FORTY THREE

1.9K 16 1
                                    

6 months has passed...


Ang bilis ng panahon. Bree has moved on...with Baekhyun. Yes, she has. But with the loss of her baby, she thinks she won't.


"Bree, do you need some more of these?" untag ni Lay sa kanya habang inaalala niya ang panahong ilang araw din siyang nagmukmok matapos mawala ang iniingatan niyang anak.


"Lay, can we just go home? Masakit ang ulo ko" sagot ni Bree. Hindi pinansin ang tanong ni Lay.


Ibinaba ni Lay ang mga prutas na hawak hawak at nag aalalang lumapit kay Bree.


"What's wrong? Hindi maganda ang pakiramdam mo? Should we see a doctor?" nagpapanic na lumapit si Lay kay Bree.


"Hindi naman. Masakit lang ang ulo ko" sagot ni Bree at naglakad na palabas ng supermarket. Mabilis na sumunod si Lay tulak ang cart na may laman ng mga pinamili nilang grocery para kay Bree at Aya. Nagmamadaling nilapag niya sa counter ang mga pinamili habang sinusundan ng tingin si Bree na naglalakad palabas ng grocery ng mall.


Flashback

Humahangos na sinalubong ni Lay ang doktor na galing sa operating room.


"How is she doc?" agad na tanong niya nang matuon sa kanya ang tingin ng doktor.


"She's fine but...are you the husband?" tanong ng doktor kay Lay na hindi naman nakasagot agad.


"Excuse me, are you the husband?" tanong ulit ng doktor nang napansing nakanganga lang si Lay sa harapan niya. Dahan dahan itong tumango.


"I'm sorry, you lost your baby" sabi ng doktor at tinap ng bahagya ang balikat ni Lay. "Let her gain her consciousness first, then you can talk to her when she's awake and strong enough to talk".


Nakaalis na ang docktor pero tulala pa rin si Lay. Nahimasmasan lang siya nang may yumugyog sa kanya.


"Hyung! Hyung! What happened? Why did you ask me to come here? Are you alright?" sunod sunod na tanong ni Kyungsoo kay Lay.


"Soo, I'm so sorry..." sagot ni Lay at niyakap si Soo.


"Bakit? Ano'ng nangyayari?" takang tanong ni Kyungsoo.


"Yung baby nyo, Soo. He wasn't able to survive. Masyadong complicated ang sitwasyon niya since that day na muntik nang makunan si Bree. From then on, hindi na kinaya ng baby na kumapit. Nakasurvive pa siya hanggang maging 9 months siya pero was rin. Di ko alam kung panu sasabihin kay Bree pag gising niya" paliwanang ni Lay pero hindi pa rin naiiintindihan ni Kyungsoo.


"What do you mean, my baby? May anak ako? Anak ko ang baby ni Bree?" malakas na niyugyog ni Kyungsoo si Lay dahilan para muntik na itong matumba. Mabuti na lang at malapit siya sa wall kaya nakasandal siya doon.


"Kamukhang kamukha mo siya. We can't deny that you are the father. Malakas pa siya kanina nung inilabas siya ng doktor. Pero bakit biglang, wala na siya..." tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Lay. Katunayan hindi siya umiiyak nang dahil sa namatay ang baby ni Bree, umiiyak siya dahil naaawa siya kay Bree. Baka di nito kayanin ang pagkawala ng baby niya.


Nasapo ni Kyungsoo ang noo.


"Why didn't I know anything about this? Baekhyun hyung, nagsinungaling siya sakin. Sabi niya anak niya yun. Sabi niya girlfriend niya si Bree. Sabi niya..." hindi maituloy ni Kyungsoo ang sasabihin. Biglang lumabas ang isa pang doktor sa NICU.


"Excuse me, we need to prepare for the blessing of the baby bago siya ilibing. Can you please come here. Do we need to wait for his mother to wake up before deciding for the burial?". Tumikhim ang doktor nang hindi sumagot ang dalawa. Biglang tumakbo si Kyungsoo papasok sa NICU. Ang sikip ng dibdib niya nang makita ang anak niyang nakabalot pa sa lampin at may label sa paa.


"Baby boy Do" basa niya sa nakasulat sa papel. Nanghihina siyang naupo sa katabing hospital bed.


"Hyung..." umiiyak niyang lingon kay Lay.


"I'm sorry, Soo. I will explain everything but for now, be strong...for Bree" alo ni Lay sa kanya.


"Hyung...I can't take this. Why?" iyak ni Kyungsoo.


"Soo, Baekhyun shouldn't know about this anymore. He didn't care. He was the reason for Bree's depression. This is why this happened. I hate him!" galit na saad ni Lay.


"I don't know what to feel. My poor baby...Bree..." patuloy sa pag iyak si Kyungsoo. Hinawakan ang malamig na bangkay ng anak niya. Pakiramdam niya pinaglaruan siya ng buong mundo. Wala siyang kaalam alam sa lahat. Pero si Baekhyun...si Lay...bakit siya ang kasama ni Bree ngayon?


"Bree, kindly take the car key out my back pocket" pakiusap ni Lay. May bitbit ang pareho niyang kamay kaya di niya madukot ang susi sa bulsa ng pantalon niya.


"Pupunta ba si Soo today?" tanong ni Bree habang binubuksan ang compartment ng kotse para mailagay ni Lay ang pinamili nila.


"May schedule siya kaya ako ang napakiusapang sumama sayo today" sagot ni Lay.


"Kelan daw ang kasal niya?"


Hindi sumagot si Lay.


*

A/N

Kasal? Nino?



Play With ME(EXO SPG story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon