14th Duty

5.4K 104 2
                                    

"Nurse Thea, kanina pa tahimik si Steffi. Baka masama pakiramdam niya." Sabi ni Nate kay Nurse Thea.

Sinilip naman ni Nurse Thea si Steffi. Naabutan naman niyang nakatulala sa kawalan si Steffi.

"Steffi! Anong ginawa sayo ni Dra. Laica? Ha? Ano? Sasabunutan ko na ba?" Sabi ni Nurse Thea kay Steffi.

"Nurse Thea! Baka may makarinig sayo." Pigil naman ni Steffi na may matamlay na ngiti.

"Eh bakit ka matamlay? Diba kapag nag-coffee dapat may energy? Eh bakit nung nagkape kayo lalo kang nawalan ng energy?" Tanong ni Nurse Thea habang yakap si Steffi.

"Pagod lang po ako." Palusot ni Steffi.

Matapos ang duty ni Steffi ay nag desisyon siya na umuwi na lang kaagad.

Wala siyang kasabay umuwi ngayon kaya mag-isa siyang naglalakad papunta ng gate.

Natanaw siya ni Robi.

"Steffi!" Tawag ni Robi sa kanya.

Lumingon naman si Steffi.

"Pauwi ka na?" Tanong ni Robi ng makalapit siya kay Steffi.

"Opo.." Matamlay na sagot ni Steffi.

"Uh..gusto mo ba mag-breakfast muna?" Aya sa kanya ni Robi.

"Sorry po, pero pagod na po ako. Gusto ko na lang po umuwi at matulog." Sabi ni Steffi habang iniiwasan ang tingin kay Robi.

"Ah..ganun ba. Sige..." Sabi ni Robi.

"Sige mauna na ako." Paalam niya habang nagpipigil ng luha.

Tinignan lang ni Robi si Steffi hanggang sa makalayo siya at makalabas ng gate, pagkatapos ay pumasok na ulit siya sa ospital.

Ng makalabas si Steffi ng gate doon niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigil na iyak.

"Steffi?? Okay ka lang?!" Bati sa kanya ni Albert ng makita si Steffi na umiiyak.

"Doc Albert! Tinanggihan ko kasi si Doc Robi." Sagot ni Steffi na patuloy na umiiyak.

"Ha? Bakit mo tinanggihan? Uy! Wag ka na umiyak." Tahan sa kanya ni Albert na natataranta sa pag-iyak ni Steffi.

"Gusto ko naman talaga mag-breakfast kasama si Doc Robi eh. Gutom na din kasi talaga ako." Sagot niya kay Albert habang umiiyak.

"Ikaw talaga! Baliw ka." Natatawang sabi ni Albert kay Steffi na patuloy na umiiyak.

*
*
*
*
*

Si Robi naman balik duty na sa wards ngayon.

"Rounds mo na?" Bati ni Robi kay Albert ng makasalubong niya sa hallway.

"Yeah. Ikaw?" Balik ni Albert kay Robi.

"Kakatapos lang." Sagot ni Robi.

"Oh! Can you help me with a patient?" Tanong ni Albert.

"Sure." Sagot ni Robi.

Naglakad sila Albert at Robi papunta sa isang private room along Surgery ward.

"Bakit anong problem sa patient?" Tanong ni Robi kay Albert.

Binuksan naman ni Albert yung pintuan ng room.

Nagulat naman si Robi sa bumungad sa kanya...ang isang Steffi na mahimbing na natutulog.

"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Naabutan ko sa gate na umiiyak." Sabi ni Albert ng nakangiti.

"Ha? Bakit??" Nagtatakang tanong ni Robi.

"Gusto daw niya maka sama mag-breakfast si Doc Robi, pero tinanggihan niya. Eh gutom pa naman daw siya." Sagot ni Albert.

The Doctor is Out!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz