THIRTY TWO

2.7K 33 1
                                    

*THIRD PERSON*

"What?! Tinikman mo silang lahat?!" Nanlalaki ang mga mata ni Aya habang kinukwento ni Bree ang mga nangyari sa dorm. Nagising si Bree ng alas 4 ng umaga. Actually, hindi naman siya nakatulog. Si Aya naman, naabutan niyang nanunuod ng TV sa sala. Home shopping program na lang ang available na palabas maliban sa cable channels. Nagbibenta ng vibrators yung program ngayon. Huta neto ni Aya.


"Sira! Lahat agad? Di ba pwedeng yung lima lang?" Inis na sagot ni Bree. Kahit kelan hindi siya makapagkwento ng kompleto kasi si Aya yung tipong sabat ng sabat kapag may kinukwento ka.


"Eh panu yan? Baka hanapin ka nila" bumalik ulit sa pagkakalaki ang mga mata ni Aya ng maalala na baka magkaproblema sila dahil sa ginawa ni Bree.


"Hindi. Wala naman akong utang sa kanila. Binayaran nga ni Kyungsoo yung utang ko sa bangko pero di ko naman kinuha sweldo ko. Kung gusto niya akong singilin, kunin niya na lang sweldo ko. Quits na kami. Pero di ko naman alam kung magkano talaga sweldo ko eh. Tsaka tatlong araw na lang din naman ang natitira. Kaya na nila yun. Wala naman silang gaanong kalat at pagkain lang naman nila ang inihahanda ko. Andun naman si Kyungsoo. Siya lagi nagluluto pagka busy ako." Malungkot na saad ni Bree.


"Naku Bree, sigurado ka dyan ha. Baka mamaya may maghanap sayo dito, naku! Pero dahil bestfriend kita, siyempre suportado kita sa naging desisyon mo. Di ko naman kilala ang OT9 na yan. Gwapo nga sila at talented, tao pa rin naman pala sila na mahilig sa ano." Ang totoo, naiinis si Aya. Ayaw niya lang na sabihin kay Bree. Para ano pa at nakauwi naman ng maayos ang kaibigan.


"From tomorrow, bibisitahin ko na yung bahay. Yung naipon kong pera, gagamitin kong pang renovate. Gawin nating vacation house pag wala tayong trabaho. Tapos paparent ko para naman mapagkakitaan. Yung kabilang part lang. Para magamit natin yung kabila pag andun tayo. Ano? Maganda bang idea yun?" Nakangiting saad ni Bree. Mukha siyang zombie ngayon pero nakakahinga na siya ng maluwag. Ayaw na niyang alalahanin ang iniwan niyang dorm. Simula ngayon, tuturing niya na lang na part yun ng past jobs niya. Nothing special. No Lay. No Kyungsoo. No Baekhyun. No OT9.


"Oo naman. Para saan pa at maraming beaches at tourist areas doon? Malamang maraming magkakagustong magrent nung bahay mo at nasa mismong tourist spot siya. Isa pa, kakaunti na lang ang Spanish style houses sa probinsiya nyo. Moderno na ang karamihan. Kaya magiging attractive siya para sa turista, especially." Tumayo na si Aya para pumasok sa kwarto niya. Nakaramdam na siya ng antok. Kung kelan mag aalas syete na. Sabado ngayong araw kaya wala siyang pasok sa school at sa gabi pa ang part time work niya.


Napabuntong hininga si Bree bago pumasok sa sarili niyang kwarto.


"Today is the start of my new life. Thank you for everything OT9. From here, you are just merely memories. Good and bad ones." Nakangiting sabi ni Bree bago tuluyang humiga sa kama at maya maya pa ay nakatulog na siya.

-----

*OT9 DORM* -THIRD PERSON-

"Tigilan nyo yan, ano ba?!" sigaw ni Xiumin at pilit pinaghihiwalay sina Baekhyun at Kyungsoo.


"Eh yang si Baekhyun, bigla bigla na lang nanununtok. Di ko alam problema nyan eh. Siya ang pagsabihan mo. Alangan namang papasuntok lang ako sa kanya" sigaw ni Kyungsoo na nagpupumilit alisin ang katawan sa pagkakayapos nina Suho at Lay.


