Chapter 1

74.1K 1.1K 87
                                    


Nandito ako ngayon sa Mall para bumili ng gamit para bukas. Tangina nakakatamad nga eh! Pero binder lng naman ang bibilhin ko at ballpen. Nakakatamad kaya magdala!

Pagkapasok ko sa National Bookstore ay agad akong naghanap ng binder na ang design ay Spongebob. Spongebob lover kasi ako!

Agad naman nagningning ang mata ko at lumapit dun. Ang cute talaga ni Spongebob, parang ako lng! Napatingin naman ako dun sa may bandang left side, ang cute rin! Mga Hello Kitty ang design pero mas prefer ko si Spongebob!

Napatingin ako sa kumuha ng binder na Hello kitty. Mukha atang Hello kitty lover!

O_O

Lalake?!

Ako naman tumatawa lng! Ang cute lng dahil first time kong makakita ng lalakeng mahilig sa Hello kitty! Napasimangot naman sya at inirapan ako. Ok?

Pagkapila ko sa counter ay may biglang sumingit.

"Excuse me! Pero ako ang nauna dito! Kaya pwede ba pumila ka!" sabi ko sakanya.

Grrr! Ang haba haba pa naman ng pila tapos sisingit lng siya! Tangina ha! Tumingin naman sya saakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Wait! Si Hello Kitty lover to eh!

"Sige na! Ako na ang paunahin mo nakakatamad kasing pumila!" pa awa kong sabi. Sana naman effective!

Tiningnan nya lng ako at tumalikod ulit! Attitude talaga to! Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung mga bastos at akala mo kung sino! Agad akong sumingit sa kanya at hinarap siya.

"Alam mo ba na ako ang nakapila dito? Atsaka ang bastos mo naman nakita mo naman na may pila diba? Di ka naman siguro bulag para hindi mo makita na may pila!" inis kong sabi sakanya. Kaya naman napapatingin na yung ibang tao saamin, wala akong pake sa kanila!

Ganito talaga ako! Madaling uminit ang ulo ko kaya lagi akong naki kick out sa school! Kaya naman bukas ay first day ko dun sa Crux University.

Tiningnan nya lng ako ng masama.

"Ano ha?" maangas kong tanong. Nabigla naman ako ng biglang may humarang samin na body guard.

"Sorry po Sir! Ako na pong bahala sa kanya!" sabi nung body guard at hinawakan ako.

Aba! Anong ginagawa nya saakin!?

"Gago ba kayo Kuya!? Eh nakikita nyo naman po diba na nangsingit sya!? Di po yun makatarungan! Kita nyo naman po na ang haba ng pila eh!" sabi ko.

Tangina lng!

"Sorry po Maam! Pero--

Di nya na natuloy yung sasabihin nya ng bigla saamin lumapit yung cashier at yumuko. Dapat lng!

"Sorry po Sir kung hindi ko po kayo nakita. Sana po ay lumapit na lng kayo saakin para po ay hindi na kayo pumila," sabi nung cashier habang nakayuko. Naningkit naman ang mata ko.

Dapat sakin sya mag sorry hindi sa lalakeng yan!

"Its okay, ayoko kasing sumingit eh!Nakakahiya naman sa mga buyers natin! Alam mo naman na dapat ay pantay pantay tayo, kahit na ako yung may ARI NITONG MALL ay kailangan ko parin naman pumila diba?" sarcastic nyang sabi at inemphasize niya pa talaga yung word na siya daw ang may ari nitong mall! Like wtf?

Walang may pake kung ikaw ang may ari nito!Tsk! Ang yabang! Akala mo kung sino!

O_O

Sabi nga nya dapat pantay pantay! Pero bakit pa sya sumingit sa pila? Parang timang naman!

"Buti naman alam mo yung salitang pantay pantay, kaya pwede ba miss ako na ang unahin mo kasi ako naman talaga ang nauna eh! Eh dapat ako na yung sunod dyan sa babae eh! Kaso itong gagong to sumingit!" sabi ko at binigay sa kanya ang binder at ballpen.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon