FORTY SIX

1.9K 16 0
                                    

BAEKHYUN'S WEDDING


"Hyung, ikaw lang yata ang ikinakasal na halos malukot na ang mukha.  Kasal mo na oh! Dapat masaya ka" ani Chen nang mapansing tahimik na nakaupo lang si Baekhyun habang inaayusan ng makeup artist nila.


"Chen, alam mo kung bakit ako ganito. Natatakot ako!" mahinang sagot ni Baekhyun.


"Hyung, sinasabi ko sayo, ilang minuto na lang susumpa ka na dun sa harap ng altar, tsaka ka pa magsasalita nang ganyan? Ito na yun. Minsan lang sa buhay ng tao nangyayari to. Ngayon ka pa ba mag aalinlangan?" inis na sagot ni Chen.


Flashback*

"Hyung" untag ni Baekhyun sa nagbabasang si Suho.


"Oh ano yun?" sagot ni Suho na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Baekhyun. Nagbabasa siya ng isa sa mga manga niya.


"Pwede ko ba kayong makausap? I mean, pwede ba tayong magmeeting sandali? May gusto lang akong sabihin sa lahat" kabadong tanong ni Baekhyun.


"Pero wala si Kyungsoo at si Lay. Di ko alam kung saan pumupunta ang dalawang yun pag free time nila. Parang may tinatagong pamilya kung makapag grocery. Last time si Kyungsoo namili pa ng mga vitamins, wala naman dito sa medicine cabinet" reklamo ni Suho.


Lately napapansin niyang panay ang alis ni Kyungsoo pag walang schedule. Kadalasan magkasama sila ni Lay, naggogrocery pero wala namang dala pag uwi sa dorm.


"Baka pwede nating tanungin mamaya" sagot ni Baekhyun pero at the back of his mind, nagdududa na siya. Maaari kayang nagkita na sina Kyungsoo at Bree. Malakas ang kutob at kaba niya. Baka doon si Kyungsoo pumupunta dahil last time he checked the receipt that he saw in the bin, may mga vitamins para sa babae. O baka may bagong girlfriend si Kyungsoo? Si Lay din naman panay ang alis at grocery. May charity works ba silang dalawa?


Aalis na sana si Baekhyun para bumalik ng kwarto nang bumukas ang pinto at pumasok ang malapad ang ngiti na si Kyungsoo pero agad din namang nawala nang makita si Baekhyun.


Agad namang bumukas ulit ang pinto matapos isara ni Kyungsoo at pumasok si Lay na nakangiti rin.


"Ano'ng meron at masaya kayong dalawa?" takang tanong ni Suho sa mga dumating.


"Bakite hyung? Di pwedeng maging masaya? Di ba pwedeng ngumiti kasi sa wakas, okay na kami ng mahal ko?" sagot ni Kyungsoo.


"Mahal mo?" takang tanong ni Baekhyun.


"Oo, mahal ko. Yung mahal ko na inagaw mo. Yung itinago mo kasi madamot ka. Pinalagpas ko na kaya lang sobra na hyung. May respeto pa ako sayo kaya hahayaan na lang kita" may diin sa bawat salitang binitawan ni Kyungsoo.


"Okay, wait. Soo, wag na nating pag usapan to dito. Ikakasal na rin lang naman si Baekhyun, di ba? Okay na kayo ni Bree, yan ang importante" sabad ni Lay sa usapan. Ayaw nyang mag away na naman ang dalawa.


"Bakit, sinabi ba ni Bree sayo na mahal ka rin niya? Ako ang mahal niya" pagmamatigas ni Baekhyun.


"Talaga? Parang gusto kong pumalakpak sa confidence mo, hyung. Pero sige, kung mahal ka niya, bakit ka magpapakasal sa iba? Bakit mo siya sasaktan? Para ano? Paaasahin mo na naman? May hindi ka pa alam. At baka pag nalaman mo, tuluyan ka nang lalayo sa kanya kasi ikaw lang naman ang dahilan ng lahat ng paghihirap niya!" Nawalan na ng control si Kyungsoo at tuluyan ng nagalit.


"Ano ang hindi ko alam, Soo?" Lumapit si Baekhyun kay Kyungsoo at nakipagtagisan ng tingin dito.


"Yung anak ko, yung ANAK ko na inako mo. Well, wala na siya. Nakamove on na si Bree at ngayon, ginagawa ko ang lahat para maibangon siya kaya wag na wag ka nang magpakita ng pagmumukha mo sa kanya, maliwanag?" Agad na umalis si Kyungsoo sa sala.


Naiwan si Lay na kinakamot ang ulo dahil hindi niya inaasahang sa mismong oras na iyon mabubunyag ang lahat. Si Suho na walang kaalam alam sa nangyayari ay nakatulala at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Si Baekhyun, dahil sa narinig sa nangyari sa baby ni Bree ay nanghihinang napaupo sa sofa. Walang nagsalita hanggang sa binasag ni Lay ang katahimikan.


"Ngayon Baekhyun, pag isipan mong mabuti ang lahat. Kakausapin ko si Bree tungkol dito. Sige." Yun lang at umalis na si Lay para sundan si Kyungsoo.


End of flashback


Palakad lakad sa sala ng apartment nila si Aya. Kinakabahan ngunit excited na siya. For sure si Bree rin.


"Kyungsoo, ano tapos na ba?" pang anim na beses niya nang tanong kay Kyungsoo.


"Ay grabe ka Aya, nahihilo na talaga ako sayo. Tsaka maging patient ka nga. Ako rin excited na eh." Iginiya ni Kyungsoo si Aya sa malapit na upuan at pinaupo.


Natatawa tuloy si Lay sa dalawa. Kanina pa kasi sila hindi mapakali. Nang bumukas ang pintuan, napanganga na lang silang lahat.

*


A/N

Yiiiiieeeee kinikilig ako!

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now