Chapter 41

22K 459 3
                                    


Nakatulala ako habang naglalakad. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin. Nakakalito! Traydor si Kianna! Traydor rin si Dale! At ano daw? May ginawang kamanyakan si Lux kay Bea? Pano nangyare iyon? Imposibleng gawin iyon ni Lux! Hindi niya kayang gawin iyon. May mga kapatid siyang babae kaya hindi niya iyon magagawa.

At dahil sa kalutangan ay hindi kona namalayan na may nabunggo akong lalaki.

"So-rry." paumanhin ko at dumiretso na lamang na parang walang nangyare.

Wala akong oras para tingnan kung sino man ang nabunggo ko.

"Wait!"

Napahinto ako ng sabihin niya iyon. Anong kailangan ng isang to? Hinarap ko ang siya at hindi siya pamilyar saakin.

"Alam mo ba kung nasaan ang Principal office?" tanong niya.

Tinitigan ko siyang mabuti. At hindi ko alam na nakatulala na pala ako sakaniya. Tangina! Napasampal na lng ako sa mukha ko dahil sa sobrang kalutangan. Tiningnan ko ang lalake at para siyang naweirduhan sa ginawa ko.

"Ah diretso ka lng then meron ka don makikitang office." sagot ko. Tumango lng siya at ngumiti.

"Thank you Miss! Btw, I am Louver." sabi niya at umalis na.

Di ko naman tinatanong ang pangalan niya. Napailing na lng ako at dumiretso na lng ako sa room at tiningnan kung nandoon ba si Lux. Pero wala siya roon. Nasaan ba ang Hello kitty na yun?!

"Sabrina!"

Tiningnan ko kung sino iyon at guess what kung sino. Walang iba kundi ang traydor na si Dale!

Bigla akong nairita at agad na nag init ang ulo ko ng makita siya. "Nakita mo ba si Lux?" tanong niya.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay pero sa loob loob ko ay gusto ko siyang sigawan.

"Why?"

Napakamot naman siya sa buhok niya at tumawa.

"Ah natanong ko lng naman! Sige hanapin kona lng siya." sabi niya at umalis na.

"Dale!" tawag ko.

Huminto naman siya at humarap sakin.

"Do you mind if we go to a near coffeeshop?"

Nag isip muna siya ng ilang minuto at maya maya lng ay nakangiting tumango. Ngumiti lng ako ng peke.

Mangangalap lng ako ng impormasyon tungkol sakaniya at kay Bea! Feeling ko tuloy ay agent ako! Sa malapit lng kaming coffee shop, hindi ko na binalak pa na kila Demi kasi baka makita ako ni Demi at magtaka siya.

"Hmm I just want to ask you some questions."

"Tungkol saan? Bakit ako?"

"Ayaw moba? It's ok! Sa iba na lng siguro ako magtatanong." sarcastic kong sabi at aalis na sana ng hinawakan niya ako sa may palapulsuhan. Tiningnan ko ang kamay niya at napatingin rin siya roon! Agad niya iyong inalis ng mapansin ang mariin kong titig doon. Tumikhim lng ako at naupo uli.

"Ah sorry! Sige ok lng!" sabi niya.

Ngumiti lng ako ng peke! Kung hindi lng kailangan nako kanina ko pa to nasuntok!

Nag order muna kami bago siya nag usap.

"So anong tatanungin mo?" tanong niya.

"Matagal na kayong magkaibigan ni Lux?"

Tumango lng siya at ngumiti.

"Oo since nung naging sila ni Caina."

"Hmm do you mind if I ask you about your lovelife?"

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon