit kay Robi. "Oh! You got friends."

"This is Steffi." Pakilala ni Robi sa kasama niyang babae.

"Oh my gosh! This is Steffi?! Ang daming kwento ni Robi about you!" Sabi nung babae.

"Talaga? Wow..." Sabi ni Steffi.

"By the way, I'm Apple. I'm Robi's girlfriend." Pakilala niya at nag-abot ng kamay para makipag shake hands.

Para bang sinaksak ang puso ni Steffi ng napakadaming kutsilyo sa narinig niya.

"Apple—" Pigil ni Robi.

"Robi, I saw a bag earlier. Samahan mo ako!" Aya ng babae kay Robi.

"We have to go, I'm sorry." Paalam ni Robi at naglakad palayo.

Pinagmasdan lang ni Steffi si Robi hanggang sa makalayo ito, ng hindi na niya kaya ang sakit na makita si Robi ay lumingon na ito palayo.

Napalingon naman si Robi kay Steffi hanggang sa makalayo ito.

"Bakit mo naman sinabi yun?" Tanong ni Robi kay Apple.

"Yung ano?" Tanong ni Apple habang busy sa pagkain ng pretzels.

"Na girlfriend kita."

"Eh kuya naman! Kasama ni Steffi yung boyfriend niya doon tapos ikaw lang mag-isa? Nakakaawa ka kaya doon kanina!" Paliwanag ni Apple.

"Hindi naman niya ata boyfriend yun." Depensa ni Robi.

"Kahit na! Baka isipin niya eh hindi ka pa nakakamove on sa kanya eh. Mabuti na lang to the rescue ang baby sister mo!" Sabi ni Apple habang nagpapacute kay Robi.

"Hindi ka pa siguro talaga nakakamove on sa kanya noh." Pahabol ni Apple.

"Ewan ko sayo." Sabi ni Robi at ginulo ang buhok ni Apple.

.
.
.
.
.

"Nabuhay siya..." Sabi ni Steffi out of nowhere.

Nagkatinginan naman si Andrei at Farrah, kahit si Thomas napatingin kay Steffi.

"Sino? Sinong nabuhay?" Curious na tanong ni Andrei.

"Binanggit mo kasi siya Ate Farrah! Nabuhay tuloy siya!!" Sabi ni Steffi habang ginugulo ang buhok at binagsak ang ulo sa lamesa.

"Sino???" Nagtatakang tanong ni Farrah.

"Si Robi...nakasalubong ko sa street kanina." Sagot ni Steffi habang nakayuko pa din sa lamesa.

"Talaga?? Nandito siya?" Gulat na tanong ni Farrah.

"Oo, may medical convention daw sila dito...pero may kasama siya.."

"Steffi naman! Buoin mo kasi yung kwento mo! Kita mong nabibitin kami dito ni Farrah!" Frustrated na sabi ni Andrei.

"May girlfriend na siya." Nakasimangot na sabi ni Steffi.

"Imposible naman yun! Isang taon pa lang ang nakalipas, hindi ka naman siguro ganun kadaling makakalimutan ni Robi." Depensa ni Andrei.

Napatingin naman si Steffi at Farrah kay Andrei na parang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Ikaw kuya one year lang din naman ang lumipas bago ka main-love kay Ate Farrah eh." Sabi ni Steffi.

"Hon, iba ka naman kasi. Bakit ko pa patatagalin kung tayo lang din naman ang magkakatuluyan. Diba." Suyo naman ni Andrei kay Farrah.

"Dada.." Napalingon naman silang lahat kay Thomas.

"Oh my gosh! Nagsalita na ang baby Tommy ko!" Tuwang-tuwang sabi ni Farrah.

"Yes, Tommy! Daddy!" Sabi ni Andrei habang buhat si Thomas.

"Dada.." Ulit ni Thomas.

Pinagmasdan naman ni Steffi si Andrei at Farrah na tuwang-tuwa kay Thomas at hindi mapigilang hindi matuwa.

"I can't believe na daddy ka na talaga, kuya." Sabi ni Steffi kay Andrei

*
*
*
*
*

Nagtaka naman si Steffi bakit ang daming tao sa lobby ng ospital pagpasok niya.

"Hey, what's happening?" Tanong ni Steffi kay Kevin ng makasalubong niya.

"I heard there's a doctor's seminar today." Sagot ni Kevin.

Nagsimula naman magtrabaho si Steffi at hindi na pinansin ang mga tao.

Kakatapos lang mag-rounds ni Steffi kaya nag-inat muna siya. Natigilan naman siya paglingon niya.

Si Robi na naka-suit. Looking smart.

"Oh..dito ka pala nagtatrabaho." Sabi ni Robi.

"Ah...Oo." Nauutal na sagot ni Steffi.

"Steffi, tara lunch na tayo—" Natigilan si Farrah ng makita na may kausap si Steffi.

"Ate Farrah, si Robi. Robi, si Ate Farrah, wife ni Kuya Andrei." Pakilala ni Steffi sa kanilang dalawa.

"It's nice to meet you." Sabi ni Robi at nakipag-shake hands.

"Likewise." Sabi ni Farrah pagkaabot ng kamay ni Robi.

"Farrah, tara na—" Natigilan naman si Karen.

"Sige, kami na lang muna ni Karen magla-lunch." Paalam ni Farrah at hinila si Karen palayo.

"Teka! Farrah! Sino yun?!" Bulong ni Karen habang sumusulyap pa kay Robi.

"Tumigil ka nga! Tara na!" Saway ni Farrah.

Naiwan naman si Steffi at Robi sa hallway.

"So...lunch?" Aya ni Robi kay Steffi.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon