Chapter 14

27.2K 521 10
                                    


Lahat ng mga estudyante ay nakaabang ang mata sa may entrance ng gymnasium. Lahat sila ay tapos ng maglakad sa red carpet pero parang may hinihintay sila na maglakad doon. Sino naman ang hinihintay nila eh tapos na akong maglakad doon kanina pa?

Kung titingnan mo ang mga estudyante ngayon ay ang gaganda at gagagwapo nila sa mga suot nilang dress, yung iba ay naka pants and tshirt. Casual lng pero malakas yung dating at syempre ay isa na din ako doon. Pero tangina lng dahil wala pa ang mga kaibigan ko. Ang sabi nila ay nandito na sila pero wala man lng akong nakitang anino nila at kahit na ang grupo ni Lux ay hindi kopa nakikita.

Ano? Bakit ko naman hinahanap ang mga gagong yun? Wala akong pake.

Lahat ng tao ay biglang natigilan ng biglang pumasok ang grupo nila Lux. Oh sila pala ang kanina pa hinihintay ng mga tao.  At bakit naman? Anong meron sakanila? Mukha silang mga unggoy lalo na si Lux!

Isa-isa silang naglakad sa red carpet at ang nauna ay si Calix na nagrampa pa at nag ala model sa paglalakad.

Tilian naman ang mga babae at halos mahimatay pa sila ah. Ang sumunod naman ay si Ford na nag flying kiss at nakangiti habang kumakaway. Tilian na naman ang mga tao lalo na ang mga babae.

Ang sumunod naman ay si Kevin na nakangisi lng at biglang nilapitan ang isang girl at hinalikan pa ito sa kamay. Muntik ng mahimatay ang babae dahil sa ginawa nito. Tangina lng grabe yung epekto nila sa mga babae! Eh pano na lng din yung mga kaibigan ko?

Sunod naman na naglakad ay si Ivan na seryoso lng na naglakad. Yung iba ay mas lalong nagtilian dahil ideal man itong si Ivan dahil sa ugali niya, bonus pa yung itsura.

At ang huli ay si Lux na nakangisi lng at nakahawak sa hikaw niya sa tenga na kumikinang tuwing nasisinagan ng ilaw! Gago hindi bagay mukhang adik! Pota! Tumawa ako ng malakas at naramdaman kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid at napansin ko din na nakatingin na saakin ng masama si Lux.

Tumigil na ako sa pagtawa at inirapan niya lamang ako. Mabilis na siyang naglakad hindi gaya kanina na slowmo. Napakaingay pa din ng gymnasium dahil sa mga tilian.

Napatigil naman sila at natahimik ng pumasok na ang mga kaibigan ko. Habang ako ay sumigaw kaya naman nalipat saakin ng panandalian ang tingin nila at ang mga kaibigan ko ay natawa dahil sa pagsigaw ko.

Isa isa rin silang naglakad na nakangisi except kay Pierre. Nagtilian ulit ang mga tao dahil mga gwapo rin ang mga kaibigan ko. Iba talaga ang mga alindog ng mga kaibigan ko eh!

Lumapit saakin ang mga kaibigan ko at inaya ako sa isang table. Kaya naman sumama na ako dahil wala naman akong kaclose dun sa table namin.

Nadaanan namin ang table nila Lux at muntik na akong matalisod nung inaharang ni Lux ang paa niya.

"Ano ba!" sigaw ko dahil muntikan na iyon.

Hindi niya ako pinansin at umiwas ng tingin.

"Chix ka talaga Sab!" rinig kong sabi ni Ford.

Buti na lng at hindi nasira ng tuluyan ang mood ko dahil sa ginawa ni Lux. Bwisit!

Maya maya rin ay dumating na si Demi na nakafitted dress habang nakalugay rin ang mahaba niyang buhok. Napasipol lng si Red na katabi ko ngayon.

Buti naman at walang lollipop sa bibig niya.

"Hi Sabby! Waah! Ang ganda mo gosh nakakatibo ka!" sabi ni Demi saakin. Nahiya naman ako bigla.

"Maganda karin naman," sabi ko dahil totoo naman talaga.

Nakipag apir lng siya at bumalik na si Demi sa table ng section nila. Ang mga table kasi ay per section, kung anong section ka ay dun karin dapat umupo pero ako kanina ay nakisit-in lng dahil hindi ko mahanap kanina ang mga bwisit kong kaklase.

MR.BAD BOY IS MY FIANCÉETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon