Chapter 2

38.4K 845 24
                                    


"Ang tagal nya naman magising!"

"Oo nga!"

Ang lakas ng tugtog! Nasa bar ba ako? Tangina!

Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nahihilo pa din ako. Ano bang nangyare?

"Mabuti naman gising kana Spongebob!" sabi ng lalakeng nasa harap ko.

Medyo malabo pa ang pangingin ko kaya di ko matukoy kung sino to. Nakidnap ba ako? Pero bakit ang ingay ng lugar na'to? Baka nga ay nasa bar ako! Tangina paano ako napunta dito?

Tumayo ako nung medyo umayos na ang pakiramdam ko at inilibot ang paningin ko, mukhang hindi naman to bar. Parang yung gymnasium to eh, ang raming sumasayaw na estudyante. Grabe ang wild nila! Yung iba naman nag memake out na! Tsk! Get a Motel! Pwede ba yan dito sa school? Bawal yan diba!

Napatingin ako sa katabi ko, andito si Ivan na may kasamang babae at si Hello Kitty meron ring kasamang babae kaso ngalang dalawa. Aalis sana ako  ng biglang may humawak sa wrist ko, si Ivan.

"Wag ka munang umalis para nga sayo tong party!" sigaw nya dahil masyadong malakas ang tugtog.

"Wala akong paki sa tanginang paparty niyo! Aalis na ako!" sigaw ko rin dahil baka ay hindi niya ako marinig.

May bigla naman humila saakin. At dinala ako sa stage! Si Hello Kitty pala! Bakit nya ako dinala dito?

Sumenyas siya na itigil muna ang tugtog at ngayon ay nasa amin na ang buong atensyon ng mga estudyante.

"Good evening students of my school! So may transferee tayo, kaya let's all welcome her! Sabrina Wane!" sigaw nya at lumayo saakin.

Maya maya lng ay nakaramdam ako ng lamig! What the heck! May humulog saakin ng tubig galing sa itaas at may yelo pa talaga! Kaya basang basa na ako! Putangina! Anong klaseng trip to!

At hindi pa pala dun nagtatapos ang pakulo nila dahil may humulog ng arina kaya mukha na akong engot nito! Pinagtatawanan na nila ako! At ang iba ay nagsisigawan. Ako naman ito pinipigilan na magwala dahil baka kung ano pa ang magawa ko! Bakit ba nila ginagawa to saakin! Bullying to eh! Naalala ko yung sinabi nung adviser namin. Nakita ko naman si Ivan na parang naguguilty pero wala man lng ginagawa para man lng matulungan ako.

Tiningnan ko naman si Hello Kitty. Nakangisi lng sya. Siya ba ang may kagagawan nito? Fvck him!

Tumakbo na lng ako palabas at naupo sa may isa sa mga bench! Malayo naman to dun sa Gymnasium kaya ok lng! Malayo layo din pala ang natakbo ko. Buti na lng at nakaalis ako dun.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas sa katawan ko ng bigla naman umulan! Buti na lng para maaalis tong dumi sa katawan ko. So ganito pala ang pa welcome party sa school na'to! The hell! Ngayon lng ako nakaranas ng ganito sa buhay ko! Ang mabully! Dahil wala naming nagbabalak at isa pa ay takot sila na gawin iyon dahil sa mga kaibigan ko

Oh! Tumila na pala ang ulan pero mali pala ako. Nung tingnan ko ay si Ivan pala iyon habang pinapayungan ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Ang kapal ng mukha niyang magpakita saakin pagkatapos niya akong hindi tulungan kanina. Akala ko ay iba siya sakanila pero mali pala ako.

Bumungtong hininga lamang siya habang tinitingnan ako.

"Pagpasensyahan mona, ganito talaga ang gusto ni Lux! Sana mag tagal ka." sabi nya.

"So, may balak pa silang ibully ako?" tanong ko.

"Baka! Alam mo ba na ako ang kumidnap sayo?"

Napatingin naman ako sakanya at sinuntok sya sa braso nya. Napangiwi lng sya sa suntok ko dahil napalakas iyon.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon