FOUR

8.2K 64 14
                                    

BREE

"Wow ganda dito. Parang kwarto ng prinsesa haha! May mga purple drapes pa. Favorite color!" Nakakatuwa naman tong room ko. Sino kaya nag ayos nito? Mukhang kwarto ng 10 years old.

Napapitlag ako ng makarinig ng mahinang katok mula sa pintuan.

"Sandali lang!" Nagmamadali kong inayos ang mga gamit kong inilabas mula sa maleta.

Si Suho pala ang kumatok. Nahihiya siyang sumilip pero hindi naman pumasok. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto para ipakitang willing akong iwelcome siya.

"Tuloy ka. Sorry, di pa ako nakakapag ayos ng closet." Sabi ko habang inaayos ang mga damit ko na nakapatong sa kama. Medyo hindi kasi maayos ang pagkakatupi ng mga yun. Nagmadali kasi akong maglagay ng damit sa maleta ko at medyo biglaan din ang desisyon kong tanggapin na hindi lang entertainer kundi personal maid na rin sa dorm nila.

"Ah, no. I mean, no need. I just want to ask kung okay ka lang. If you need anything, don't hesitate to ask me or the members. By the way, makatapos ka, pwedeng magkaroon tayo ng formal introduction later? Well, no need to hurry. Maybe after ng pag aayos mo dito at makapagpahinga ka." Malumanay magsalita si Suho. Mukhang matalino siya, mahiyain lang. Namumula kasi lagi ang mga pisngi niya. Or baka natural na yun sa kanya. Kakainggit ang complexion niya. Mala porcelana.

"Sure" matipid kong sagot at ngumiti. "Aayusin ko lang mga gamit ko at babasahin ko lang ang household policies then labas na ako. May enough ba kayong supply sa ref? Baka pwede ko kayong pagluto ng meryenda."

Napansin kong tulala na naman si Suho kaya napatawa ako. Ang cute niya. Para talaga siyang classmate ko sa first year high school. Yung tipong wala sa sarili pag kausap ang crush. Ngek! Hindi naman yata ako crush nito. Celebrity siya. Sanay akong maraming nanliligaw sakin pero siguro mga idol, wala sila sa listahan. Kadalasan mga tambay sa kanto namin ang dumidiskarte sakin. Meron din namang mga professional and once merong anak ng may ari nung pinagtrabahuan kong cafe.

"Ahhh...pasensiya ka na. May naisip lang ako. Pakicheck mo na lang and if there's something you want to get, sabihin mo lang sa kahit sino samin. Thanks ha. Maiwan muna kita dito. Feel at home." Kakamot kamot sa batok na tumalikod si Suho. Pumasok siya sa kwarto na halos katabi lang ng kwarto ko.

Di naman mahirap linisin tong bahay. Di naman siya kalakihan. May limang bedrooms. Siguro share ang iba sa rooms nila. Isinara ko na lang ulit ang pinto at pinagpatuloy ang pag aayos. Maya maya nakarinig ako ng parang may nagtatakbuhan sa labas. Sinilip ko kung ano ang nangyayari. Nakita kong nakikipag agawan si Sehun ng parang magazine kay Lay.

"Sige na, Lay hyung. Pahiram na ako. I thought, kay Baekhyun hyung tong mga to. Kapal ng mukha niyang ayaw magpahiram, yun pala di naman sa kanya" ani Sehun na pilit nilalayo kay Lay ang hawak.

Mas matangkad si Sehun kay Lay kaya nahirapan ang isa na abutin iyon sa kamay ni Sehun.

"Se, ibalik mo na yan. Secret lang namin ni Baekhyun yan eh. Mamaya kung saan saan mo ikakalat yan at makita ni manager noona, lagot tayo!" Sabi ni Lay na pinipilit lundagin at abutin ang magazine mula kay Sehun.

Ano kaya ang pinag aagawan ng dalawang to? Di man lang nila ako napansin. Naabot ni Lay ang kamay ni Sehun pero bigla naman siyang hinawakan ni Sehun sa magkabilang balikat at hinipan sa leeg. Natumba si Lay at parang kiliting kiliti sa ginawa ni Sehun.

"Haha! Gotcha!" sigaw ni Sehun at mabilis na pumasok sa kwarto ni Suho.

Roommates pala sila. Ano kaya yung magazine at gustong gusto niyang makuha. Nakita kong tumayo na si Lay at pailing iling na inayos ang sarili. Nagawi ang tingin niya sa kwarto ko at nanlaki ang mga yun nang makita niya akong nakasilip. Kitang kita ko ang pamumula niya. Bakit kaya?

"Er...naistorbo ka ba namin? Sorry ha. By the way, ako nga pala nag ayos ng room mo. Actually, kaming dalawa ni Chen. Kung hindi okay sayo, palitan mo na lang. Ideas ni Chen yang mga kurtina dyan. May kapatid kasi siyang babae. Sabi ko nga, mukhang pambata ang outcome. Pero sabi niya, every girl wants to feel like a princess inside their rooms daw" walang prenong sabi ni Lay. Nakakatuwa siya.

"Thanks ha. Nagustuhan ko. Favorite ko talaga ang purple" sabi ko at tuluyan nang binuksan ang pinto.

"S...sige...Ahmmm dun muna ako sa room namin ni Baek. Yung may mga unicorn stickers at pictures ng puting aso sa door, yun ang room namin. If you need anything, don't hesitate to knock." Nakangiti niyang sabi. Ang cute ng dimple niya.

"Salamat talaga. Don't worry, I will be a good housemate. Tsaka you did not disturb me. Medyo, hindi lang sanay na maraming kasama sa bahay. Now, I think I will get used to it." Nginitian ko rin siya. Pumasok na siya sa kwarto niya. Bumalik na rin ako sa pag aayos. Malinis naman na ang room ko. Pag aaralan ko na lang ang household policies.

-RULES AND REGULATIONS OT9 DORM-

1. Always keep the blinds down. Sasaeng fans stay outside and tries hard to see what is happening inside.

"Tsk, ang dilim palagi ng loob ng bahay. Kaya pala mukhang tindahan ng flourescent lamp ang dorm. May light pollution na yata dito". Naalala kong ni hindi mo nga malaman kung umuulan ba o mainit sa labas simula nang pumasok ako sa dorm. Nakababa lahat ng blinds at sarado ang mga bintana at pintuan.

2. Food preparation is not a must. When the boys are hungry, they cook or order food.

3. Always keep the silence inside the dorm. Sasaeng fans might use and publish whatever they hear from the outside.

"Ay grabe to. May ganito ba talagang ka obsessed na fans? Sabagay, nung panahon ng 1D at Jonas Brothers, grabe din naman ako makafangirl." Fan ako ng mga yun, kala nyo? Haha!

4. Taking out the garbage is done at midnight. Make sure no one can see you. Just leave it a few meters outside the door and someone will get it early in the morning. Do not go out until the dorm gate.

Natawa ako sa last rule.

5. No personal issues. No strings attached. Employees directly working for the boys, men or women should not have any personal attachment to them.

"Okay, ang dali lang naman pala" nangingiti kong sabi at inilapag na ang papel sa bedside table. Nap nga muna ako tutal 1pm pa lang naman.

----------------------------------------------

*hala ka Bree. Di mo alam na puro may hidden sungays yang mga kasama mo sa bahay. Sana makatagal ka kahit dalawang araw man lang. Good luck*

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now