THREE

10.1K 73 2
                                    

"What is this all about Baekhyun? Ano ba'ng mali dun sa babae? She was sent her to do her job. At least show some respect!"

Ngayon pa lang inilabas ni Suho ang kaninang tinitimping inis sa mga ka members. Nasa living room sila ng resting dorm.

"What the heck did I do? I wasn't entertained so I left!" Halatang inis si Baekhyun. Bakit siya lang ang pinagsasabihan eh si Kyungsoo nga ganun din naman.

"You are acting strange these days. Ano'ng problema mo? Lahat na lang may reklamo ka." Sabat ni Lay. Wala nang sinasanto si Baekhyun. Pati yung assistant manager nila kanina tinalikuran niya nung sinasabi sa kanya ang extra activities for the holidays nila. Kahit pa naka bakasyon, inaasahan silang magrespond once na kailangan sila sa office.

"What are you talking about, Lay? Tahimik lang ako palagi. You always are the ones who decide for things. It's just that, kahit konti man lang, nagtanong ba kayo kung ganitong bakasyon ang gusto ko? Namin? Bakasyon ba to?"

So...yung nga. Nung isang araw, nang malaman nilang hindi sila pwede mag abroad or mag individual trip, na bad trip na si Baekhyun. Kawawa naman si Bree, pati siya tinamaan ng inis ng isang to.

"We weren't the ones who decided this" maikling sagot ni Xiumin.

"Then who? The director? For Pete's sake, nagpromise sila. Last year, wala tayong bakasyon. This time ganito ulit? Ano ba to? These things really make me feel like quitting!" padabog na naupo si Baekhyun. Binalibig niya ang upuan na katabi ng upuan niya na kanina at inuupuan ni Suho.

"I did my best to appeal" malungkot na sabat ni Suho.

"As if ikaw lang ang apektado dito Baekhyun. Makapagsalita ka, kami pwedeng umalis para magbakasyon" may bakas ng lungkot at galit sa tono ni Chen. Naririndi na rin siya sa kakareklamo ni Baekhyun simula pa nung isang araw.

"That's the point! Suho, Xiumin and Lay...you all knew that we needed a break! How can you not insist on it? Ano, mapapako na naman ang pangako? Ano'ng sinabi? Next year na lang? F*ck!"

Napatayo si Suho sa upuan.

"Baekhyun please. You should at least understand our side! Hindi ganun kadali makiusap sa director about this thing. Mabuti nga may two weeks tayo eh. Bakit ka ba ganyan? Ni hindi nga nagrireklamo si Kyungsoo. Sa dami ng projects niya ngayon, kahit nasa bakasyon, he's using some spare time to film his dramas and movies para lang hindi matengga." Iritang irita na si Suho. Gusto niya nang sigawan at suntukin si Baekhyun. Nagtitimpi lang talaga siya at baka maudlot pa ang bakasyon nila kung magkakagulo sila.

"Oh eh di siya na! Palakpakan!" Pang inis ni Baekhyun.

"Baekhyun ano ba? Tama na nga yan! Kung talagang gusto mong lumabas, go ahead!" Taboy ni Chanyeol sa kanya.

"Talagang lalabas ako!" tumayo si Baekhyun at akma nang lalabas nang may kumatok sa pinto.

Binuksan niya ito at nagulat siya nang makitang nanduon si Bree kasama ang assistant manager nila.

"Ahmmmm...nga pala...di kayo pwedeng umalis dito. Since, Bree was hired as a temporary worker sa company...well as entertainer, too if you needed someone to ease your boredom, the director also said she will be the temporary assistant manager kasi I will be sent abroad for some errands sa sister company. She can cook well. There's only one thing...she will live her temporarily. But...hands off her, okay?"

Nakayuko lang si Bree. Tiningnan siya ni Baekhyun mula ulo hanggang paa.

"Maganda pala siya" sabi ni Baekhyun sa sarili.

Lito ang siyam sa sinabi ng assistant manager. Nakamasid lang sila habang inihahatid ng assistant manager nila si Bree sa magiging kwarto nito. Si Baekhyun, hindi na naituloy ang pag alis at mukhang dismayadong bumalik sa upuan. Si Chanyeol at Lay sinamahan ang assistant manager na itour si Bree sa loob ng bahay.

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now