33rd Duty

4.3K 81 0
                                    

"Robi, by next month pwede ka na daw bumalik sa ospital, pina lift na ni Dr. Kim yung suspension mo sa board." Sabi ni Albert

"Talaga?! Babalik na si Doc Robi sa ospital?!" Tuwang-tuwa naman si Steffi ng marinig ang balita ni Albert.

"Oo, kapag natapos ni Robi ayusin yung paperwork eh pwede na siya mag resume ng work." Paliwanag ni Albert.

"Sige, aayusin ko na agad. Thank you, Albert." Sabi ni Robi.

"Dadalhin ko na lang sayo bukas yung mga fifill up-an at pipirmahan mong papers." Dagdag ni Albert.

"Next month board exam mo na din, Steffi." Sabi ni Robi.

"Oo nga pala!" Natauhan na sabi ni Steffi.

"Galingan mo, Steffi ha." Sabi ni Albert.

"Oo naman. Ay! Teka, uuwi na muna ako para makapag-aral na ako. Iwanan ko muna kayong dalawa ha." Paalam ni Steffi.

.
.
.
.
.

"Ma! I'm home!" Sabi ni Steffi pagkapasok niya ng bahay.

"Nasa garden ang mama mo." Sabi ni Manang Thelma, kasambahay nila.

"Thank you, manang." Sabi ni Steffi at dumiretso sa garden.

"Hello ma." Bati ni Steffi sa mama niya na nakaharap sa laptop.

"Steffi! Mabuti naman nakauwi ka na. Kausap ko lang ang Kuya Andrei mo." Sabi ng mama ni Steffi at binalik ang atensyon sa laptop. "Andrei, nandito na si Steffi. Diba kanina mo pa siya hinahanap."

Lumapit naman si Steffi sa harap ng laptop para makita at marinig ang kuya niya.

"Hi, kuya." Bati niya.

"Steffi, nag-aaral ka ba mabuti?" Kumusta ni Andrei sa kanya.

"Oo naman, next month exam na eh." Sagot ni Steffi.

"Kaya mag-aral ka mabuti." Sabi ni Andrei.

"Kumusta pala si Ate Farrah?" Change topic ni Steffi.

"Hi, Steffi! Okay naman ako dito. Medyo tumataba na." Sagot naman ni Farrah.

"Nako, Ate Farrah! Mataba ka na ba niyan?! Ang sexy mo pa rin kaya! Tiyan lang malaki sayo." Sabi ni Steffi ng makita si Farrah.

"Konti na lang lalabas na din si baby. Boy o girl po ba?" Tanong ni Steffi.

"Hindi pa namin alam. Gusto sana namin surprise." Sagot ni Farrah.

"Nako! Excited na ako. Gusto ko na siya makita!" Excited na sabi ni Steffi.

"Anyway...yun nga ang gusto namin sabihin ni Andrei." Sabi ni Farrah.

"Ha?? Ano po yun?" Pagtataka ni Steffi.

"Baka nandito ka na sa New York by the time na manganak si Farrah." Sabi ni Andrei.

"Ha?? Paano naman?" Naguguluhang tanong ni Steffi.

"Magkakaroon ng externship sa hospital namin, tatanggap sila ng applicants from other countries din. Andrei made you an application and I passed it." Paliwanag ni Farrah.

"Wh-what?? I still don't understand."

"They accepted your application, all you have to do is to pass the exam. After you pass, pwede ka na mag-start dito. If maganda ang evaluation nila sayo after 6 months pwede ka na nila i-absorb as one of their nurses." Dagdag ni Farrah.

"REALLY?! OH MY GOSH! ATE FARRAH! KUYA ANDREI! THANK YOU! THANK YOU!!" Tuwang-tuwa na sabi ni Steffi.

"Steffi, remember you still have to pass the exam." Paalala ni Andrei.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon