32nd Duty

4.6K 87 4
                                    

Magkakasama sina Steffi at ang mga kaibigan niya sa bahay ni Nate ngayon. Nagrereview sila para sa boards.

"Bakit ba hirap na hirap ka sa topic na yan, Kit? Ang dali-dali lang kaya niyan." Sabi ni Siv habang tinuturuan si Kit.

"Lahat naman madali sayo Siv." Sagot ni Kit.

"Magkakapareho lang ba tayo ng reviewers?" Tanong ni Nate.

"Eh bakit ka kasi humiwalay ka ng review center sa amin. Ngayon nakikikopya ka ng notes." Sagot ni Kit.

"Hay nako. Ang ingay niyo naman mga unlicensed nurses, nag-aaral yung med student dito oh." Singit ni Chienna sa usapan.

Napatingin naman sila kay Steffi na kanina pa tahimik.

"Steffi, kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tanong ni Nate.

"Ah! Wala! Binabasa ko lang to mabuti." Sagot ni Steffi.

"Kakabisaduhin mo ba yung pages ng libro? Eh nasa table of contents ka kaya." Sabi ni Kit.

"Ha? Hala! Sorry. Di na ako naka-move on sa umpisa. Hahaha!" Palusot ni Steffi.

"Hindi nga Steffi? Matagal ko nang napapansin na ang tahimik mo." Sabi ni Siv.

"Hiwalay na ba kayo ni Doc Robi?" Tanong ni Chienna.

"Hindi ha!" Depensa ni Steffi.

"Eh ano nga?" Pilit ni Chienna.

"Sabihin mo na Steffi. Hindi ka din naman namin titigilan." Kulit ni Kit.

Kinwento ni Steffi ang nangyare at pangako niya sa kuya niya bago ito umalis.

"Kumusta yung asawa ng kuya mo?" Tanong ni Nate.

"Okay naman sila ng baby ngayon. Mabuti nga walang masamang nangyare." Sagot ni Steffi.

"Nakapag-usap ba ulit kayo ng kuya mo?" Tanong ni Siv.

"Oo, kinakumusta niya lang kami ni Mama at Bobbi. Sagot ni Steffi.

"Nasabi mo na ba to kay Doc Robi?" Tanong ni Kit.

"Hindi pa nga eh. Yan nga ang pinoproblema ko, hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya." Sagot ni Steffi.

"Eh bakit ka naman nag-volunteer na pumunta ng New York pagkatapos ng exams?!" Mataray na tanong ni Chienna.

"Hindi babalik ng US si kuya hanggat hindi niya ako nako-convince na sumama sa kanya. Kilala ko ang kuya ko." Sagot ni Steffi.

"Kahit na! Buhay mo pa rin to! Ikaw pa rin ang masusunod dito. Hindi ba pwedeng umayaw ka na lang? Since nakabalik na naman kuya mo sa US." Pangangatwiran ni Chienna.

"Chienna.." Pigil ni Nate.

"Hindi Nate! Kung aayaw naman si Steffi wala ng magagawa ang kuya niya. Nasa kanya pa din naman yung desisyon sa huli!" Patuloy ni Chienna.

"Matagal ko na tong gusto." Sagot ni Steffi.

"Steffi..." Sabi ni Kit.

"Bata pa lang ako gusto ko na talaga pumunta ng New York. Kasi doon kami unang-unang dinala ni Papa. Doon ko huling naaalala na masaya kaming magkakasama bago siya mawala..." Sabi ni Steffi.

Natahimik silang lahat.

"Kaya ng nagkaroon ng chance si Kuya na makapunta ng New York sobrang saya ko dahil alam ko may chance din ako sumunod sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin yung trabaho doon, kahit pa ibig sabihin nun eh iwanan ang long-term girlfriend niya... Ginawa niya yun para sa akin." Patuloy ni Steffi.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon