16th Duty

5.2K 133 13
                                    

Inayos ni Steffi yung mga gamit na gagamitin ni Robi para tanggalin yung bakal na nakatusok sa bata.

Sinimulan ni Robi tanggalin.

Bigla na lamang tumunog ang monitor ng pasyente.

"Doc, hypovolemic shock. Sobrang dami ng dugo na nawala sa kanya." Sabi ni Steffi.

"Kumuha ka ng dugo sa blood bank para masalinan siya at mabawi kahit papaano yung dugo na nawala sa kanya." Sabi ni Robi.

Agad-agad naman sumunod si Steffi, tumakbo siya sa blood bank at sinunod ang inuutos ni Robi.

Sinubukan na ni Robi tanggalin ang bakal na nakatusok sa pasyente.

Pagkatanggal niya ay sumirit ang dugo sa damit niya. Sinubukan niya agapan ang pagkawala ng madaming dugo ng pasyente.

Nagawan niya ng paraan na tumigil ang pag-dugo ng pasyente. Akala niya ay tapos na ang lahat ng matagal na nila ang bakal na nakatusok sa bata.

"He's crashing." Sabi ni Robi sa sarili habang nag-iingay ang monitor ng pasyente na nagsasabi na nasa critical level na ito.

Sinubukan ni Robi i-resuscitate ang bata. Ilang sandali lang ay nag-flat line ito.

"What's happening here?!" Tanong ni Laica ng maabutan niya si Robi na nire-resuscitate ang pasyente niya na flat line pa din.

Pagkabalik ni Steffi kay Robi naabutan niya si Laica. Nakita niya na natataranta na sila at agad naman siyang tumulong.

"Ito na yung blood." Sabi ni Steffi ng makalapit siya.

"We need to stabilize him bago tayo magsalin ng dugo." Sabi ni Robi.

"Get the defribillator!" Utos ni Laica.

Kinuha naman agad ni Steffi ang defribillator para ma-revive ni ang pasyente.

"Charge, Clear." Sabi ni Laica.

"Charge, Clear." Patuloy ni Laica. Pangalawa na at flat line pa din ang pasyente.

"Charge, Clear." Dagdag ni Laica pero flat line pa din ang pasyente.

"Laica, do it again!" Utos ni Robi at sinubukan nia ulit i-resuscitate ang bata.

"Robi, stop. We can't do anything." Sabi ni Laica.

"Try it again." Pilit ni Robi habang ang buong atensyon ay i-revive ang bata.

"Robi, enough!" Pigil ni Laica.

Napansin ni Steffi na hindi na nakikinig si Robi sa mga sinasabi sa kanya ng mga
tao dahil gusto ni Robi iligtas ang bata.

Kitang-kita ni Steffi ang frustration sa mga mata ni Robi. Hindi niya maiwasan na hindi mag-alala para dito.

Alam niya na gusto lang naman ni Robi iligtas ang bata...

Pero alam ni Steffi na huli na ang lahat.

Mabigat man ang dibdib niya at nangingilid na ang luha niya sa
takot at pag-aalala ay kailangan niya lakasan ang loob niya ngayon.

Hindi lang para sa kanya kundi para kay Robi.

Hinawakan ni Steffi ang mga kamay ni Robi para pigilan na ito.

"Doc Robi, tama na." Kalmadong sabi ni Steffi kay Robi.

Natauhan naman si Robi ng marinig niya ang boses ni Steffi.

Unti-unting nilayo ni Steffi ang kamay ni Robi sa pasyente.

"Time of death, 4:25pm." Sabi ni Laica at umalis na.

"Ginawa na natin ang lahat para sa kanya, tulungan naman natin ang iba.." Mahinahon na sabi ni Steffi kay Robi.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now