THIRTY SIX

2.2K 32 0
                                    

*THIRD PERSON*

Biglang nagpanic si Bree. Humigpit ang hawak niya kay Aya. Naramdaman ni Aya ang tensyon kaya mabilis siyang naghagilap ng lugar kung saan pwedeng magtago si Bree. Tinanguan nya lang ito bago tuluyang lumapit sa gate ng apartment. Nakatago si Bree sa trasysikel na nakaparada malapit sa likuan kaya hindi siya makikita pero maririnig niya ang usapan.


"Aya!" tawag ng kapitbahay nila kay Aya nang binubuksan niya ang pintuan ng gate nila. Himalang kilala nito ang pangalan niya. Ang akala niya kasi walang nakakakilala sa kanila ni Bree doon maliban sa may ari ng katabing apartment na pinagbilhan nila ng unit.


"Magandang araw po. Bakit po?" magalang na bati ni Aya sa kapitbahay. Napako ang mga mata niya sa lalaking kausap nito. Napanganga siya. Ang gwapo naman nito. Kilala niya ang mukha ng OT9 kaya alam niyang si Lay ang nasa harapan niya ngayon.


"Magandang araw naman, buti naabutan ka niya. Kanina pa yan dito nag aabang sa labas kaya tinanong ko kung sinong hanap. Eh buti na lang at naisipan kong itanong sa kanya kung sino ang hanap. Nagtataka ka siguro kung bakit kita kilala ano? Yung kasama mong babae dati kasi narinig kong tinawag kang Aya. Eh itong si pogi, di naman alam ang pangalan mo, Bree naman ang hinahanap" paliwanag ng babae.


"Ang daldal naman ng isang to" sabi ni Aya sa isip at ibinaling ulit ang tingin sa lalaki.


"Aya? Nice to meet you. I'm Lay" sabi nung lalaki at nag abot ng kamay kay Aya.


Nanginig ang mga tuhod niya nang tinanggap ang malambot nitong kamay.


"Syet, ang bango niya" sabi ni Aya sa isip. Nakalimutan niyang tugunin ang pagpapakilala ng lalaki.


"By the way, I am here because I happen to know that you are Bree's friend. You know who I am talking about, right?" diretsang tanong ni Lay. Hindi naman sumagot si Aya, kumunot lang ang noo niya at nakatitig pa rin sa lalaki.


"Ahmm...excuse me. Did you hear me?" tanong ni Lay sa kanya. Itatanong pa sana niya kung pipi ba si Aya sa kapitbahay nito ngunit wala na ito doon.


Mukhang natauhan naman si Aya. Tarantang naghanap ng sasabihin.


"P-panu mo ko nakilala? Do I know you?" pagma maang maangan ni Aya.


"Well, I don't know if you know my group but I came here alone and in disguise as you can see" at itinuro nito ang suot na sunglasses at cap na nakapatong sa hood ng jacket nito.


"G-group?" nauutal si Aya, hindi dahil sa kaba na baka magkamali siya at ipagkanulo si Bree kundi sa kagwapohan ng kausap niya.


"Yeah...OT9...bet you've heard about us. Anyway, I am looking for Bree. You are her friend, right?" tanong ni Lay habang nagmasid sa paligid. Tinitingnan kung may ibang tao doon.


"Yes, she's my friend but sadly, she went to her hometown two months ago and I don't know how to find her. She didn't even said good bye. I just knew that she went home at wala man lang iniwan na address at contact number. Di ko alam if she has a problem or what but I felt bad since I am her good friend pero ni pagpaalam di niya nagawa". Nanginginig ang boses ni Aya. Pinagdadasal niya sa isip na sana maniwala si Lay.


 "I don't know but I have the feeling that you are not telling the truth".


Napaangat ang ulo ni Aya at sinalubong ang tingin ni Lay. Lalong nanghina ang mga tuhod niya. Lumapit pa ito lalo sa kanya kaya napaurong siya ng dalawang hakbang.


"Your friend might be pregnant by now. If you are really concerned about her, kindly contact me if you happen to see her or if you have changed your mind. Tell her, Kyungsoo and Baekhyun are looking for her. Mababaliw na ang dalawang yun if hindi siya nakita ulit, thank you."


Humakbang na paalis si Lay matapos iabot kay Aya ang calling card niya. Nang makalayo na si Lay, tsaka naman mabilis na binuksan ni Aya ang gate at tinawag si Bree na pumasok kaagad sa bahay.

*

*LAY*

"You think I am that stupid?"


Nakita ko sila bago pa sila makaliko kasi paalis na ako nung dumating sila. Nagkunyari lang akong may itinanong ulit doon sa kapitbahay nila para kunyari maabutan nila kaming nag uusap.


Bakit itinatago ni Bree ang sarili niya? Kung ibang babae nga, ibibigay agad ang sarili nila samin. May iba pa ngang humihiling na anakan namin, pero siya...iba siya.


Hindi pa naman malaki ang tyan niya pero gusto kong masigurado kung buntis nga ba siya kagaya ng sinabi ni Kyungsoo na posibleng nabuntis siya kaya pinipilit niyang hinahanap kaso lang naunahan ko siya.


Should I tell him I found her? Should I let Baekhyun know? Para magkabati na kami.


A part of me is stopping me to tell both Kyungsoo and Baekhyun. I admire Bree for being different from those girls. I wanted to know the reason why she's not letting Baekhyun and Kyungsoo find her.


Yeah, I decided not to tell them. I will talk to her on my own.

*

A/N

Hmmm Lay, may hidden agenda?


Nangangamoy Book II


Play With ME(EXO SPG story)Where stories live. Discover now