17th Duty

5.2K 120 3
                                    

Hinila ni Robi si Steffi pabalik sa baba, papunta sa ward. Hindi naman siya nakaimik kay Robi dahil gulat pa din siya sa ginawa ni Robi.

"Steffi! Kanina ka pa namin hinahanap! Bigla ka na lang daw nawala kanina, inikot na ni Nate yung buong ospital!" Sabi ni Nurse Rina ng makita si Steffi.

"Ah..sorry po..nagpahangin lang po ako." Sagot ni Steffi.

"Nurse Rina, ipapaalam ko lang si Steffi. Nabigla kasi siya sa mga nangyare kanina sa ER, kaya siguro mas mabuti na umuwi na muna siya para makapagpalit ng damit at makapagpahinga." Paalam ni Robi kay Nurse Rina.

"Sige doc. Kaya nga hinahanap namin siya para ihahatid na sana siya ni Nate pauwi. Since ikaw na ang nandito, ikaw na ang bahala kay Steffi." Sagot ni Nurse Rina.

"Steffi! Nandito ka na pala! Tara, ihahatid na kita pauwi." Aya sa kanya ni Nate ng makabalik sa ward.

"Okay na, Nate. Si Doc Robi na ang maghahatid kay Steffi." Sabi ni Nurse Rina kay Nate.

Napatingin lang si Nate kay Robi.

"Steffi, magpahinga ka muna ha." Sabi ni Nurse Rina kay Steffi. Tumango naman si Steffi.

Dumiretso sila papunta sa parking lot. Simula ng makaalis sila sa ospital hanggang sa byahe ay walang nag-uusap sa kaninang dalawa.

Tahimik sa loob ng kotse.

Si Steffi nakatingin lang sa labas ng bintana, iniiwasan niya lumingon sa direksyon ni Robi.

Si Robi naman nakatigin sa kalsada, naghahanap ng mga salita na pwede niyang sabihin kay Steffi.

Parehong malakas ang tibok ng puso.

Hanggang sa abutan sila ng red traffic light.

Nilingon ni Robi si Steffi, hinintay na tumingin si Steffi. Kahit gaano ka gusto ni Steffi na kausapin si Robi tungkol sa nangyare kanina, hindi niya alam paano sisimulan.

Nag-signal na ang green light.

Lumiko si Robi sa kanan.

"Doc, mali po tayo ng dadaanan. Sa kaliwa po yung way papunta sa amin." Sabi ni Steffi ng mapansin niyang lumiko si Robi sa making direksyon.

"Tama yung daan natin." Sagot naman ni Robi.

Nagtaka naman si Steffi dahil hindi na siya pamilyar sa lugar na dinadaanan nila.

Hanggang sa pumasok si Robi sa isang building at nagpark matapos makaakyat ng ilang floors.

Pinatay na ni Robi ang kotse at bumaba na.

"Doc Robi! Nasaan tayo? Kelan pa kami nagkabahay dito?" Tanong ni Steffi.

Hindi naman sumagot si Robi at naglakad papunta sa elevator. Sumunod naman si Steffi dahil hindi din naman niya alam kung saan pupunta, hindi nga niya alam saan yung lugar.

Hanggang sa elevator at tahimik silang dalawa.

Nang makarating sila sa 32nd floor naglakad sila papunta sa isang unit at binuksan ni Robi.

Pumasok na si Robi, pero si Steffi naiwan sa may bandang pintuan. Hindi alam kung papasok ba siya o hindi.

"Are you gonna stand there all day?" Tanong ni Robi sa kanya.

Agad namang pumasok si Steffi ng maramdaman niya ang suplado attitude ni Robi.

Yung ugali ni Robi noong una silang nagkakilala.

Pumasok si Robi ng kwarto, nakatayo lang si Steffi sa may tabi ng sofa.

Narinig niyang binuksan ni Robi yung pintuan ng kwarto at bigla na lang humagis sa mukha niya yung shirt ni Robi.

"Magbihis ka muna." Utos ni Robi sa kanya at sinenyas na sa loob ng kwarto magbihis si Steffi.

"Kanino naman kayang damit to?" Tanong ni Steffi sa sarili habang tinitignan yung hinagis sa kanya ni Robi.

Nanlaki ang mata niya ng may marealize siya. Binuksan niya ang pinto at hinagis pabalik kay Robi yung damit.

"What?!" Gulat na sabi ni Robi ng tumama sa mukha niya yung damit.

"Baka sa babae mo to! Magalit pa siya sa akin kapag sinuot ko!" Sabi ni Steffi kay Robi.

"It's my sister's, okay?! Kung ayaw mo eh di sige, mag-uniform ka na lang." Sagot ni Robi.

Hinablot naman ni Steffi yung damit kay Robi at bumalik sa loob.

Saktong-sakto lang yung damit sa kanya. Nag compliment naman yung white dress sa kutis at kulay ni Steffi.

Pag labas niya ng kwarto naabutan niya si Robi sa may counter na naglalaptop.

"Uhm..nasaan po tayo?" Tanong ni Steffi.

"In my condo." Sagot ni Robi ng hindi tumitingin kay Steffi.

Tumingin-tingin si Steffi sa paligid. Inusisa ang mga gamit ni Robi. Si Robi naman napapatingin kay Steffi.

Pagkatapos libutin ni Steffi yung condo umupo siya sa katapat na upuan ni Robi.

Hindi pa din siya tinitignan ni Robi.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?!" Tanong ni Steffi.

Hindi pa rin umimik si Robi.

"Kung di mo lang din naman ako papansinin eh bakit mo pa ako dinala dito? Uuwi na lang ako." Sabi ni Steffi at umakmang tumayo.

Narinig niyang sinara ni Robi yung laptop.

"About what I said earlier...totoo lahat yun." Sabi ni Robi.

Natahimik naman si Steffi.

"Simula ng sinabi ko sayo yun wala na akong narinig sayo, simula ospital hanggang makarating tayo dito you didn't ask about it. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sayo, I don't know what to say." Sabi ni Robi.

"Doc Robi..."

"Hindi naman kita minamadali na sumagot, hindi naman kita pinipilit na sumagot. Gusto ko lang sabihin sayo, gusto ko malaman mo." Sabi ni Robi.

Lumapit si Steffi kay Robi at niyakap niya ito.

"Akala ko kasi panaginip lang lahat. Akala ko nananaginip lang ako. Simula ng una kitang makita gusto na talaga kita, lalo na nung nakilala pa kita. Ilang buwan lang naman kaya kitang kinulit at nagpapansin sayo noh! Sobra mo akong pinasaya dahil sa sinabi mo! " Sabi ni Steffi.

"Kaya nga kita nagustuhan kasi abnormal ka eh." Sabi ni Robi kay Steffi.

"Alam ko!" Sabi ni Steffi habang nakayakap kay Robi.

"I love you." Sabi ni Robi.

"Pakiulit." Sabi ni Steffi.

"Ewan ko sayo." Nahihiyang sabi ni Robi habang umiiwas ng tingin kay Steffi.

The Doctor is Out!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt