TWO

12.3K 59 2
                                    

Flashback:

*Saturday last week...five days ago*

"Miss Rodriguez, I would like to inform you earlier pero wala ka dito sa bahay nyo" simula ni Attorney Palermo.

Napalunok si Bree. Mukhang alam niya na ang sinadya ng abogado sa apartment niya.

"Sorry po, Attorney Palermo kung nasayang ang oras nyo sa pabalik balik dito sa bahay. Panu po kasi may sinalihan po akong pageant sa kabilang bayan. Eh wala din po dito yung housemate ko kasi po may outreach program po sila kaya po sarado tong apartment ng tatlong araw." Kahit pa naitext niya na sa abugado ang dahilan kung bakit wala siya nitong mga nakaraang araw, nagpaliwanag pa rin siya.

"Alam ko naman yun Miss Rodriguez. Nag alala nga ako baka kako magahol ka na sa oras. Alam mo namang medyo malapit na ang deadline ng promissory note mo sa bangko tungkol nga sa bahay nyo. Alam mo namang sinubukan ko nang iextend kaso may sinusunod tayong proseso. Alam mo naman ang bangko, wala silang pakialam kung saan pupulutin ang nakatira sa bahay at pag iriremata na, talagang kukunin nila." Uminom ng hinaing juice si Attorney Palermo. Halatang nanghihinayang din siya kaya lang wala naman siyang magawa pang ibang tulong para kay Bree.

Anak si Bree ng yumao niyang kaibigan. Para na lamang sana sa pinagsamahan nila, gusto nyang tulungan siya pero gahol din naman siya sa sariling pangangailangan ng pamilya.

"Alam ko po. Naiintindihan ko po kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng tulong nyo. Di bale po maghahanap ako ng last minute ways para naman kahit papano maextend ng konti ang maturity date" wala sa sariling sabi ni Bree. Sa totoo wala naman siyang naiisip na paraan para kumita ng malaking pera sa maikling panahon. Kahit sampung beses pa siyang manalo sa pageants or singing contests pwera na lang kung The Voice at milyon agad ang kita.

Matapos maipakita sa kanya ang mga dokumento ng bahay nila sa probinsiya, agad namang umalis ang abogado. Naiwang nakapalumbaba si Bree sa center table habang nakasalampak sa carpet. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto.

"Bree!" tili ng kaibigan at kinakapatid niyang si Aya. Excited itong tumabi sa kanya. Marami itong bitbit na plastic bags ng groceries at may mga paper bags din. Inilapag nito ang mga yun sa center table at ipinihit ang kaibigan paharap sa kanya. Tumulis na ang nguso ni Bree sa pagkakaipit ng mukha niya sa mga kamay ni Aya.

"Oh ono bo?" tanong ni Bree. Agad naman siyang binitawan ni Aya para umayos ang pagsasalita niya.

"Eh kasi sis, may nahanap akong raket para sayo!" patili ang pagkakasabi ni Aya pero naintindihan naman ni Bree. Sanay na siya sa style ng pananalita nito. Laging excited.

"Talaga sis?! Singing contest ba o pageant?" excited ding tanong ni Bree.

"Hindi" nakangiting sagot ni Aya.

"Ha?" takang tanong ni Bree. "Ayokong mag sales girl. Tsaka ayoko ko ulit magbaby sit." Ilan lang yun sa mga raket na ibinigay dati si Aya sa kanya. Tumigil siya ng isang taon bago siya grumaduate two years ago sa kursong Business Administration at naghanap ng mga part time jobs para makapag ipon ulit hanggang matapos ang last semester ng course niya.

"Hindi ganun sis. Madali lang to. Sabi nung friend kong manager ng isang idol group, magbabakasyon sila ng two weeks at naghahanap sila ng entertainer. Hindi yung "entertainer" na katulad dun sa dating kapitbahay nating nag Japan ha. Sabi niya, may mini bar daw sila sa dorm nila. Kakanta ka daw dun or tutugtog ng piano or gitara. Di ba, marunong ka? Magaling ka? Magbabayad daw sila at ikaw ang bahalang magpresyo. Titest ka daw nila muna bago ka maging entertainer ng group kaya galingan mo ha. Audition yun kumbaga." Tuwang tuwang nagpaliwanag si Aya sa kinakapatid.

"Sigurado kang ganun ang hinahanap nila? Sino namang idol group yun? Wala akong ka alam alam sa mga ganyan. Mga lumang songs naman alam kong tugtugin." Halatang walang confidence si Bree pagdating sa talents niya. Ang akala lang niya, napapakinabangan niya ang ganda niya at ang pagkamestisa niya sa pageants.

Half Spanish si Bree. Chinese-Korean ang mama niya. Namatay ang mama niya sa sakit na ulcer nung maliit pa siya. Mayaman sila dati. Ang papa pa nga niya ang tumulong kay Attorney Palermo na makatapos ng college. Walang anak sina Attorney Palermo kaya nung mamatay ang papa ni Bree dahil sa isang aksidente sa eroplano, inalagaan niya at sinuportahan si Bree kaya lang nung mag asawa at magkaanak ng sakitin si Attorney Palermo, nahiya nang makitira si Bree sa kanila at nag part time job sabay sa pag aaral ang dalaga. May pera namang naiwan ang mga magulang niya pero ayaw niyang galawin iyon. Hindi rin naman iyon sapat para sa pangtubos ng bahay nila.

"Eh kahit pa sis. There's no harm in trying di ba? Tsaka sayang naman yung kikitain mo if ever. Dagdag na yun sa pangtubos ng bahay mo. Magkano pa ba kulang dun sa ipon mo? Eh kung sa ako lang, hahayaan ko na yang bahay. Pwede naman tayong magtayo ng bahay in the future. Atin naman tong apartment." Matagal nang kinukumbinsi ni Aya si Bree na hayaan na lang na kunin ng bangko ang bahay nila. Si Aya naman ang may ari ng apartment na tinitirhan nila. Libre ang stay ni Bree doon. Siya ang bumibili ng supplies nila pag may extra siya. Di naman siya nauubusan ng raket.

"Alam mo naman kung bakit di ba? Yun na lang ang naiwan ng mama at papa sakin." Malungkot na sagot ni Bree.

"Naiintindihan kita sis. Kaya ko nga ginagawa to di ba? Gusto ko talagang makatulong. Panu na lang kung mag aasawa na ako, mag isa ka na lang. Ayaw mo bang mag asawa?" tanong ni Aya.

Nanlaki ang mga mata ni Bree. "Lokarit! 22 pa lang tayo! Anong pag aasawa ang pinagsasabi mo? Siguro ten years pa bago ako mag asawa."

Natawa naman si Aya. "Ang tanda na natin niyan sis. Pwedeng tumawad ng 5 years? 27...hanggang dun lang."

"Sabagay, okay naman ang 27. Siguro stable na tayo nun. Sana lang makahanap na ako ng matinong trabaho bago ako mag 25. Tsaka hanap muna tayo ng boy friend. Panu tayo mag aasawa kung bf nga wala tayo?"

Nagtawanan na lang ang magkaibigan. Sa loob ng mahabang panahon na nagkasama sila, lagi silang magkaramay sa lahat ng problema. Mahigit pa sa magkapatid ang turingan nilang dalawa.

*end of flashback*

----------------------------------------------------------------------

Next chapter will be the continuation of the present situation.

Play With ME(EXO SPG story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon