Chapter 12

28.5K 574 12
                                    


Umalis na ako roon at hinanap sa may parking lot si Lux. Agad ko din naman siyang nakita at nilapitan, pero nung pagkalapit ko ay nabigla ako sa eksenang nangyayare. Nakikipagsuntukan kasi si Lux sa limang lalake.

"Hoy! Bakit dito kapa talaga nakikipag basag ulo?!" sigaw ko. Kaya naman ay napunta saakin ang atensiyon ng limang lalake.

"Shit! Umalis kana! Wag ka ng makialam, please Sab!" sabi ni Lux na nakatingin na saakin.

"Oh! May bago kana palang girlfriend pareng Lux!? Di ata kami nainform?" sabi ng lalake na may kalakihan ang katawan.

Tiningnan ako ng mga ibang lalake ng may pagnanasa sakanilang mga mukha. Tangina!

"Chix pala tong girlfriend mo eh! Pwedeng patikim?"

Bigla namang tumaas ang kilay ko sa sinabi ng gagong manyakis na nagsabi nun. Anong patikim! Tangina kang manyakis ka!

"Fyi im not his girlfriend! Yuck! Para kayong mga tae!" nandidiri kong sabi at inirapan sila.

"Aba! Pasalamat ka at maganda ka kung hindi inupakan na kita!" sabi ng lalakeng may kulay dilaw na buhok na kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa.

Napapikit na lng ng mariin si Lux at saka sinuntok yung lalakeng kaharap niya.

Bigla namang lumapit yung may kalakihan na katawan sa akin at hinawakan ako. Napangisi na lng ako at saka sinipa ito sa pribadong parte nito kaya naman napadaing ito sa sakit at napahiga.

"Aba't---

Hindi na napatuloy nung lalake ang sasabihin nya dahil sinuntok na sya ni Lux. 3 down! Ang lakas pala talaga nito pagdating sa pakikipagbasag ulo eh!

"Humanda kayo! Babalikan ka namin Lux at ang girlfriend mo!" banta ng lalakeng may kulay dilaw na buhok at saka tumakbo kasama ang isa pang lalake.

"Shit! Sabi ko naman kasi sayo umalis kana! Tinganan mo tuloy nadamay ka! Fvck!" galit na sigaw ni Lux at saka naunang maglakad papuntang sakayan.

Napairap na lng ako at tiningnan yung tatlong lalake na nakahandusay sa sahig, may nakita akong dalawang ice cream na natapon.

"Ice cream? Sino naman nagtapon niyan? Sayang naman, ang raming nagugutom tapos itatapon lng kahit saan!"

Binalewala kona lamang iyon at sumunod kay Lux. Napasinghap ako dahil sa mga pasa ni Lux sa mukha niya na ngayon ko lng din napansin.

"Anong nangyare sa mukha mo? Fudge!"

Hinawakan ko ang mukha niya.

"Ayan kasalanan mo yan! Pati sa labas ng school ay may nakakaaway ka!" naiinis na sabi sabi ko at saka inalis ang pagkakahawak sa mukha niya. Tumaas lng ang kilay niya.

"Mag ingat ka palagi! Di mo sila kilala and tell me if may napapansin ka bang kahina hinala na umaali aligid sayo, okay?" paalala niya dahil sa nangyare kanina.

"Sino ba ang mga tae na yon? Kaaway moba sila? Fudge! Nadamay pa ako!"

Napatiim bagang na lamang siya.

"Kasalanan mo rin namang babae ka eh! Tingnan mo tuloy, binigyan mo ako ng problema!" naiiritang sabi niya saakin.

"Kasalanan ko pa? Eh iniwan mo kaya ako dun! Atsaka di ko naman alam, wala akong alam lalake." iritado ko ring sabi sakanya. Kung ngayon ay ikaw ang naiirita, pwes ako ay kanina pa.

"They're the Macho gang! At isa ang grupo nila sa mga maraming nakaaway ko! Atsaka iniwan lng naman kita para bumili ng ice cream pero nakita ko sila at ayun!" paliwanag niya.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon