20th Duty

4.8K 99 0
                                    

Ngayon sila haharap sa complainant. Lahat ng kaibigan ni Robi na surgeon ay nasa conference room.

Dumating na si Dr. Kim kasama ang complainant, ang nanay ng bata na hinandle ni Robi at ang abogado nito.

"Everyone, this is Mrs. Gecos. She's the mother of Henry Gecos, who sadly passed away last month due to the accident." Pakilala ni Dr. Kim.

"You mean who died due to the malpractice and negligence of the physician who's handling him." Sabi ni Mrs. Gecos.

"Mrs. Gecos, wag naman po sana tayo magpadalos-dalos ng judgement." Sabat ni Albert.

"Sino ka naman? Are you the one who handled my child?" Pagsusungit niya kay Albert.

"No, I'm the one who treated your child. I'm Dr. Robi Quio." Sagot ni Robi.

"So, may lakas ka pa pala ng loob na tawagin ang sarili mo na doktor after what you did to my son." Sabi ni Mrs. Gecos.

"Mrs. Gecos, let's all calm down for a moment." Pigil ni Dr. Kim.

Sumunod naman si Mrs. Gecos at umupo na silang lahat. Ramdam na may tensyon sa conference room.

"Mr. Gecos will not be here with us since he's still recovering from the injuries he acquired from the accident." Sabi ni Dr. Kim.

"Mrs. Gecos, it's been a month since the accident. Sa tagal na yun bakit ngayon niyo lang naisipan na bumalik dito at mag-reklamo?" Tanong ni Josh.

"Mrs. Gecos was in her grieving period for the past month, ang asawa niya ay kasama din sa mga naaksidente. Tulad ng sabi ni Dr. Kim, nagrerecover pa ito." Sagot ni Atty. Renan, abogado ni Mrs. Gecos.

"Ano po ba ang gusto niyong I discuss?" Tanong ni Dr. Kim.

"I want to sue Dr. Quio sa ginawa niya sa anak ko. He isn't fit to be a doctor after what he did to my son." Galit na sabi ni Mrs. Gecos.

"Will all due respect, ma'am. Dr. Quio did what needs to be done that time. He did everything just to save your son." Depensa ni Laica.

"Nasaan ang anak ko? Nandito ba siya? Nabuhay ba ang anak ko?" Patuloy ni Mrs. Gecos.

"We will have an investigation about this, Mrs. Gecos." Pigil ni Dr. Kim.

"You should, Dr. Kim. We will be back next week for the preliminarily investigation." Sabi ni Atty. Renan at umalis na sila ni Mrs. Gecos.

"You're all dismissed." Sabi ni Dr. Kim sa mga doktor.

Tumayo naman sila at lumabas na.

"Robi, stay." Sabi ni Dr. Kim.

Naiwan naman si Robi kay Dr. Kim.

"They better not find anything bad against you. Alam ko you did your best to save that child. Let's just hope for the best." Sabi ni Dr. Kim.

"Thank you, Sir." Sabi ni Robi.

.
.
.

Matapos ang meeting pumunta si Robi sa rooftop ng ospital.

"Doc Robi! Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Steffi ng makita si Robi.

"Sorry, kakagaling lang namin sa meeting." Paliwanag ni Robi.

"Ah, ganun ba. Nakasalubong ko kasi si Dr. Albert kanina, sabi niya baka kausap mo pa si Dr. Kim. Eh pumunta naman ako sa conference room, pero wala ka naman doon. Kaya naisip ko baka nandito ka." Sabi ni Steffi.

"Pinagod mo pa sarili mo." Sabi ni Robi.

"Okay lang, pagdating sayo hindi ako napapagod." Masayang sabi ni Steffi.

Ngumiti naman si Robi sa sinabi ni Steffi.

"Napansin ko lang, parang mga wala kayo sa sarili. Sila Dr. Albert, Dr. Josh kahit si Dra. Laica, lalo na ikaw." Sabi ni Steffi habang nakadantay sila sa railings.

