FINALE Pt. 2

2.3K 22 4
                                    

Tahimik na nagliligpit ng mga regalong nabuksan si Bree. Tuwang tuwa siya sa mga gamit pang baby na natanggap nila sa kasal ngayong araw. Siguradong mapupuno ng mga iyon ang inihanda nilang baby room. Wala pa naman silang anak pero siyempre iba na ang handa. Si Baekhyun naman ay nasa loob ng shower at nauna nang maglinis ng katawan after ng reception. Medyo tipsy kasi siya kaya minabuti nang magshower para mahimasmasan. Paglabas niya ng banyo agad niyang inihanda ang kama nila.

"Baby, ikaw na sumunod. Bukas na natin iligpit ang mga yan. Excited na ako sa first night eh" at nagwink pa.

"Loko! May honeymoon package tayo. Dun na tayo mag enjoy" sagot ni Bree habang nakangiti ng malapad sa kapilyuhan ng asawa.

"Ayoko! Ngayon na, as in! Please baby ko" naka pout na sabi ni Baekhyun.

"Tumigil ka please, di ka cute" pang iinis ni Bree.

"Baby naman eh. Nakaligo na ako. Ang bango bango ko na. Amuyin mo pa oh" lumapit si Baekhyun at idinikit ang sarili kay Bree.

"Chansing ka naman baby eh. Dun ka nga. Di pa ako tapos dito. Mamaya mabasag ang iba eh. Makagalitan pa tayo" natatawang tulak ni Bree sa asawa.

"Eeeeh, maligo ka na kasi dun. Pero kahit di ka pa ligo, okay lang sakin. Lagi ka namang mabango eh" niyakap ni Baekhyun ang asawa pero tumakbo ito palayo at pumasok ng banyo.

"Ayan, liligo rin pala eh. Bilisan mo ha, hintay lang ako dito!" nahiga si Baekhyun pero di kalaunan ay dinalaw ng antok at nakatulog.

Natawa na lang si Bree pag labas ng shower. Ang amo ng mukha ng asawa niya na ngayon ay nahilik pa ng konti at ang himbing ng tulog. Naka boxers lang ito kaya kinumutan niya na at nahiga na sa tabi nito.

Pagod siya ngayong araw sa dami ng inasikasong bisita pero masaya siya at sa wakas asawa niya na si Baekhyun na dati ay pangarap lang niya.

*

"Mitzi, ano'ng plano mo? Gusto ko sanang sabihin na kay Director ang tungkol sa atin" sabi ni Chanyeol habang nakasunod sa nagmamadaling pauwi na si Mitzi. Kating kati kasi siya sa damit niya.

"Honey, pag uusapan natin yan sa dorm. Sa ngayon, let's get rid of these clothes muna. Namamantal na katawan ko dito eh" reklamo ni Mitzi. Pawis na pawis na rin siya at di siya komportable sa suot.

"Okay honey, basta pag uusapan natin ngayong gabi to ha" paninigurado ni Chanyeol. Last time kasi, lumipas lang ang buong araw pero hindi naman nila nasabi ang tungkol sa kanila. Sabi ni Mitzi, patapusin na ang kasal nina Bree bago gawin yun para walang conflict ang kasal if ever.

Nang makarating sa dorm agad na hinubad ni Mitzi ang damit pagka saran a pagka sara ni Chanyeol ng pinto.

"Honey naman eh, dun ka magbihis sa bathroom. Nakalimutan mo ba, di pa tayo nag gaganun" takip ni Chanyeol ang dalawang mata pero sa totoo nakita niya nang maghubad si Mitzi ng damit.

"Kunyari ka pa dyan, eh sa di ko na matiis talaga eh. Tsaka makikita mo rin naman to sooner or later, pa takip takip ka pa ng mata dyan, nakita kitang tumingin eh" pang aasar ni Mitzi.

"Baka kasi di ko mapigilan. Ang sexy mo pa naman. Alam mo na, nagpipigil talaga ako kasi naman eh, bakit dito ka sa kwarto ko dumeretso?" ngayon pa lang narealize ni Mitzi na may sarili nga pala siyang kwarto.

