Chapter 5

31.8K 603 4
                                    


Nagkwentuhan lng kami ni Demi hanggang sa mag snack time na at nagpasya na sabay ng pumunta sa canteen.

Habang nakapila kami ay nagtitinginan sila saamin. Sanay na ako dahil laging ganito ang eksena na laging may titingin saakin tuwing dadating or kahit na mapadaan lng. Ganito talaga siguro pag sobra silang nagagandahan sayo.

"Siya yung transferee diba?"

"Oo sya! Bakit nya kasama si Demi??"

"Siguro social climber rin,  gusto maging sikat para hindi mabully."

Social climber? Ako? Tangina! Nakikipagkaibigan lng ako tapos iniisip nila na social climber ako. Bwiset na mindset yan!

Nabigla ako dahil hinila na ako ni Demi sa may gitnang table! Bakit sa gitna pa?

"Hayaan mo na sila! Ganyan talaga ang mga inggit eh!" sabi nya at tumawa. Pati ako ay natawa din, maya maya lng ay dumating na yung order namin.

"Baka dumating sila kuya kaya dito ako naupo sa gitna. Ipapakilala kita sakanya!" masaya nyang sabi.

Tumango lng ako at kumain.

Habang kumakain ako ng cake ay dumating yung mga classmate ko at papunta sila dito? Tangina pati ba naman dito manggugulo sila?

"Kuya!" sigaw ni Demi. Muntik na akong mabulunan ng tinawag niyang kuya si Lux. Si Lux ang kuya nya? Wtf!

Umupo na silang lahat sa may table namin. Ang katabi ko sa left ay si Calix at sa right naman ay si Ford. Tumabi naman si Lux sa kapatid nya.

"Bakit mo kasama ang babaeng to?" tanong ni Lux. Napakunot naman ang noo ni Demi. Baka hindi nya alam na classmate ko ang kuya nya?

"New friend ko kuya! Bakit magkakilala kayo?"

"Ah classmates kami!" ako na ang sumagot dahil gusto ko lng umepal. Tumango lng si Demi.

"Last section ka Sab?" di makapaniwalang tanong ni Demi.

"Yeah." sagot ko.

Ngumiti lng sya.

Kumakain ako ng cake ng makita kong nakatitig si Lux saakin! Anong problema nya ha!? Baka gusto nya ng suntukan?!

"Para kang bata kung kumain! Tsk! Look at you! Mukha kang gusgusing bata!" nakangisi nyang sabi habang nakatingin saakin.

Tumawa naman sila Calix. Tiningnan ko si Demi at tahimik lng siya habang kumakain.

"Ang cute mo namang kumain Sab!" tumatawang sabi ni Calix.

Napatigil naman si Demi sa pagkain. At napaiwas ng tingin. Walang nakapansin nun pero ako ay napansin ko. Ano bang problema dun!? Ang liit na bagay! Pinunasan ko ang gilid ng labi ko dahil feeling ko ay may icing iyon.

"Hindi dyan, akin na nga!" sabi ni Lux at inagaw saakin ang tissue. Tangina to!

Pinunasan nya ang noo ko at pakiramdam ko ay ang lumagkit iyon dahil pinunas kona yung tissue na yun sa labi ko. Anong ginawa nya??!

"Kuya naman! Wag mong paglaruan ng ganyan si Sab! Kaibigan ko sya!" sabi ni Demi at kumuha ng wipes sa bag nya at pinunasan ang noo ko. Napailing na lng ako sa nangyare.

"Demi mauna na ako ah!" sabi ko at tumayo na. Kailangan kong mag restroom para tingnan ang mukha ko at para na rin makaiwas sa gulo. Oo kailangan dahil kung hindi ako iiwas ay gulo ang abot nito! Habaan mopa ang pasensiya mo Sabrina. Ok? Kaya mo yan!

"Sama ako." aniya. Umiling lng ako para sabihin na wag na dahil baka ay sundan lng siya ni Lux.

Paalis na sana ako ng biglang may pumatid saakin kaya nagtawanan silang lahat pati si Lux. Sya talaga yung may pinakamalakas na tawa! At parang pangdemonyo pa. Nakita kong si Wendy pala ang pumatid saakin! Bitch! Maghintay ka lng na mapuno ako! At humanda ka saakin! Babalatan kita ng buhay!

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon