THIRTEEN

5.8K 50 9
                                    

*B R E E*

Pagkalabas ko ng kwarto nina Lay, muntik pa akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko. Nakalimutan kong nasa side pocket pala ng blouse ko ito. Mabuti na lang at hindi nahulog nung nagmimake out kami ni Lay.


Wait!


Nagmake out kami!


Nananaginip ba ako?


Hindi!


May bitbit pa akong empty roll ng toilet paper eh.


Nakalimutan ko sandali ang cp ko. Naalimpungatan ako nang tumunog ito ulit.


Si Aya!


Nakalimutan kong tawagan si Aya! Third day ko na sa dorm ng OT9 pero ni text hindi ko nagawa.


Mamaya nagtampo na yun sakin.


"Hello, Aya!" excited kong sagot sa phone pero hininaan ko lang ang boses ko. Baka kasi natutulog pa ang ibang boys.


"Gaano ba ka busy ang trabaho mo dyan at hindi mo man lang naalala na ipaalam sa akin kung buhay ka pa ba?!" litanya ni Aya. Hindi man lang nag hello. Ang ganda niya talaga.


"Eh sorry naman. Nag aadjust pa yung tao eh. Tsaka alam mo ba? Ako yata ang pinakaswerteng nilalang sa mundo. Aya, remember you used to like OT9?"


Hindi ko pa nababanggit na si Aya ay die hard fan ng OT12. Kaso nga lang nung umalis ang paborito niyang member, medyo nawalan siya ng gana. Hindi ko sila kilala. Pero laging nababanggit ni Aya. Yung favorite member niyang si Luhan lang ang nakita ko sa picture at para sakin mukha siyang babae. Wala akong hilig sa mga feminine na lalaki. Abs ang hanap ko.


"Oh ngayon?" walang ganang sagot niya sakin.


"Sa OT9 dorm ako nagwowork. In short, imbis na mag entertain, naging house maid ako" matamlay ding sagot ko kay Aya.


Ayun, di ko na kailangang magtutuli mamaya. Matindi pa sa cotton buds ang tili ni Aya sa kabilang linya eh. Hindi naman tumagal yung tili niya. Bigla ring natigil. Naalala kasing wala na pala ang pinakamamahal niyang si Luhan sa grupo.


"Pero teka...kilala kita. May landi kang tinatago. Malakas ang pakiramdam kong may nagustuhan ka sa kanila!"


Siyempre. Kami pa ni Aya. Nagkikwento kami sa isa't isa kung kelan kami nag aano sa mga boyfriend namin. Or minsan mga adventures namin. Siyempre, nag iingat kami. Hindi puro landi lang.


"Oo naman. Ang gagwapo kaya nila. Lalo na si Lay!" mahina kong tili. Kilig na kilig ako!


"Syete! Sino pinakagwapo? I mean, maliban kay Lay?" kinikilig ding sagot ni Aya. Feeling ko nagtatatalon na siya sa bed niya.


Play With ME(EXO SPG story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin