22nd Duty

4.7K 100 4
                                    

Naabutan ni Laica si Robi at Dr. Kim sa conference room pagkagaling niya sa rounds niya.

"Dr. Filomeno, good thing you are here. Please talk some sense to Robi." Sabi ni Dr. Kim.

"Bakit po? What's happening?" Tanong ni Laica.

"I talked to Mrs. Gecos, pinakiusapan ko sila na wag na ituloy ang demanda kay Robi. Sinabi ko sa kanya na I will suspend Robi for 6 months without salary at void ang application niya for senior surgeon this year and after his suspension, the board will evaluate him if he is fit to work again." Sabi ni Dr. Kim

"Ano ang sabi nila?" Tanong ni Laica.

"They still want to talk to the nurse intern who helped Robi. Kasi baka daw may tinatago si Robi since ayaw niya ipakausap si Steffi sa kanila. I'm trying to convince Robi na iharap si Steffi kina Mrs. Gecos pero ayaw niya." Sagot ni Dr. Kim.

Tumingin naman si Laica kay Robi na hindi umiimik.

"Robi, ano ba gusto mong mangyare ha? Sundin mo na kasi yung sinasabi ni Dr. Kim." Pilit ni Laica.

"I will leave you to it. May surgery pa ako." Paalam ni Dr. Kim sa kanilang dalawa.

Nang makalabas si Dr. Kim sinubukan ulit ni Laica kausapin si Robi.

"Robi, bakit ba ayaw mo iharap si Steffi sa kanila? Kung wala namang ginawa si Steffi na mali eh wala namang magiging problema." Pilit ni Laica.

"Laica, hindi mo ba naiintindihan? Kung ako nga na sinubukan ang lahat para iligatas ang anak nila eh sinisisi nila sa pagkamatay nito, hinahanapan nila ako ng pagkakamali, gagawa sila ng paraan para mapunta ang sisi sa akin. Hindi ako papayag na gawin din nila kay Steffi yung ginagawa nila sa akin." Sagot ni Robi.

"Bakit ba hindi mo hayaan si Steffi—" Pagpupumilit ni Laica.

"Bakit ba pinipilit mo iharap si Steffi? Nandoon ka Laica, alam mo kung anong ginawa ni Steffi. Lahat nga ginawa niya nun para tulungan ako." Sagot ni Robi sa gustong sabihin ni Laica.

"Naabutan kita mag-isa Robi, nasaan si Steffi noon? Nasaan yung tulong na sinasabi mo?!" Naiinis na sabi ni Laica.

"Laica, tell me. Bakit ba galit na galit ka kay Steffi ha?" Tanong ni Robi.

"Because I don't know why you protect her so much! You're ready to throw away your career, your life for that girl! A college girl who doesn't even know what your going through right now!" Sagot ni Laica.

"I love Steffi." Sabi ni Robi.

Natahimik si Laica sa sinabi ni Robi.

"That's why I have to protect her." Dagdag ni Robi.

Nag walk out si Laica sa sinabi ni Robi. Naiwan naman si Robi sa loob ng conference room.

Hindi alam ni Laica kung anong mararamdaman niya sa sinabi ni Robi. Pero alam niya kung saan siya dinadala ng mga paa niya.

Natanaw niya si Steffi sa tapat nf Nurse's station.

"Dra. Laica, may problema po ba—" Tanong ni Steffi pagkalapit ni Laica sa kanya, pero hindi na niya natapos yung sasabihin niya.

Sumalubong sa kanya ang sampal ni Laica.

"Steffi!" Alalang sabi nila Nurse Rina, Nurse Thea, Nate, Kit at Siv.

"Dra. Laica..." Natauhang sabi ni Steffi.

"Alam mo ba na handang itapon ni Robi lahat ng pinaghirapan niya para pagtakpan ka?!" Galit na sabi ni Laica kay Steffi.

"Hindi ko po kayo maintindihan.." Naguguluhang sabi ni Steffi.

"Ni hindi mo nga alam kung anong nangyayare kay Robi eh! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya dahil sa kapabayaan at katangahan mo!" Patuloy ni Laica.

"Sobra naman po yan, Dra. Laica!" Depensa ni Nurse Rina.

"Kayo din! Bakit niyo hinayaan na mangealam ang isang nurse intern sa emergency cases?!" Pag-eeskandalo ni Laica.

"Laica! What are you doing?! Tumigil ka nga!" Pigil ni Albert kay Laica.

Pumigilas si Laica sa pagkakahawak ni Albert at tsaka lumakad palayo kina Steffi.

"Steffi! Grabe naman yun si Dra. Laica. Hindi ko akalain na gagawin niya yun!" Sabi ni Nurse Rina.

"Steffi, are you okay??" Tanong ni Albert.

"Doc Albert, alam mo ba yung sinasabi ni Dra. Laica?" Tanong ni Steffi.

"I promised Robi that I wouldn't tell you this. Pero I think it's about time." Sagot ni Albert pagkatapos ay huminga ng malalim.

.
.
.

"Dinemanda si Robi ng magulang ng patient niya. Natatandaan mo yung may malaking aksidente, yung bata na patient?" Sabi ni Albert.

"Oo, natatandaan ko. Ako yung naiwan kay Doc Robi noon." Sagot ni Steffi.

"Sinisisi nila si Robi for malpractice and neglect." Patuloy ni Albert.

"Pero hindi totoo yun! Ginawa ni Doc Robi ang lahat para lang maligtas yung pasyente na yun!" Tutol ni Steffi.

"Oo, yun di naman ang pagkakaalam namin. Pero ayaw tanggapin yung nila Mrs. Gecos hanggat hindi ka daw nakakausap kasi baka daw may tinatago si Robi kaya ayaw ka niya iharap sa kanila." Sabi ni Albert.

"Wala naman siyang dapat itago! Bakit hindi niya sinabi sa akin?!" Pag-aalala ni Steffi.

"Ayaw ka niya madamay sa problema na to. Wala ka naman daw kasalanan kaya ayaw ka na niya mag-alala pa." Sagot ni Albert.

"Doc Albert, kailan ulit sila magkikita?" Tanong ni Steffi.

"Bukas may meeting ulit, bakit?" Sagot ni Albert.

"Sasama ako, haharapin ko na sila." Sabi ni Steffi.

"Pero Steffi—" Pigil ni Albert.

"Kung matatahimik na sila at titigilan na nila si Doc Robi, haharapin ko na sila." Sabi ni Steffi.

*
*
*
*
*

"Dr. Quio, it seems like you are ready to lose your license any day now." Sabi ni Atty. Renan kay Robi.

"We are pleased to have Mr. Gecos here even though he's still in the verge of recovery binigyan niya pa din ng oras ang case na ito." Pakilala ni Dr. Kim kay Mr. Gecos na nasa wheelchair.

"Let's start the meeting." Sabi ni Dr. Kim.

Umupo na silang lahat.

"Today, we'll have another person who will share the point of view Dr. Quio and Dr. Filomeno shared." Sabi ni Dr. Kim.

Nagtaka naman si Robi kung sino yung magsasalita.

"Please, come inside." Sabi ni Dr. Kim.

Hindi makapaniwala si Robi ng makita niya si Steffi na pumasok sa kwarto.

"Steffi Lacson, is the nurse intern Dr. Quio was with on the day of the accident." Sabi ni Dr. Kim.

"Steffi—" Di makapaniwalang sabi ni Robi.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now