13th Duty

5.3K 98 2
                                    

Hanggang sa makabalik sila sa Doctor's quarter, inasar ni Albert si Robi.

"Cute naman talaga si Steffi tsaka nakakatuwa siya, kaya di naman imposible na hindi mo siya magustuhan." Sabi ni Albert.

"May sinabi ba ako na gusto ko si Steffi?"

"Kahit naman hindi mo aminin eh halata naman. Bakit ka ganyan kung wala lang naman diba? Halata na nagseselos ka. Hahaha." Patuloy ni Albert.

"Inaasar mo na naman si Robi, Albert ha." Bati ni Laica pagpasok niya sa room.

"Kasi naman ayaw pa umamin nito ni Robi." Natatawang sabi ni Albert.

"Bakit? Anong ayaw aminin ni Robi??" Tanong ni Laica.

"Ayaw niya pa niya aminin na nagseselos siya doon sa lalake na laging kasama ni Steffi. Hahaha!" Sagot ni Albert.

Napatingin naman si Laica kay Robi na hindi nagrereact.

"Ay nako! Si Robi pa? Hindi yan nagseselos. Kahit noong kami pa hindi ko siya nakitang nagselos. Kaya imposible." Sabi ni Laica.

>Dr. Albert requested for OR.<

Tinawag si Albert ng CSR kaya umalis na siya. Naiwan naman si Laica at Robi sa room.

"Is it true?" Tanong ni Laica.

"True what?" Tanong pabalik ni Robi.

"You're jealous?" Tanong ulit ni Laica.

"You know Albert, mahilig talaga siya mang-asar." Iwas ni Robi.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko." Patuloy ni Laica.

"Does it matter? Iniiwasan ko na nga si Steffi, hindi ka pa ba masaya?" Inis na sagot ni Robi.

"Unbelievable." Sabi bi Laica at nag walk-out.

Naiwan naman si Robi sa quarter's mag-isa.

"What's happening to me??" Frustrated niyang tanong sa sarili.

*
*
*

"Mukhang natagalan kayo sa pagrarounds ha." Bati ni Nurse Thea kay Steffi at Nate ng makabalik sila sa station.

"Si Nate kasi ang bagal eh!" Asar ni Steffi kay Nate.

"Sino kayang madaming mali kanina!" Asar naman ni Nate kay Steffi.

"Nako!! Kayo talaga, lagi kayong nag-aasaran." Sabi ni Nurse Thea.

"Baka mamaya sa iba madevelop yan ha!" Dugtong ni Nurse Rina.

"Nurse Rina! Alam niyo naman kanino devoted ang puso ko!" Tanggol ni Steffi sa pang-aasar sa kanya.

"Oo na, kay Doc Robi pa din." Sabi ni Nurse Rina na natatawa kay Steffi.

"Speaking of Doc Robi, kanina nagtatanong about sayo." Sabi ni Nurse Thea.

"Tungkol saan?" Nagtatakang tanong ni Steffi.

"Uh..sino daw yung kasama mo. Sabi ko si Nate, bagong nurse intern din." Sagot ni Nurse Thea.

"Nako! Baka nag-seselos na si Doc Robi kay Nate ha! Dapat sinabi mo na friends lang kami. Diba Nate?" Sabi ni Steffi kay Nate habang sinisiko siya ng mahina.

"Ah...oo..." Mahinang sagot ni Nate.

"Kahit na anong mangyare naman kasi, si Doc Robi pa din ang laman ng puso ko." Sabi ni Steffi.

"Nagtaka nga ako bakit bigla na lang siyang umalis kanina nung kasama niya si Doc Albert, hindi ba kayo okay?" Tanong ni Nurse Thea kay Steffi.

"Uh..hindi ko alam..matagal na din kasi kami hindi nagkikita at nagkakausap. Kanina ko na lang ulit siya nakita tapos nag walkout pa siya." Malungkot na sabi ni Steffi.

"Di ka pa nasanay, Steffi. Kaya kung ako sayo, tigilan mo na si Doc Robi." Sabi ni Nate.

"Steffi??"

Napalingon naman si Steffi sa tumawag sa kanya.