"I don't know what you did to her, yet. But once I found out, mananagot kayo sakin!" Banta ni Baekhyun at akmang susugurin ulit si Kyungsoo pero napipigilan siya nina Chen at Chanyeol.


Ang mga bunso naman ay nakanganga lang habang tinitingnan ang mga nakakatanda na nag aaway ng dahil kay Bree. Di alam kung sino ang kakampihan. Witness lang naman sila sa love making nina Baek at Bree pero di pa nila sinasabi kahit kanino sa mga nakakatanda.


Bakit nga ba nagagalit ng ganun si Baekhyun?


*FLASHBACK*

"Kyungsoo! Lay! Wag! Please, itigil nyo na! Masakit! Ayoko na!" sigaw ni Bree habang madiing nakapikit ang mga mata at pawis na pawis. Nagising si Baekhyun nang dahil dun.


"Bree...Bree...what's going on?!" tinapik tapik niya ang pisngi ni Bree. Nagising ito at biglang yumakap kay Baekhyun.


"Hindi ko alam basta may ginawa sila sakin. Di ko maalala nang maayos pero ang alam ko, ayaw ko. Pinwersa nila ako. Masakit. Yun lang ang alam kong naramdaman ko. Di ko alam Baekhyun" umiiyak na sabi ni Bree. Nanginginig siya. Ibinalot siya ni Baekhyun sa kumot at pinahid ang mga butil ng malamig na pawis sa noo niya.


"It's okay. I'm here. I won't let them touch you anymore. Hush now. Go back to sleep. Let's settle this once and for all tomorrow." Pag aalo ni Baekhyun sa kanya pero di sumagot si Bree.


Nananaginip lang yata siya. Inihiga na siya pabalik ni Baekhyun. Maya maya pa nakatulog na siya ulit ngunit pag gising niya makalipas ang halos apat na oras ay wala na si Bree sa kama nito. Agad siyang kinabahan kaya chineck niya ang mga gamit nito at tama ang kutob niyang umalis na nga ito sa bahay.

*END OF FLASHBACK*

-

"Eh di mo naman pala alam ang nangyari bakit ba nag ieskandalo ka kaagad?" inis na sabi ni Chen nang nakatipon na sila sa sala. Nagtititigan pa rin ng masama sina Baekhyun at Kyungsoo. Si Lay naman tahimik lang na nakikinig at wala man lang sinasabi.


"Ano, Lay? Ano to? Tatahimik ka na lang? Ano ba talaga ang ginawa nyo kay Bree? Bakit siya aalis? At teka Baekhyun, bakit nasa kwarto ka ni Bree?" Biglang alala ni Suho.


"I took care of her. She was sick." Sagot ni Baekhyun.


Napaubo bigla si Sehun. Dahilan para hampasin siya ni Kai.


Sinabihan siya ni Kai kanina na mananahimik lang silang dalawa at wag nang sumali sa pagkakagulo at baka lalo lang makakasama. Kung may relasyon man sina Baek at Bree nasa kanila na yun. Ang importante, malaman kung bakit umalis si Bree at bakit galit na galit si Baek kina Lay at Kyungsoo.


"I don't want to say anything. Besides, I think she's just making up stories. Baekhyun is just trying to cover things up. Isn't he the one in Bree's room? So tell us Baekhyun, what did you do to her?" Nakasmirk na sabi ni Lay.


Nainis ulit si Baekhyun at akmang susugurin si Lay pero mabilis na napigilan siya ni Chanyeol.


Kanina pa nasa dillema si Chanyeol. Habang nangyayari ang lahat ng iyon, nag iisip siya kung kailangan na ba nyang makisali sa usapan o mananahimik na lang at kausapin sina Baek at Kyung para pag ayusin? Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Maghahanap muna siya ng kakampi. Mukhang may alam ang mga maknaes eh. Kanina pa niya napapansin, they were exchanging glances like they know something about what's going on.

----

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now