39th Duty

4.4K 82 2
                                    

Pinasyal si Steffi ni Andrei at Farrah sa New York habang hindi pa nagsisimula ang externship nito.

"So you'll be familiar with New York, you're gonna be here for quite sometime." Sabi ni Andrei.

Dinala din ni Farrah si Steffi sa ospital para may idea siya kung saan siya magtatrabaho.

"Dito ang work station ko, dito madalas manggulo si Andrei." Turo ni Farrah.

Nangiti naman si Steffi at naalala yung work station niya noong internship kung saan una niyang nakilala si Robi.

Natauhan siya ng biglang may tumawag kay Farrah.

"Farrah! Hindi mo sinabi na pupunta ka ngayon dito." Bati sa kanila.

"Pinasyal ko lang si Steffi, sister ni Andrei. Si Karen pala, best friend ko." Pakilala ni Farrah.

"Hello, Steffi! Ang ganda mo pala! Halatang dugo ni Andrei ang nananalaytay sayo! Balita ko dito ka na din papasok. Hayaan mo, ako ang bahala sayo." Sabi naman ni Karen at binalik ang atensyon kay Farrah. "Miss na miss na kita, Farrah. Matagal-tagal ka pang mawawala."

Naka-leave na si Farrah dahil anytime ay pwede na siyang manganak.

"Ang ganda pala sa ospital niyo, Ate Farrah. Excited na ako pumasok." Masayang sabi ni Steffi.

.
.
.
.
.

"Goodchild's Hospital is a hospital known for it's quality care for patients and as nurses we are the ones that give that quality care, we give the best care, comfort and satisfaction to our patients." Sabi ni Nurse Greta.

"While you're in this hospital you should always remember that our patients are our top most priority." Dagdag niya.

"We will assign you to your certain posts and I hope you will all do good."

Binigyan sila ng tig-iisang envelope kung saan nandoon lahat ng rules, protocols at ward assignments nila.

Binuksan ni Steffi yung envelope para malaman kung anong post siya naka-assign.

Para siyang hindi makalunok ng makita niya ang assigned post niya.

"Hi, what post did you get?" Tanong ng isang nurse kay Steffi.

"S-surgery ward."

"Hey, are you okay?" Alalang tanong sa kanya nung nurse.

"Y-yeah. I'm fine." Sagot ni Steffi at pinunasannang luha na tutulo pa lang.

"By the way, I'm Paula. I'm from Los Angeles, I just moved here." Pakilala sa kanya.

"I'm Steffi, I'm from the Philippines."

"It's nice to meet you, Steffi."

.
.
.

"Kumusta ang first week mo sa hospital?" Tanong ni Andrei kay Steffi habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Okay lang naman..."

Matapos magligpit pumunta si Steffi sa may veranda para magpahangin.

"I heard hindi maganda ang performance mo sa training." Sabi ni Andrei nang tumabi kay Steffi.

"Nag-aadjust pa ako, kuya."

"I understand, but also understand that this is a very big opportunity for your future." Paalala ni Andrei.

"I know kuya, so please stop stressing me out." Depensa ni Steffi.

"Steffi, I don't think that you understand how big of a deal this externship is. You know we did everything just for you to be here."

"Kung sobrang big deal pala sayo eh di ikaw na lang ang mag extern kuya, tutal mahalaga to sayo diba?!" Sigaw ni Steffi.

"Remember ikaw ang may gusto dito sa New York, ikaw ang nagpilit sa akin dito dati pa." Sumbat ni Andrei.

"Kaya nga dati, kasi dati pa yun. Hindi ba pwede magbago ang isip ko?!" Sagot ni Steffi.

"You don't know your priorities, Steffi! Hindi ka habangbuhay bata! Grow up!" Patuloy ni Andrei.

"I left everything for this! I left home! I left Robi! For what?!"

"Why are you two fighting? Tumigil na kayo." Saway ni Farrah sa kanilang dalawa.

"Akala mo ba wala akong ginive up para maka punta dito?!" Sumbat ni Andrei.

"Andrei, enough." Pigil ni Farrah.

"Kaya mo nga iniwan si Ate Carey diba, because of this stupid career, because of your stupid dreams!" Singhal ni Steffi.

Tumahimik si Andrei at sinubukan ikalma ang sarili dahil ayaw niyang patulan pa si Steffi.

"You don't know what I've been through, Steffi. Where's all this coming from? Ano bang problema mo?" Sabi ni Andrei habang sinusubukan niyang maging mahinahon.

Sasagot pa lang sana si Steffi ng biglang magsalita si Farrah.

"Hon..." Nanginginig niyang tawag kay Andrei. "My water just broke."

"Let's go to the hospital! Steffi, bumaba ka at tumawag ng taxi." Natatarantang utos ni Andrei.

Nataranta din si Steffi ng makita niya si Farrah na namimilipit na sa sakit. Madali naman silang nakakuha ng taxi at agad-agad na dinala sila sa ospital.

Sinugod naman sa delivery room si Farrah. Naiwan si Andrei at Steffi sa labas.

Makalipas ang ilang oras lumabas din ang doktor sa delivery room.

"Mr. Lacson?"

"Yes?" Napatayo si Andrei ng lumabas ang doktor.

"Congratulations, it's a healthy baby boy." Sabi ng doktor.

Laking tuwa ni Andrei ng marinig ang sinabi ng doktor. Napatayo din si Steffi at niyakap si Andrei ng marinig ang balita.

"Congratulations kuya! Daddy ka na!" Bati ni Steffi.

.
.
.
.
.

Nang makalabas nang recovery room si Farrah sa ward na siya pinuntahan nila Steffi.

"Ate Farrah." Bati ni Steffi pagpasok niya sa kwarto. Nakita niya si Andrei na nakaupo sa sofa at natutulog.

"Ngayon lang nakatulog ang kuya mo, hinintay niya kasi na makatulog yung baby." Bulong ni Farrah.

Sinilip naman ni Steffi yung baby sa tabi ni Farrah.

"Ang liit-liit niya, ang cute." Sabi ni Steffi habang hinahawakan yung kamay. "Anong ipapangalan niyo?"

"Thomas." Nakangiting sagot ni Farrah.

"Hi Tommy! Si Tita Steffi mo to, siguro lumabas ka agad kasi gusto mo ipagtanggol ang daddy Andrei mo sa akin noh. Sorry kung inaway ko ang daddy mo ha." Sabi ni Steffi habang kinakausap si Thomas.

"Steffi, please understand Andrei. You know he just really wants the best for you." Sabi ni Farrah.

"I know, Ate. Siguro stressed lang ako. Naho-homesick din kasi ako." Paliwanag ni Steffi.

"Ganyan talaga sa umpisa, masasanay ka din. Kasama mo naman kami dito eh." Comfort ni Farrah.

Pinagmasdan mabuti ni Steffi si Thomas habang natutulog.

"Hindi ko na kasi alam, Ate Farrah eh. Kahit na nasa malayong lugar na ako, kapag nasa ospital ako parang lahat ng bagay pinapaalala si Robi sa akin." Sabi ni Steffi.

The Doctor is Out!Where stories live. Discover now