ONE

15.5K 85 8
                                    

"Ano ba yan? Kakanta? Kakanta lang? Balot na balot! Ano ba? Kung kakanta lang, di sana ako na lang!" sigaw ni Baekhyun. Nababagot siya.

"Pwede ba Baekhyun. Kung gusto mo nang naghuhubad na babae, magbar ka!" Ganting sigaw ni Suho sa kanya.

Pinanlakihan ng mata ni Baekhyun si Suho. "Alam mong di pwede! Pagkaguluhan ako sa labas." Bumalik sa pagkakaupo matapos matigilan ang babaeng nakatayo sa harap nila.

Nakamasid lang ito sa kanila. Di sigurado kung ano ang inirireklamo ng isa sa mga nakaupo sa harapan niya.

"Can you please relax Baek? We never asked for a stripper! We're on vacation. We can't go out. We need somebody else to entertain us. We're entertainers. This is what we do. What are you expecting?" Bagot na si Xiumin sa ugali ni Baek. Reklamo dito. Reklamo doon.

Magaling kumanta ang babaeng nasa harap nila. Maganda. Pang model ang tindig. May ibubuga pero wala sa itsura nito ang galaw niya. Masyadong mahiyain. Conservative to the highest level.

"Don't lecture me Xiumin. I know you were also expecting the same thing. Wag kang magmalinis" mahinang sagot ni Baek pero may diin.

"Baekhyun, for Pete's sake! He's older than you. Pay some respect!" Lay suddenly blurted. Sa isang tahimik na tao, minsan lang maririnig ang boses nito na mataas sa normal na volume.

Tumayo si Baek. Nilapitan ang babae at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Walang kwenta".

Mahina ang pagkakasabi niya pero parang nakamicrophone siya para dun sa babae. Namula ang mga pisngi niya at nanginig ang katawan niya sa hiya.

Padabog ni isinara ni Baekhyun ang pintuan ng AVR nila.

Agad na nilapitan ni Kyungsoo ang babae.

"Ahm...next time yung medyo daring naman. Natitigang ako lalo sa performance mo" tsaka mabilis na umalis na rin doon.

Ang harsh. Oo nga at idols sila pero hindi sila mababait tulad sa iniisip nyo pag nasa harap sila ng camera. Tao. Lalaki.

Hindi nagsalita si Kai. Nginitian niya ang babae at nag thumbs up. Pero maya maya, umalis na rin siya.

Napakamot sa batok si Suho. Nahihiya siya sa inaasal ng ibang members. Nilapitan niya ang babae nang bigla itong magsalita.

"Ahmmm Sir, actually nininerbyos lang talaga ako. Sabihin nyo po sakin kung ano ang gusto ng ibang members para po mapaghandaan ko next time" nakayuko ito habang nagsasalita. Nanginginig ang boses. Umiiyak yata.

Lalong nag alala si Suho. Baka makarating ito sa publiko.

"Pasensiya ka na talaga. Don't worry, maybe there was just a misunderstanding. They thought it was ahmmmm" hindi niya maituloy. Ang akala kasi ng iba, stripper ang kinuhang entertainer para sa kanila.

Biglang nagtaas ng mukha ang babae. Tsaka lang napansin ni Suho na napakaganda pala nito. Napanganga siya. Kanina kasi hindi ito tumitingin man lang sa kanila at kumanta agad pagpasok ng kwarto.

Biglang napalapit si Chanyeol dito.

"I'm Chanyeol" sabay lahad nito ng kamay.

Ngumiti sa kanya ang babae. Nganga pa rin si Suho. Nilapitan siya ni Xiumin sabay kunyari pinahiran ang invisible laway niya.

"Xiumin here. This is Suho. That's Lay over there." Itinuro nito si Lay na nagwave naman ng bahagya.

"Ako? Hindi ipapakilala?" Boses ni Sehun na kanina pa nakaheadset. Wala itong gana sa entertainer nila. Gaya nina Baekhyun at Kyungsoo, iba ang iniexpect nilang "entertainer".

"Ah yeah, bunso namin, si Sehun" si Xiumin ulit. Kinaladkad niya ng bahagya si Suho pabalik sa upuan.

"Nasaan si Chen? Himala! Pag may babae dito kahit staff, laging present yun" tukoy ni Chanyeol sa isa pang member.

"Nag practice" maikling sagot ni Lay.

Nag aatubili ang babae kung magpapaalam na ba o magpapatuloy sa pagkanta.

"I guess we'll call it a day" untag ni Suho sa biglang katahimikan. "I'll have a meeting with the members about this then I'll call you..." inilahad niya ang kamay para itanong kung ano ang pangalan ng babae.

"Bree" sagot niya at tinanggap ang kamay ni Suho.

-----------------

*hope you will like the story. This contains mature scenes -spg na gustong gusto ng mga katropa ko hiho- lam nyo na kung sino kayo huahua!*

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now