"Ah, busy lang. Madami kasing pasyente." Palusot ni Robi.

"Doc Robi, kapag napapagod ka pwede mo ko puntahan. Aalagaan kita." Sabi ni Steffi.

"Kasi nurse ka?" Sabi ni Robi.

"Isa na yun, tsaka syempre alam ko kung gaano ka kasipag. Ayaw ko din naman na masyado kang napapagod." Sabi ni Steffi.

Nagulat naman si Robi ng bigla siyang yakapin ni Steffi.

"Kung pagod ka, sa akin ka magpahinga. Kung malungkot ka, ako magpapasaya sayo. Kung may problema ka, tutulungan kita sagutin kung ano man yan. Lagi mo tatandaan na maaasahan mo ako." Sabi ni Steffi habang nakayakap kay Robi.

"Thank you, Steffi." Sabi ni Robi.

*
*
*
*
*

Makalipas ang isang linggo, haharap ulit si Robi kay Mrs. Gecos.

"Besides the trauma, nagkaroon ng madaming puncture wounds ang patient. Unstable ang patient nang dalhin siya ng mga paramedics sa emergency room." Sabi ni Dr. Kim.

"Dr. Quio, can you tell what happened next." Sabi ni Atty. Renan.

"Madaming sharpnels ang nakatusok sa patient, I tried to take it one by one. Natanggal ko ang ilang pieces, pero napansin ko na may nakatusok sa kanyang malaking metal and it hit a major artery." Paliwanag ni Robi.

"Did you take it out?" Tanong ni Atty. Renan.

"If I wouldn't take it out, the patient would be still in pain and will be in high risk for infection." Patuloy ni Robi.

"I asked if you took it out." Ulit ni Atty. Renan.

"Yes. I took it out." Sagot ni Robi.

"Since it hit a major artery and with that it means na kapag tinanggal mo ang metal ay magko-cause ito ng excessive bleeding. Isn't that right?" Linaw ni Atty. Renan.

"Yes. I know that, sir." Sagot ni Robi.

"And in that case when you do that kind of procedure kailangan ng special care and attention ang patient." Patuloy ni Atty. Renan.

"All patients are treated with special care and attention." Sagot ni Robi.

"And that kind of procedure should be done in a sterile area. Isn't that right?" Tanong ni Atty. Renan.

"Yes."

"So why did you performed the procedure inside the ER and not in the operating room, Dr. Quio?" Dagdag ni Atty. Renan.

"There's no available operating room that time. Since madaming naaksidente, occupied lahat ng OR." Sagot ni Robi.

"Wala bang tumutol sa ginawa mo that time? Lahat ba sila sumang-ayon sa desisyon mo?" Tanong ni Atty. Renan.

"No. Pinigilan ako ng dalawang nurse bago ko pa gawin ang procedure." Sagot ni Robi.

"Pagkatapos nila tumutol sa desisyon mo, anong ginawa ng dalawang nurse? Tinulungan ka pa din ba nila?" Dagdag ni Atty. Renan.

"Pinapunta ko ang isang nurse sa ibang doktor na may kailangan pa ng tulong." Sagot ni Robi.

"Ilan ba ang nurse na katulong mo?"

"Dalawa." Sagot ni Robi.

"Yung isa ba ang tumulong sayo?" Tanong ni Atty. Renan.

"Hindi, inutusan ko siya na asikasuhin ang mga bagong dating na pasyente." Sagot ni Robi.

"So walang naiwan sayo? Wala kang katulong sa pag gamot ng patient?" Sabi ni Atty. Renan.

"Merong naiwan sa akin." Sagot ni Robi.

"Ang sabi mo dalawang nurse lang ang tumutulong sayo, pinaalis mo sila pareho. Sino ang naiwan sayo?" Pagtataka ni Atty. Renan.

"Nurse intern. Nurse intern ang naiwan sa akin." Sagot ni Robi.

*************************************
Author's note

Hey guys!! How's the story???

If you have any comments and questions I'll be happy to hear from you.

Mwa mwa.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now