"Ewan ko hon. Pero please pakitulungan ako sa stockings ko" lumapit siya kay Chanyeol pero agad itong lumayo at dumapa sa kama.

"Honey, nagreak kasi si Chanyeol liit kaya nahihiya talaga ako. Please, ikaw na honey" sagot ni Chanyeol na tinatago ang harapan.

"Ano ka ba Chanyeol, dali na. nagagalit na ako!" sigaw ni Mitzi.

"Honey, please. Nakatayo kasi si ano oh" pero bumangon pa rin siya at itinuro pa kay Mitzi ang naninikip nang pantalon dahil nga nakasaludo ang manoy niya.

Napangiti tuloy si Mitzi.

"Oo na. Dito ako matutulog tonight" pilyang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol.

"Hala siya! Tayo yata ang maghahoneymoon honey!" tuwang tuwa si Yeol habang hinahatak ang stockings ni Mitzi.

"Excited much?!" panunukso ni Mitzi sa boyfriend na nanginginig pa ang mga kamay.

"Kilig na kilig ako hon" natatawang sagot ni Chanyeol.

Nagtawanan pa sila pareho kasi ang cute cute nga naman ni Yeol.

*

Maingat na isinakay ni Kyungsoo sa kotse si Aya.

"Babe, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa girlfriend.

"Yes, Soo. Medyo nabawasan na pagkahilo ko pero kasi nasusuka ako" sapo ni Aya ang noo habang nakahilig sa bintana ng kotse ang ulo niya.

"Naglilihi ka siguro babe. Grabe, nauna pa tayong magkaanak kesa sa ikinasal" pagbibiro ni Kyungsoo pero biglang naalala na siya ang tatay ng anak ni Bree na nawala kaya natahimik rin agad.

Napansin ni Aya ang pagbago ng expression ng mukha ni Kyungsoo kaya inalo niya ito.

"Babe, wag mo nang isipin yun. Naka move on na si Bree. Masaya na sila ni Baekhyun. Tayo na ngayon, so please be happy. We will have another baby, we'll be happy again. Bree and Baekhyun will have theirs, too. Our babies will be friends, just like us. So, don't be sad now, okay?"

"Sorry, babe. Thank you. I know, I just felt guilty and sad. Let's visit baby Brennan tomorrow. I miss him. Then let's tell him he'll have a baby sister or brother soon" masayang wika ni Kyungsoo.

"Sure, babe. Basta ba maayos ang pakiramdam ko. Gusto ko rin naman ibalita muna kay Baby Brennan to then saka na tayo magbalita sa iba. Nahihiya ako eh" Aya giggled.

"Ngayon ka pa talaga nahiya, babe?" pang aasar ni Soo.

"Babe naman eh. Sige ka pag ginalit mo ako palagi, magiging kamukha mo tong baby natin. Eh di malaki din mata niya. Ayoko! Gusto ko mata ni Xiumin. O di kaya kay Lay. Tapos dapat kasing puti ni Sehun! Or kasing tangkad ni Yeol! Kasing ganda ni Baekhyun..."

"Napapangitan ka sakin, ganun? Ayaw mong kamukha ko baby natin eh ako ang tatay niyan. Wala kang magagawa. Kyungsoo junior yan sa ayaw at gusto mo. Malakas kaya genes ko. Kita mo si Baby Brennan kuhang kuha yung kilay tsaka lips ko. Naku!"

"Babe, ayaw! Gusto ko kasing itim ni Kai! Tapos kamukha ang bibig kay Chen!" pagmamaktol ni Aya. Sinabunutan niya si Kyungsoo na busy sa pagdadrive.

"Babe, pag tayo nabangga nyang ginagawa mo. Ayokong kamukha ni Chen! Itatapon ko sa basurahan yung baby natin!" galit na sabi ni Soo.

"Papatayin muna kita!" sigaw ni Aya at hinampas ng sapatos niya si Soo.

*

A/N

Oh di ba ang cute nila Soo? May special chapters pa. Naghahanap kasi ng SPG yung iba. Naku, alam mo kung sino ka. I mean, alam nyo kung sino kayo. Oo na. may special chapters for SPG! Kaloka!

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now