Chapter 4

33.3K 710 14
                                    


Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa parang theatre room. Yung may malaking TV na para kang nasa sinehan.

"Anong papanuorin natin?" tanong ni Calix.

"Cartoons na lng panuorin natin! Marami akong alam!" suggest ko.

Spongebob!

Tumingin lng silang lahat saakin.

"Ano namang cartoons?" tanong ni Ford na kinangisi ko lng.

"Spongebob!" nakangiti kong sabi. Napangiwi lng silang lahat at si Lux ay parang nandidiri. Tangina! Anong nakakadiri kay Spongebob?!

"The hell Sab! Movie na lng! Ang corny naman ng Spongebob," sabi ni Calix. Tangina! Anong corny?!

"Tsk! Childish kasi!" parinig ni Lux. Kanina pa ang isang to ah! Bwiset!

"Childish daw ha! Eh yung isa nga dyan mahilig sa Hello Kitty!"parinig ko din. Tumawa silang lahat except kay Lux.

"Alam mo pala na mahilig si Lux sa Hello Kitty?!" natatawang tanong ni Calix.

Tumango lng ako bilang tugon at nakita ko naman na masama lng ang tingin saakin si Lux. Nginisian ko lng siya para asarin siya. Alam ko din na may Hello Kitty yan na panty! Tangina laughtrip!

Napagdesisyunan naming lahat na mag movie marathon na lng at hindi na cartoons hayst! Titanic ang napili nilang panuorin na movie. Sa dinami rami ng movie Titanic pa talaga! Eh ang gusto lng naman nila dun eh yung nag ano si Rose at Jack. Napailing na lng ako dahil ilang beses kona yan napanuod.

Kumuha ako ng chips habang silang lahat ay tutok na tutok dun sa movie pwera kay Lux na busy sa cellphone. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya naman nag excuse ako na pupunta muna ng C.R para umihi. Nasa may bandang pintuan si Lux kaya naman nakita ko yung pinapanuod nya.

O_o

The heck! Nanunuod sya ng porn! Napatingin naman siya saakin.

"Oh gusto mo rin bang manuod nito?" nakangisi nyang tanong. Pinakyuhan ko lng sya.

Lahat talaga ata ng lalake eh nanunuod ng porn! Grabe! I can't imagine watching that kahit na open minded naman na ako ay parang hindi ko kayang manuod ng ganiyan.

Bumaba na ako at nag C.R, nagtanong tanong muna ako sa katulong nila Calix. Syempre hindi naman ako nakatira dito kaya hindi ko alam ang pasikot sikot. Pagkatapos kong mag C.R ay paakyat na sana ako ng makita ko si Lux na papuntang terrace.

Masyado talagang feel at home ang gago! At dahil ayoko na rin naman na bumalik dun sa theatre room dahil tapos ko naman na iyong mapanuod ay sinundan kona lng si Lux dahil gusto ko din na magpahangin. Feel at home na din ba ako nito?

Nakita ko syang nakatayo at nakatingin lng sa langit habang nag sisigarilyo! Well, hindi na nakakapagtaka na nagsisigarilyo siya.

Napatingin naman sya saakin nang nakalapit na ako.

"What are you doing here?!" tanong nya sabay buga ng usok galing sa sigarilyo.

"Why? Bawal ba? Sayo ba tong bahay?!"pilosopo kong tanong. Tiningnan nya lng ako ng masama.

"Im asking you, so don't answer me a question too." sabi niya at nagsigarilyo ulit.

Tumingin na lng ako sa baba na may pool pala! Oh may naliligo!

Tumingin saamin yung babae at ang ganda nya at maputi sya parang model lng. Ngumiti sya at kumaway kay Lux. Tiningnan ko naman si Lux, nakakunot lng ang noo nya at umiwas ng tingin sa babae. Aysus kunyare pa ang isang to!

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon