THIRTY SEVEN

2.2K 26 0
                                    

*BAEKHYUN*

Palabas na ako ng dorm nang biglang dumating si Lay hyung. Nagkasalubong ang mga mata namin pero agad naman akong umiwas nang magsasalita sana siya. Hindi sa galit pa rin ako sa kanya, actually humupa na ang galit ko. Kaya lang, di ko pa sila kayang kausapin ni Kyungsoo kahit civil lang. Today, pupuntahan ko ang bahay ng kaibigan ni Bree. Sa wakas, nakuha ko rin ang address. Kinailangan ko pang maghire ng tao para doon.


"Baekhyun, may schedule tayo today" sabi ni Lay hyung before ako nakalabas ng gate.


"I've done my part. Sabi ni noona, pwede na akong umalis" sagot ko at sumakay na ng kotse ko.


Medyo excited na kinakabahan ako. Malakas ang kutob ko na may makukuha akong balita about Bree today.


Nang makarating ako sa apartment na nasa adress, hindi lang pala balita ang makukuha ko. Nakita ko si Bree na lumabas ng gate. Kahit na natatakpan ng cap ang mukha niya at naka sunglasses siya, kilalang kilala ko siya. Pero bakit parang kapareho samin ang ayos niya pag lumalabas? Halatang may pinagtataguan.


Bumaba ako ng kotse pero hindi niya ako napansin. Parang nagmamadali siyang kunin ang kung ano sa bag niya nang mahulog ang ilan sa mga laman nito. Isang bagay ang nakatawag ng pansin ko.


"Pregnancy test kit?" pabulong ang pagkakasabi ko pero biglang napalingon siya sakin.


Napaawang ang mga labi niya at mukhang takot na takot siya. Nanginig pa ang mga kamay niya nang pilit niyang ipasok ang mga nalaglag na gamit na pinulot niya.


"Bree!" tawag ko sa kanya nang dali dali siyang umalis.


"Wala tayong pag uusapan Baekhyun. Hindi akin yung kit" sabi niya.


"Wala naman akong tinatanong Bree. Masaya lang ako na makita ka ulit. Kumusta ka na?" sabi ko habang sinusundan siya.


"Busy ako Baekhyun. Baka may makakita sayo dito. Ayoko ng gulo. Please wag ka na ulit pumunta dito" taboy niya sakin. Nagpara siya ng taxi. Di na ako nagdalawang isip at sumakay rin.


"Ano'ng ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tanong.


"San po tayo, Maam?" tanong ng taxi driver.


"General hospital ho" sagot niya.


"Hospital? Bakit? Check up mo today?" sunod sunod na tanong ko. Ang totoo, nahulaan ko na kanina kung saan ang punta niya at nakita ko ang notebook na hawak hawak niya na may nakasulat na pangalan ng hospital. Personal record niya siguro. Malakas ang kutob kong sa ob-gyne siya pupunta.


"Please, lubayan mo na ako at busy ako today. Wala naman tayong dapat pag usapan. Kung ano man ang mga nangyayari sakin ngayon, ako na to. Wala ka na rito kaya please, nakikiusap ako. Ayoko ng magulo. Gusto ko ng tahimik na buhay" mahina ang boses na sabi niya pero may diin. Ayaw niyang ipahalata sa driver na nag aaway kami or may hindi pagkakaintindihan.

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now