30th Duty

4.5K 115 4
                                    

"Grabe ang dating patients sa ospital ngayon. Wala kaming pahinga." Reklamo ni Albert.

"Kaya nga Robi sana mawala na yung suspension sayo para bumalik ka na sa ospital. Di na namin kaya ni Albert." Dagdag ni Josh.

"Ilang buwan pa. Nag-eenjoy pa nga ako ngayon eh, hindi ako pagod." Sabi ni Robi.

"Konti na lang din yung med clerks kaya nabawasan ng mga tao na pwedeng tumulong." Dagdag ni Josh.

"Wala na ding nurse interns." Sabi ni Albert.

"Pagbalik mo wala na sa ospital si Steffi." Sabi ni Josh.

Ngumiti lang si Robi.

"Bakit parang wala lang sayo?" Tanong ni Josh.

"Pwede pa naman kami magkita. Hindi lang naman kami sa ospital pwedeng magkita eh." Sagot ni Robi.

"Kailan naman kayo ulit magkikita?" Tanong ni Albert.

"Ininvite niya ako sa graduation niya." Sagot ni Robi.

"Ha??" Pagtataka ni Albert at Josh.

"Tumawag si Steffi nung isang araw, sabi niya pumunta daw ako sa graduation niya." Ulit ni Robi.

"So it's official." Sabi ni Albert.

"And legal!" Dagdag ni Josh.

Tumawa lang si Robi at uminom ng kape niya.

*
*
*
*

Dumating na ang araw ng graduation nila Steffi. Pinaghandaan niya mabuti ang araw na to dahil ngayon niya ipapakilala si Robi sa pamilya niya.

"Ma! Nasaan na yung cap ko? Hindi ko makita!" Natatarantang tanong ni Steffi.

"Diba nasa kotse na? Kagabi nilagay mo na lahat ng gamit mo doon diba." Sagot naman ng mama niya.

Pinanood lang naman ni Andrei si Steffi na magpabalik-balik at mataranta habang umiinom siya ng kape niya. Natatawa siya sa kilos ni Steffi.

"Si Robi, nasaan na daw? Sasabay ba siya sa atin?" Tanong ng mama niya.

"Ah! Sa venue na daw siya didiretso, doon niya na daw po tayo kikitain." Sagot ni Steffi na natataranta pa din.

"Stef, calm down." Pigil ni Andrei habang hawak niya sa braso si Steffi.

Natauhan naman si Steffi.

"Congratulations." Bati ni Andrei sa kanya ng nakangiti.

"Thank you, kuya." Sagot niya at nakalma na siya.

.
.
.

Nang makarating sila sa venue ng graduation natanaw niya si Kit at Siv sa bandang entrance.

"Hinihintay ka namin para sabay-sabay na tayo pumasok." Sabi ni Siv nang maka lapit si Steffi.

"Ugh! Bakit kasi kailangan pa naka heels dito." Reklamo naman ni Kit.

Tumingin si Steffi sa paligid pero hindi niya makita si Robi. Hinanap niya yung phone niya sa bag niya para tawagan si Robi.

"Shit! Naiwan ko phone ko!" Sabi niya ng mapansin niyang wala ang phone niya sa bag niya.

"All graduates must proceed inside." Tawag sa kanila ng organizers.

Tumingin ulit sa paligid si Steffi pero hindi niya nakita si Robi.

"Tara na, pumasok na tayo." Aya ni Siv kay Steffi.

"Sige." Sagot niya at pumasok na sa loob.

.
.

Nagsimula na ang graduation ceremony at isa-isa silang tinawag sa stage.

"Lacson, Stephanie E." Tawag kay Steffi sa stage.

Umakyat naman siya at ni-receive ang diploma niya.

Kahit tumingin siya sa paligid hindi din naman niya makikita si Robi sa dami ng tao sa loob.

Pagkatapos niya kunin ang diploma niya ay agad na rin siyang bumalik sa upuan niya at hinintay na matapos ang graduation nila.

.
.

"Congratulations! I can't believe na big girl na ang nag-iisang baby girl ko." Naiiyak na sabi ng mama ni Steffi.

"Ma! Nagddrama ka na naman!" Pigil niya sa mama niya dahil naiiyak din siya.

"Congrats! Sa wakas hindi ka na pabigat kay mama." Asar sa kanya ni Andrei.

"Congrats sa atin! Graduate na tayo!!" Bati ni Steffi kay Siv at Kit.

"Oo nga. Di ako makapaniwala, parang kahapon lang ginagawa ko yung speech ko para sa graduation ngayon graduate na talaga tayo." Di makapaniwalang sabi ni Siv.

"Tsss.. So now adults na tayo? How boring." Reklamo na naman ni Kit.

Tumingin sa paligid si Steffi, umaasa na makikita niya si Robi this time.

Napalingon siya sa kanan niya at natanaw niya ang isang lalake na nakaputing polo.

Tinignan niya mabuti, at di siya nagkakamali.

"Robi..." Sabi niya sa sarili at biglang gumaan na ang pakiramdam niya.

Kumaway si Robi sa kanya at lumapit sa direksyon nila.

"Congratulations, Steffi." Bati ni Robi, at inabot ang bouquet ng flower kay Steffi.

"Ma! Kuya! Si Robi, boyfriend ko." Pakilala ni Steffi.

"It's nice to meet you po." Bati ni Robi sa mama ni Steffi at bumeso.

Inabot naman ni Andrei ang kamay nito kay Robi para makipag-shake hands.

.
.

Dumiretso sila sa bahay nila Steffi dahil naghanda ang mama ni Steffi at nag-imbita ito ng ibang kaibigan nila.

"Congratulations, Steffi!!" Bati nilang lahat kay Steffi.

"Congrats, Steffi! Parang dati kasabay pa kita maligo, ngayon college graduate ka na!" Sabi ni Carey kay Steffi.

"Ate Carey! Nakakahiya! Pinaalala mo pa!" Nahihiyang sabi ni Steffi.

"Eh totoo naman diba! Naaalala ko pa dati tuwing naliligo tayo sabi mo pag laki mo si James ang gusto mo pakasalan." Asar sa kanya ni Carey.

"Oo nga pala. Kaya pala sabi ni Andrei wag na ako pupunta dito sa inyo." Natatawang sabi ni James.

Napatingin naman si Steffi kay Robi.

"Kuya James naman! Bata pa ako nun! Depensa ni Steffi.

"Ang unica hija ko. Dalaga na talaga." Sabi ng mama ni Steffi.

"Nako, Andrei. Bantayan mo na si Steffi mabuti. Baka sa susunod hindi lang graduation party, kundi wedding celebration na." Asar ni James kay Andrei.

"Basta wag lang sayo!" Balik ni Andrei kay James.

.
.

"Okay ka lang?" Kumusta ni Steffi kay Robi.

Inabot ni Robi ang kamay ni Steffi at pinaupo ito sa tabi niya.

"Si James pala ang gusto mo pakasalan?" Bungad ni Robi kay Steffi.

"Bata pa ako nun! Nako! College pa lang sila kuya nun eh! Joke lang yun dati! May asawa na si Kuya James ngayon, tsaka di ko naman siya gusto talaga." Paliwanag ni Steffi.

"Good." Sabi ni Robi at humarap kay Steffi.

Natigilan naman si Steffi dahil ang lapit ng mukha nila ni Robi sa isa't isa.

"Kasi sa akin ka lang." Sabi ni Robi at pinisil ang ilong ni Steffi.

***************

Author's Note.

Uy react naman kayo diyan! I wanna hear you feedbacks!

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now