"Dra. Laica kayo po pala yan!" Bati ni Steffi ng makita niya si Laica.

"Hi. Are you finished with your rounds? I want to invite you for coffee sana. Wala kasi akong kasama tsaka naliligaw pa ako dito sa hospital." Sabi ni Laica kay Steffi.

"Ah..ako po??" Nagtatakang tanong ni Steffi.

"Yes! Ikaw lang naman ang Steffi dito eh. Hahaha." Sabi ni Laica.

"Can I borrow Steffi for a moment? Ibabalik ko din siya after." Paalam ni Laica kay Nurse Thea.

"Ah..sige po doktora." Sabi ni NurseThea.

"Tara!" Aya ni Laica kay Steffi.

"Nako girl, wag ka papatalo diyan ha! Kahit na doktor pa yan, ipaglaban mo ang pag-ibig ng mga nurse!" Bulong ni Nurse Thea kay Steffi.

"Nurse Thea , naman! Magkakape lang kami. Kayo talaga." Sagot ni Steffi.

Sumunod naman si Steffi kay Laica hanggang sa makababa sila sa coffee shop.

"Gusto mo ba dagdagan ng cake?" Tanong ni Laica kay Steffi pagkaabot niya ng kape.

"Hindi na po. Okay na po ako dito, doc." Tanggi ni Steffi sa alok ni Laica.

"Baka kasi napagod ka sa rounds mo kanina, need mo ng sugar for energy." Sabi ni Laica at umupo sa harap ni Steffi.

"Ah! Haha. Sanay na po ako." Nahihiyang sabi ni Steffi.

"Cute yung guy na kasama mo kanina ha. What's his name?" Tanong ni Laica.

"Ah! Si Nate po, nurse intern din po. Friends lang po kami nun. Hehe." Sagot ni Steffi.

"Oh. I see, that's because you like Robi?"

Masamid-samid naman si Steffi sa tanong sa kanya ni Laica.

"P-po??" Sagot niya habang nagpupunas ng mukha niya.

"You like Robi noh? That's what I heard. Nag-date na nga daw kayo." Sabi ni Laica.

"Doc Laica..." Hindi alam ni Steffi kung ano sasabihin niya.

"Uy! Relax ka lang! Ano ka ba!" Sabi naman ni Laica sa kanya.

"Eh kasi po..." Sinubukan ni Steffi mag-salita pero sobrang gulo ng isip niya na hindi siya makabuo ng sentence.

"I know, it's unusual for me to ask you these things. Lalo na alam mo na ex-girlfriend ako ni Robi." Sabi ni Laica.

Napalunok naman si Steffi.

"Matagal na kaming wala ni Robi, don't worry. It's okay if you like him. Robi's really easy to like, he's charming and very kind. He's tough all over pero once you get to know him you get to see his sweet side. He's sweet diba?" Sabi ni Laica ng naka ngiti.

"Opo.." Sagot ni Steffi

"I'm sorry to say this, Steffi. But I'm worried for the two of you." Sabi ni Laica.

Napatingin naman si Steffi kay Laica dahil sa sinabi niya.

"Po? Bakit naman po?" Tanong ni Steffi.

"Well..you're still young, Steffi. Madami ka pang pwedeng gawin, madami ka pang magagawa, madami ka pang makikilala." Paliwanag ni Laica.

"Ano pong gusto niyong sabihin?" Tanong ni Steffi.

"Look, Steffi. I know Robi's the perfect guy for you now. Pero as you see nasa peak na si Robi ng career niya as a surgeon, he doesn't need any distractions." Sabi ni Laica.

"Doc, hindi ko po kayo maintindihan." Sabi ni Steffi na naguguluhan.

"Layuan mo muna si Robi." Seryosong sabi ni Laica.

Natigilan naman si Steffi sa sinabi ni Laica.

>Paging Dra. Laica Filomeno, please proceed to emergency room<

"Excuse me, time to go back to work." Paalam ni Laica kay Steffi.

Huminto si Laica bago tuluyang makalayo kay Steffi.

"Consider what I said to you, I am saying this as Robi's friend and as a doctor. Like what they always tell you... Listen to the doctors." Habol ni Laica.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now