Chapter 17

27.5K 504 13
                                    


Tahimik lng kaming dalawa ni Hello Kitty sa sasakyan. Ewan koba pero nahihiwagaan ako sa mga nangyayare. Habang nakatingin lng ako sa labas ay bigla siyang nagsalita.

"A-hh... Actually matagal na kaming magkakilala ng Mommy at Daddy mo." aniya

Hmm... Matagal na? Since when?

"Magkaibigan ang parents mo at ang parents ko kaya yun! Atsaka ah--

Hindi niya naipagpatuloy yung sasabihin niya at nagmura. Bakit to nagmumura? Tangina.

"Ano pa yung karugtong nung sinasabi mo?" tanong ko dahil nagpapabitin pa siya ng sasabihin.

"Ahh wala!" sagot niya at seryoso ulit na nagmaneho. Napangiwi na lng ako.

Maya maya ay dumating na kami sa shop ng Tita Celine ko. Isa siyang sikat na fashion designer sa buong bansa, tuwing may event ay dito kami nagpapagawa ng susuotin like sa mga kasal, parties and many more. May kambal siyang anak, at iyon ay si Farrah and Froy.

Bumaba na ako at dumiretso sa loob. Agad akong sinalubong ni Tita Celine ng may ngiti sa labi.

"Hija, mas lalo ka atang gumanda ha," sabi niya at nakibeso sakin. Tumawa lng ako dahil totoo naman. Heto talagang si Tita!

Napatingin naman si Tita sa may pintuan ng biglang bumukas ito at pumasok si Hello kitty.

"Oh! Boyfriend mo hija?" tanong ni Tita na agad kong kinailing bilang senyas na hindi ko siya boyfriend! Over my dead body duh!

"Hello po! Im Lux!" sabi ni Lux at nakibeso rin kay Tita. Fudge! Bakit lagi siyang feeling close? At akala mo naman kung sinong magalang na tao eh yung sa jeep nga grabe yung ginawa niya eh.

Ngumiti lng si Tita sa pagpapakilala ni Lux na halatang nagustuhan niya agad ito.

"Ang gwapo naman ng boyfriend mo Sab!" nakangising sabi ni Tita Celine. Umiling naman na ako kanina nung tinananong niya ako eh bakit kailangan niya pang ipagdiinan kahit naman na di totoo? Nako Tita, hindi nakakatuwa.

"Hindi ko po siya boyfriend Tita!" nakasimangot kong sinabi ulit.

Ngumisi lng si Lux.

"Im not yet his boyfriend pero dapat ay ligawan niya po muna ako, para maging kami." sabi ni Lux na ngumisi ng parang asong ulol.

Ano daw? Tangina nagpapatawa ba ito? Anong akala niya saakin? Baliw na baliw sakanya para ligawan siya? Iba talaga ang isang to! Ang sarap sapakin!

"Just kidding." bawing niya ng mapansin na nanlilisik ang mga mata ko sakanya.

"Halika na! Ipapakita ko na sayo ang gown mo at isukat mo kung okay na ba yun!" sabi ni Tita at naglakad papunta sa isang room. Sumunod lng ako sakanya. Agad kong nakita ang gown ko na susuotin sa debut ko. Hmm... Maganda siya! Pero fudge, ba't parang ang hirap niyan isuot!

"I pick this color kasi alam kong bagay sayo yan! Mala porselana ang skin mo kaya iyan ang napili ko, pero kahit naman anong kulay ay bagay sayo hija." aniya na tinutukoy ang gown.

Kulay white ang gown ko pero may nakapaligid na kulay gold. Hindi ko alam kung anong tawag dun sa kulay gold dahil hindi naman ako nagsusuot ng mga ganyan.

"Sa tingin mo hijo, bagay ba 'to kay Sab?" nakangising tanong ni Tita kay Lux.

Napatingin naman ako sa likod ko. Sumunod pala siya.

"Ofcourse po tita!" sagot ni Lux.

Napairap na lng ako pero may namuong ngiti sa labi ko sa di malamang dahilan.

"Halika dito Sab at isukat mo 'to!" Tita.

What? Bakit kopa isusukat eh alam naman na ni Tita na kasya yan saakin dahil ilang beses niya na akong ginawan ng mga gowns. Hindi naman ako tumaba kaya wala namang nagbago sa pangangatawan ko.

