FORTY TWO

1.9K 16 0
                                    

*BAEKHYUN*

"What are you doing here, Mitzi? Outsiders aren't allowed here" masungit na bungad ko nang datnan kong nakahilata sa couch si Mitzi. At home talaga siya ha. Nakakasura nang makita ang pagmumukha niya. Pagkatapos ng lahat ng pananakit na ginawa niya sakin in the past, parang wala lang nangyari kung makapakita ulit sakin.


"Bakit Baekhyun, ikaw ba ang pamangkin ng may ari ng company na to? President ng company na pinagtatrabahuan mo ang tatay ko at building niya to. Hindi ba at mas may karapatan akong pumunta dito kesa sayo? Hindi naman ikaw ang ipinunta ko. Malamang sa malamang, kelangan mo nang masanay na nandito ako dahil ako na ang handler nyo from now on. Wag mo kong susungitan nang ganyan, you know why I really liked you before, mas bitch ka pa kasi kesa sakin" litanya ni Mitzi na hindi man lang tumingin sakin kundi sa mga trophies namin na nakadisplay sa shelf.


"Ah talaga? Eh di welcome back" sagot ko at umalis na sa living room para pumasok sa kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto nang magulat ako sa paghawak niya sa kamay ko. Di ko napanasing sumunod pala siya.


"So Baek, balita ko may binuntis ka daw dito sa mismong dorm na to. Ang tindi mo rin pala. Kala ko di mo kayang ilabas yang nasa loob ng boxers mo kasi nga di ba, babae ka pa kesa sakin dati?" may pang aasar sa tono ng boses niya at nasa hinaharap ko pa nakatuon ang mga mata niya.


"Pwede ba Mitzi, kung wala kang sasabihing maganda, lubayan mo na ako. Ikaw ang handler namin at wala na tayo. May pamilya na ako soon kaya kung pwede wag mo na akong guluhin" mahinahon kong sabi na ikinatawa niya. Lokarit naba to?


"Pamilya? Hoy Baekhyun, sa ayaw at sa gusto mo, kelangan mong magpretend na girlfriend mo pa rin ako from now on kasi lalabas na ang article news na yan bukas. Ang title "The Return of Ms. Lee, OT9 Baekhyun's girl". Oh ano? Papalag ka pa sa lagay na yan? Kawawa naman yung nabuntis mo. Makukunsumi yata kasi madideny sa mata ng mga tao. Kausapin muna habang maaga pa bago mailabas ang article bukas at baka mapaanak nang wala sa oras." Naka smirk pa siya nang iwanan niya ako sa labas ng kwarto ko na nakaawang ang bibig.


"Bwesit ka sa buhay ko Mitzi! Bakit ba kasi kita naging girlfriend noon. Di ko alam kung ano'ng nakain ko at minahal kita dati eh wala ka namang kahit ano sa katawan na nakikita kong worth mahalin. Maganda ka, sexy at mayaman. Bet ka ni Sehun pero mas pinili mo ako kasi nga "bitchy" ako. Huta! Mas pipiliin ko pa si Lay hyung kesa sayong bruha ka! Nakakaungas!" litanya ko sa isip habang binabalibag ang mga kumot kong hindi pa nakaayos simula nang iwan ko ito kanina.


Napalingon ako nang bumukas ulit ang pinto. Sisigaw na sana ako para palabasin ang pumasok kasi akala ko si Mitzi pero nagulat ako nang makita kong si Lay hyung pala yun.


"Baekhyun" hinihingal na tawag niya sa pangalan ko.


"Ano'ng nangyari sayo hyung?" may pag aalala kong tanong. Ewan at bakit bigla akong kinabahan.


"Bree's in the hospital. She and her baby are in danger. Please come quickly!" sabi niya at lumabas ulit ng kwarto.


Nataranta ako. Di ko alam kung ano ang dadamputin ko. Natorete ako bigla. Nag iikot ako sa kwarto na parang wala sa sarili nang pumasok si Mitzi. Bwesit!


"You're not leaving Baekhyun. Uncle Soo will be here in a while to meet us about the release of tomorrow's article" nakapameywang niyang sabi.


I shoved her away from the door so I can get out but she held my arm tightly. "I said you aren't going anywhere, bitchy boy" sabi niya at tumawa.


"Kailangan ako ng mag ina ko, Mitzi" mariin kong sabi at inalis ang kamay niya.


Humahangos na bumalik si Lay hyung.


"Baek, ako na lang ang babalik sa hospital. CEO Lee is waiting for you in the meeting room. Balitaan na lang kita" aniya at mabilis na umalis.


Nanlumo ako. Bakit ba nangyayari to? Kanina lang ang saya ko. Ang sarap magwala.


Dumaan si Mitzi sa harapan ko kaya inirapan ko siya.


"Hmp, still the same bitch!" bulong niya at tumawa nang malakas. Ang sarap ihapkido ng mukha niya! Nanggigigil ako!

*

A/N

Naku pigilan nyo si Baek! Haha! Ang tindi ni Mitzi!

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now