THIRTY NINE

2K 25 1
                                    

For three months, Baekhyun kept the routine of going back and forth Bree's apartment. Bringing her gifts, food, anything that she might need. He's so determined about being a father to Bree's child. Pero hindi dahil seryoso siya sa pagiging ama sa magiging anak ni Bree, magiging mabait ang mundo sa kanya. Now, Bree is 5 months pregnant. Ngayong araw, malalaman ang gender ng baby na dinadala niya. She's scheduled for an ultrasound. Maagang dumating si Baekhyun sa apartment niya. Bihis na bihis at malapad ang ngiti sa mga labi. Nagtataka na ang mga kasamahan niya sa dorm kung ano ba ang pinagagagawa niya these past months. Wala siyang sinasabi pero si Lay alam na alam niya. Naging busy siya sa pagprepare ng sarili niyang album kaya hindi na siya nakakabisita kina Bree pero alam niyang yun ang pinagkakaabalahan ni Baekhyun. Wala namang problema. Natanggap na niyang baka nga mahal talaga ni Baekhyun si Bree at pakiramdam niya mas lalong na admire niya si Baekhyun dahil doon. Isang bagay lang ang nawala kay Lay. Yun ay ang feelings niya for Baekhyun. Siguro, dahil sa activities niya at pairings niya lagi sa iba't ibang female artists, natutunan na niyang magpakalalaki.


"Baek, pwede namang ako na lang ang magpa checkup. Mamaya niyan tawagan ka na naman ni Suho at pagalitan. Nagsisinungaling ka sa kanila dahil sakin. Mag ingat ka naman. Masama sa image mo pagka may nakadiskubre nito. Alam mo na, di pa tayo sigurado kung sino ang ama ng baby na to" sabi ni Bree at hinimas ang tyan.


"Wala akong pakialam. I have decided to take care of you and you can't complain everytime I come here. Nag ieffort ako para naman walang masabi ang baby na pabaya ang ama niya in the future" nakangiting sagot ni Baek habang ginaguide palabas ng pinto si Bree.


"Baek, alam naman nating hindi tayo sigurado kung ikaw nga ang ama niya. Ayoko namang madisappoint ka if ever hindi ikaw. Tsaka kelan ba natin ipapaalam kay Kyungsoo? Akala ko ba sasabihin mo sa kanya?" Ikinawit ni Bree ang kamay sa braso ni Baekhyun. Para siyang itlog na ayaw mabasag kung tratuhin ni Baekhyun.


"Busy siya sa movies niya. These days, sila ni Lay hyung. Walang alam ang iba sa mga nangyayari at mukhang nakalimutan na rin ni Kyungsoo" pagsisinungaling ni Baekhyun. Ang totoo, laging nagtatanong si Kyungsoo about kay Bree pero pareho sila ni Lay na walang sinasabi kaya walang kaalam alam ang isa na maaari palang siya ang ama ng isang limang buwang fetus ngayon sa tyan ni Bree.


"Ganon ba? Wala ba siyang nababanggit about sa pera? Kasi ano, may utang ako sa kanya".


"Dineposito namin sa account niya ang sweldo mo kahit ayaw niya" sagot ni Baekhyun na nagsisimula nang magdrive.


"Kahit na".


"Kalimutan mo na yan Bree".


Napasinghap pa si Bree nang biglang lumapit si Baekhyun para maglagay ng seatbealt niya. 


Namula rin ng todo si Baekhyun nang mapansing pigil ni Bree ang hininga. Imbis na umalis sa pwesto, napatitig si Baekhyun kay Bree na tumingin rin sa mga mata niya. Awtomatikong napatingin si Baekhyun sa mga labi ni Bree na siya namang ikinalunok ng babae. Unti unting lumapit ang mukha ni Baekhyun kay Bree kaya napapikit na lamang ang babae.


Naglapat ang kanilang mga labi pero nahimasmasan naman agad si Bree nang may kumatok sa bintana ng kotse. Tinted ito kaya hindi siguro nakita ang ginagawa nilang dalawa sa loob.Napabuntong hininga na lang si Baekhyun at binuksan ang bintana na hindi man lamang tinitingnan kung sino iyon. Napansin niyang nanlaki ang mga mata ni Bree kaya napasunod ang tingin niya sa kung sino man ang pinagbuksan nito ng bintana.


"Kyungsoo?!!!!" bulalas ni Baekhyun.

*

A/N

Wehehehe! Shortest update ever!

Play With ME(EXO SPG story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora