FIVE

7.7K 85 3
                                    

*Uy nag aantay sila ng SPG. Wala pa. Pero malapit na huahua! Excited ka noh? Byuntae!*

---------

BREE

Nasa dining table kami ngayon. Good for 10 people ang dining table. Sakto lang pala talaga saming lahat. Napag alaman kong meron silang dating personal house manager kaya lang tumigil na ito. May edad na. Di nila alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis. Wala naman daw sinasabi ang siyam tungkol dito. Pag tinatanong, ang iba magtataas lang ng balikat at ang iba naman magtitinginan ng makahulugan. Ipinagluto ko sila ng meryenda. Feel na feel ko na ang simula ng trabaho ko. Entertainer plus housemaid ng mga gwapong lalaki. Saan ka pa? Pero hindi naman daw ako housemaid. Personal house manager ang tawag sakin. Ganun pa rin yun.

"Bree, come sit and eat with us. Bakit nakatayo ka lang dyan?"

Napatigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni Xiumin.

"Ah...thanks" sagot ko at umupo sa tabi ni Sehun. Katapat ng upuan niya ay si Lay.

Napatingin agad ako sa kanya. Nagsmile siya. Ayan na naman ang dimpled smile niya. Palagay ko may crush ako sa kanya. Napapangiti ako tuwing ngumingiti siya sakin.

Tumikhim si Chen at nagawi ang tingin ko sa kanya. Nakita kong sinusundot niya sa tagiliran si Lay dahilan para tumawa ito ng mahina at pinipilit pigilan ang kamay ni Chen. Nakikiliti siya.

"Thanks sa snacks Bree."

Automatic na napalingon ako kay Suho. Napapagitnaan nila ako ni Sehun.

"Naku, wala yun. Sana magustuhan nyo ang mga luto ko." Ibinalik ko ang tingin ko kay Lay. Naramdaman ko kasing tumama ang paa niya sa paa ko sa ilalim ng mesa.

"So, katulad nga ng sinabi ko earlier, magkakaroon tayo ng formal introduction para naman at least kilala mo pangalan namin kung two weeks kang magwowork dito sa bahay."

Actually, two weeks ang napagkasunduan na trabaho sa dorm nila pero ang sabi sakin nung manager na baka may available slot sa office after ng trabaho ko dito so malamang may work pa rin ako sa company if ever. Sana nga. Mahirap maghanap ng trabaho lalo na sa katulad kong fresh graduate. Stepping stones kumbaga.

"So, I'll start. My name is Kim Joonmyeon but since I am the leader of the group, I got the name "Suho" which means "guardian" to justify my position." Nakipagkamay ulit si Suho sakin. Ang lambot ng kamay niya. Pinisil niya ng konti ang kamay ko ang ngumiti. Syete lang. Naiinsecure ako sa ganda ng kutis niya.

"Three seconds shake hands."

Nagulat ako at napabitaw sa kamay ni Suho nang biglang magsalita si Sehun. Ano daw?

"Professionally, three seconds lang dapat makipagkamay sa isang tao, newly met or as a greeting. Tsaka, you were staring at each other like you're gonna kiss anytime."

Nanlamig ako sa sinabi ni Sehun. Di ko napag aralan yun ah.

"Then since ako na ang nagsalita ngayon lang, ako na rin ang susunod. I'm Oh Sehun, the group's maknae. As the youngest, hyungs are always nice to me. Sabi nila cute daw ako. Which is di ko naman itatanggi. Pero sa tingin ko talaga, hot ako. Ano sa tingin mo?"

Nagulat ako nang pumihit siya paharap sakin at itaas ang shirt niya. Napatakip ako sa bibig ko. Ano ba tong ginagawa nang isang to? Live show?

"Oist! Oh Sehun, di lahat ng babae mahilig sa flat na tyan!"

"Pffft! Palibhasa kasi Chanyeol hyung, nasobrahan ka sa kakakain ng saging. Yan tuloy, may guns ka nga, puno naman ng bullets yang tyan mo!"

Nakita kong namula ang tenga ni Chanyeol dahil sa joke ni Sehun. Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa.

Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now