"Tita hwag na po. Aalis na po kami may kailangan kasing gawin si Lux eh pagkahatid niya saakin." palusot ko.

Tiningnan ko si Lux at pinandilatan ng mata. Subukan mo lng na magsabi na hindi ka busy at malalagot ka sakin, bruho ka. Tiningnan lng ako ni Lux at nagsalita.

"Nako itong si Sabrina talaga sinungaling kahit kailan! Saan naman ako pupunta? Ok lng kung isukat niya po yan na gown niya." aniya habang nakangisi saakin. Fvck you ka Lux! Grr...

Ngumiti lng si Tita at kinuha na yung gown.

"Halika na nga hija at wag ka ng magpalusot diyan, isukat mona 'to sa fitting room!" sabi niya at tumalikod na para pumunta sa fitting room. Agad kong nilapitan si Lux at pinakyuhan siya.

"Tita ohh!" tumatawa niya habang kunyare ay tinatawag si Tita para magsumbong. Tiningnan ko siya ng masama at alam kong sa mga oras na ito ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa inis.

"Bruho ka talagang bwisit ka!" nanggigil kong sabi at sumunod kay tita. Narinig ko lng siya na humagalpak ng tawa. Pagkapasok ko sa fitting room ay natagalan ako sa pagsuot nun. At shit!Backless pala tong gown na to! Pagkasuot ko ay agad kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Shit! Ba't ang ganda ko talaga? Haynako Sabrina! Tinalo mopa ang ganda ng mga artista. Inayos ko muna ang buhok ko at nimessy bun ito para makita ko ang likod ko sa salamin.

"Wow! Ang ganda mo hija!" puri ni tita ng makita niya ako. Umikot ako at napasimangot ng makitang kitang kita ang likod ko. Ayoko pa naman ng ganitong gown. Panigurado si Mom ang pumili ng design na'to. Napabuntong hininga na lng ako dahil wala naman na akong magagawa. Grabe para na akong robot eh. Ang bigat ng gown ko!

"Sige lumabas kana at ng makita kani Lux." kinikilig na sabi ni tita habang nakangisi at nauna ng lumabas.

Naparoll eyes na lng ako ng nakalabas siya. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagpicture dahil wala lng. Lumabas na ako pagkatapos nun at grabe ang bigat talaga! Pero keri naman kahit papaano. Pagkalabas ko ay nakita ko si Lux na kausap si tita. Napatingin siya saakin ng lumabas ako at nalaglag ang panga niya! Joke lng. Seryoso lng siyang nakatingin saakin.

Agad na lumapit saakin si tita.

"So anong masasabi mo Lux?" kinikilig na tanong ni tita.

"It's fine po tita!" sagot niya. Ahh fine!

Agad na akong tumalikod at bumalik sa fitting room para magbihis na ulit. Naiimagine ko ang sarili ko pag nag debut na'ko. May makeup, magsusuot ng heels and this freaking gown. Siguro ay nakasimangot ako pag debut ko. Ayoko na sana ng ganito eh! Mas gusto ko yung magpupunta na lng sa ibang lugar or simpleng handaan lng basta nandiyan ang mga kaibigan ko at pamilya ay masaya na ako.

After an hour ay lumabas na ako. Oo inabot ako ng isang oras bago mahubad ang gown na iyon! Sarap ngang punitin eh!

"Tita mauna na po kami!" paalam ko. Nagbeso lng ulit kami at lumabas na ako. Sumunod rin naman si Lux. Pagkalabas ko ay dumiretso lng ako sa parking lot.

O_O

Anong ginagawa ng mga lalakeng to dito? Agad akong kinabahan potek! May mga hawak silang baseball bat at kutsilyo! At handang handa ng makipagbakbakan! Habang kami ay wala man lng dala na kahit ano. Unfair!

Ngumisi saakin yung lalakeng nakita ko nung isang araw sa mall. Agad niya akong hinablot at tinakpan ng panyo ang ilong ko! Shit! And then everything went black...

Malas naman! Pero bago magdilim ang paningin ko ay narinig ko ang pagmumura ni Lux. Agad siyang lumapit sa mga lalake. Pero dipa siya nakakalapit ay may nagpalo na sakanya ng baseball bat sa kanyang likod. At hindi kona alam ang mga sunod na nangyare.

End of Chapter 17~

Lovelots<3

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon