FORTY FIVE

1.9K 22 2
                                    

"Kyung, you don't need to buy all these stuff. Nakapamili na si Lay the other day ah. Di ba nga at nandito ka naman that time?" saway ni Aya kay Kyungsoo nang dumating ito na may bitbit na grocery bags.


"Eh para naman sa inyo yan ni Bree. Where is she?" pinalibot ni Kyungsoo ang tingin sa buong bahay.


"Naliligo yata. Sa kwarto mo na lang hintayin. Alam mo naman yun, ginagawang relaxation time ang paligo" natatawang sagot ni Aya.


Napaisip si Kyungsoo kung papasok nga ba sa kwarto o hihintayin na lang sa sala si Bree. He never invaded Bree's privacy kahit pa pinapayagan siya nitong maging at home sa apartment nila. Pasalamat nga siya at hindi siya kinamuhian ni Bree after everything that happened. Sabi ni Bree wala siyang kasalanan at higit sa lahat, siya ang biktima sa kasinungalingan ni Baekhyun.


"Kyungsoo, nandito ka pala" bungad ni Lay nang makapasok ng bahay.


Pareho sila ni Lay. Ginawa na nilang tambayan ang apartment nina Bree. Nagkakamabutihan nga sila ni Aya eh kaso parehong di nila type ang isa't isa in a romantic way. Good friends lang daw sila.


"Hyung! Ahmmm, pinamili ko ng groceries sila Bree. Naliligo pa daw siya, antayin na natin" aya ni Kyungsoo kay Lay at naupo sa sofa.


Napangiti naman si Aya nang makitang nakaupo ang dalawa at tahimik na naghihintay kay Bree. Kung di mo sila kilala, iisipin mong manliligaw sila ni Bree na naghihintay kung kelan niya kakausapin. Pero mabait si Lay. Mapagparaya. Si Kyungsoo naman, maingat sa relasyon. Kahit pa may pagkamanyak sila, di naman nila nakakalimutang magpakatao.


Nang lumabas si Bree, napangiti siya nang makitang nakapikit si Kyungsoo at si Lay naman ay mukhang naaliw sa pagbabasa ng mythical books na nasa coffee table. Nilapitan niya ang dalawa. Magsasalita sana si Lay nang mapansing sumenyas si Bree na wag siyang maingay at nakatulog si Kyungsoo. Umupo si Bree sa tabi ni Kyungsoo at tumayo naman si Lay at nagpaalam. Gusto niyang bigyan ng privacy ang dalawa.


"Kyungie, wag ka dito matulog. Dun ka sa kwarto, sasakit ang leeg mo" marahang tapik ni Bree sa pisngi ni Kyungsoo.


Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Kyungsoo at agad napamulat nang marinig ang boses ni Bree at maramdaman ang kamay nito. Malamig iyon dahil nga kakapaligo niya lang.


"Bree, sorry nakaidlip ako. Hindi, ayokong matulog. Ahmmm...pinamili lang kita ng groceries kasi kanina namili rin kami ng para sa dorm kaya yun isinama ko na rin pati yung para dito" nakangiti ng malapad na sabi ni Kyungsoo. Napalunok siya nang makitang basa pa ang buhok ni Bree at nakasimpleng manipis na T-shirt lang ito. Halatang wala itong bra.


"Ganun ba? Eh kakapamili lang ni Lay nung makalawa eh. Ginawa niyo nang sari sari store itong apartment. Kumain ka na ba? Mukhang pagod ka" malambing na sabi ni Bree. Napansin niyang ilang beses nang napapalunok si Kyungsoo habang nakatingin sa bandang dibdib niya. Tsaka niya lang naalala na hindi siya nakabra. Namula tuloy siya.


"Sorry, di ko sinasadya" nakayukong sabi ni Kyungsoo nang mapansing sinundan ni Bree kung saan nakatuon ang mga mata niya.


"Okay lang. Kasalanan ko. Hindi ko alam na andito ka. Pero ano pa naman ba ang maitatago ko sayo. Nagkababy na nga tayo eh" biglang lumungkot ang mukha ni Bree nang mabanggit ang nawalang anak.


"Eh di gawa ulit tayo". Napatakip naman agad sa bibig si Kyungsoo nang marealize ang sinabi.


"Kyungsoo, mahal mo ba ako?" nakangiting tanong ni Bree.


"Oo naman. Pasensiya ka na sa mga nangyari. Alam kong masakit sayo ang lahat. Nagtiwala ako kay Baekhyun. Di ko akalaing magagawa niya yun" may galit sa boses na sagot ni Kyungsoo.


"Hindi naman ako galit sa kanya Kyung. Ang totoo nagpapasalamat ako na inalagaan niya ako that time. Pero yun nga, kasalanan ko, namin na nawala ang anak natin. Isa sa rason kung bakit namatay ang bata kasi sa stress at tsaka nagpagalaw ako sa kanya kahit malaki na ang tyan ko" pag amin ni Bree.


Nagulat naman si Kyungsoo pero pinilit niya na lang na ibalewala iyon total nangyari na naman ang lahat. Di na maibabalik kaya itatama niya na lang.


"Eh si Lay hyung, ano siya sayo?" tanong ni Kyungsoo na biglang nagpaangat sa tingin ni Bree.


"Ano'ng ibig mong sabihin, Kyung? Magkaibigan kami ni Lay. Wala naman siyang ipinakitang pangit simula nung pumunta siya dito".


"Alam mo na. Baka may feelings siya sayo. Bakit siya mag ieffort na magpabalik balik dito kung talagang magkaibigan lang kayo".


"Nagsiselos ka yata kay Lay, Kyung. Kung gusto mo tanungin mo siya kung ano ang purpose niya sa mga ginagawa niya kasi ako wala naman akong ibang napapansin sa kanya" medyo nainis na sagot ni Bree.


"Kalimutan mo na ang sinabi ko. Pasensiya na. Wala naman akong karapatan na magselos or diktahan ka. Kagaya ni Lay hyung, magkaibigan lang din naman tayo" malungkot na saad ni Kyungsoo.


"Sinabi mo lang naman na mahal mo ko, wala namang panliligaw or moves galing sayo. Torpe ka na nga slow ka pa. Halika nga dito" malambing na niyakap ni Bree si Kyungsoo.


Siniksik naman ni Kyungsoo ang ulo sa leeg ni Bree.


"Ang bango mo naman. Pero Bree, kay Baekhyun hyung, may nararamdaman ka pa rin ba? Di ba mahal mo siya?"


"Ano ka ba Kyung? Bakit ganyan ang mga tanong mo? Binibaby kita ngayon pero ibang tao iniisip mo. Past na si Baekhyun. Ikakasal na nga siya di ba?" Hindi maiwasan ni Bree na makaramdam ng konting kirot sa puso nang sinabi niya yun. Ginagawa niya lang bang panakip butas si Kyungsoo para kalimutan ang feelings niya for Baekhyun?

*


Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now